KANINA pa pinipigilan ni Darlyn na matawa habang nakatingin siya kay Eman na nilalagyang ng tanning foundation ang katawan ni Bien Cruz – isang actor at kakilala pala nito. Nasa bandang abs na ito at halatang halata sa mukha ng mga ito na naiilang ang mga ito sa nangyayari. Kanina pa nito inaako ang lahat ng gawain kapag lalaki ang aayusan. Naipagpasalamat niya rin na kay Terre napunta si Natalie dahil baka makalbo niya talaga ang babaeng iyon. Hindi na rin ito lumapit kay Eman pero nahuhuli niya ang matatalim na tingin nito sa kanila. Hindi na lamang niya ito pinapansin. Muli siyang napatingin sa dalawang lalaki at hindi nakatiis na lumapit sa mga ito. “Ako na nga ang gagawa niyan, nandidiri ako sa inyo,” hindi na niya napigilang sabihin kasabay ng pagtawa. “Oo nga naman Eman. Why don