“CULLEN? Nasaan ka?” I asked for I don’t know how many times already as I walked inside the library, trying to find him in the middle of the dark. Kung kanina ay gusto ko siyang iwan dito sa library dahil gusto ko nang makalayo sa kan’ya, ngayon naman ay nandito ako sa library at pilit siyang hinahanap. Mabuti na lang at hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng library nang biglang mamatay ang lahat ng ilaw. This was rare. Hindi naman kasi nagb-brownout dito sa university, lalo na nga at sa ganitong oras pa. There should be a generator by now, pero nagtataka lang ako dahil ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin nagkakaroon ng ilaw, o kahit ng emergency lights man lang. “Cullen?” Hindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon at hinahanap siya, but I was worried and I can’t even deny it