“WHAT are you doing here, Cullen?” Iyan ang pambungad na tanong ko kay Tyler nang makalapit ito sa akin. Medyo nakatagilid pa ang ulo ko habang tinititigan ko siya. Sa mga oras na 'to ay dapat hindi siya puwedeng pumasok dito dahil suspended pa siya. Did he do something about it? Maybe he used his influence to lift up his suspension. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Ace Cullen Rutherford was just like that. Heartless and manipulative. Hindi nawala ang ngisi sa mukha nito nang pasadahan ako nito ng tingin mula sa ulo ko hanggang sa paa ko, tila ay kinikilatis ang suot ko ngayon. Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nagbukas siya ng ibang topic para pag-usapan. “We’re wearing the same shirt,” he stated as he held his sando. Iwinagayway niya pa iyon na para bang ipinapakita n'ya pa 'yon