CHAPTER 11

1595 Words

NANG papalubog na ang araw ay nagpack-up na ang shoot. Pero dahil beach ay hindi pa nagsipagpahinga ang mga tao. Bagkus ay nagsipaglusungan ang mga staff at mga celebrity na naimbitahan sa dagat. Si Darlyn ay mas piniling maupo na lamang sa buhanginan at panoorin ang mga nagtatawanan sa dagat. Sa isang panig ay nakita niya si Eman na mukhang siyang-siya habang napapalibutan ng mga babaeng modelo at artista. Si Terre ay nasa dagat din. Si Coffee ay biglang nawalang parang bula. Si Erica ay kasama ni Zander, maglalakad daw ang mga ito. Kaya mag-isa lang siya roon. “Hey, bakit hindi ka lumalangoy?” Napalingon siya. Nakita niya ang nakangiting si Ace. Napangiti rin siya. Nakaputing t-shirt na ito at khaki shorts. Umupo ito sa tabi niya. “Parang walang kapaguran ang mga taon iyan,” puna nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD