SA BAWAT paghakbang ko papalapit sa bahay namin ay mas lalong lumalakas ang ingay na aking naririnig. Mayroon akong naririnig na mga nababasag na gamit at parang mayroong nag-aaway sa loob na dahilan kung bakit sobrang lakas ng t***k ng aking puso ngayon. Gustuhin ko mang tumakbo papasok ng bahay ay hindi ko magawa dahil masakit pa rin ang nasa pagitan ng mga hita ko, Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay ang bilisan ang paglalakad ko. Ni hindi na ako nakapagpaalam man lang kay Cullen dahil napunta sa loob ng bahay ang pokus ko. And that was it. Makakapasok na sana ako sa loob ng bahay kung hindi biglang hinawakan ni Cullen at hinila papalapit sa kan'ya. Idinikit nito ang ulo ko sa kan'yang dibdib at kahit na sinusubukan ko siyang itulak para makaalis ako sa pagkakahawak niya ay mas