AGAD na umasim ang mukha ni Darlyn nang mapagbuksan niya ng pinto si Eman. Suot pa rin nito ang damit nito kahapon, magulo ang buhok na halatang kamay lang ang pinangsuklay. At higit sa lahat amoy alak at pabango ng babae ito. Basta talaga sa paninira ng araw niya magaling ito. “Ang baho mo,” inis na sabi niya rito. Ngumiwi ito. “Alam ko. Si mama?” tanong nito at tuluyan ng pumasok sa bahay. Lumabas naman si mama Alicia sa kusina. Nang makita si Eman ay kumunot ang noo nito at namaywang. “Hindi na nakakatuwa ang mga pinaggagagawa mo Emmanuel. Pinapabayaan ko na nga ang ibang kalokohan mo but to forget that Saturday is our family day? Hindi ko iyan mapapalampas,” sermon nito sa anak. Umungol si Eman at niyakap ang ina. “I’m sorry ma. Hindi ko naman intension na tanghaliin ng gising. Som