“What was that?” curious na tanong ni Erica nang makaalis si Mandela. Si Terre ay hindi man nagsasalita ay mukha namang naghihintay ng sagot. “Alin?” patay malisyang tanong niya. “Nag-ayaw ba kayo ni Pelayo?” prankang tanong nito. “Ah ewan ko sa lalaking iyon. Siya na nga itong uuwi ng amoy alak at amoy masangsang na pabango ng babae siya pa ang maghihinanakit kuno. Buwisit!” sagot niya at pabagsak na umupo sa kama. Napakunot noo siya ng biglang tumawa si Erica. “Bakit ka tumatawa?” “E kasi naman para kayong mag-asawa kung magtampuhan. Tinalo niyo pa kami ni Alex,” nakangiting sabi nito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Of course not! Ang sabihin mo para siyang bata. Ang labo niya kausap.” “Teka, teka. Di ko kayo masundan. Magkakilala ba kayo ni Eman Darlyn?” singit ni Terre sa us