“DITO mo ‘yan ilagay, Lucy,” utos sa akin ni Shantal na may dala-dalang mga pang-decorate ngayon. “Huwag doon sa bandang gitna kasi maraming dumadaan doon. Baka matapakan ‘yan, ikaw din. Malalagot ka kay Nica,” dagdag pa nitong saad sa akin bago ito umupo sa tabi kung saan ko rin ipapatong ‘yong mga dala-dala kong cartolina. “Okay.” Iyon na lang ang nasabi ko bago ko inilapag sa sahig ang dala-dala kong mga cartolina. Pinagpagan ko ang dalawang kamay ko bago ako tumingin sa kan’ya na kasalukuyang naggugupit na ngayon para mag-design ng mga bulaklak. “May iu-utos ka pa ba?” “Wala na.” Ngumiti ito sa akin bago ito kumaway sa bandang gilid ko. “Hi, baby! Mabuti naman at nandito ka na!” Nang lumingon ako roon ay napakunot na lang nang bahagya ang noo ko dahil nandoon pala si Vince, ang boyf