“GUSTO mo bang gulpihin ako ni Tyler kapag pinag-trip-an ko ang kapatid niya?” sagot ni Cullen sa akin bago ito umiling nang bahagya at ngumiwi na para bang na-imagine niya bigla kung ano nga ang mangyayari sa kan'ya kapag ginawa niya 'yon. Did I hear it right? Sa mga sandaling iyon ay nagduda ako sa pandinig ko. Maybe I was just hearing nonsense from him, or is it supposed to be a joke? Nica doesn’t have any siblings. Sinamaan ko siya ng tingin bago ko siya pinagtaasan ng kilay. Nanatiling nakakrus ang dalawang kamay ko sa dibdib ko habang nakatitig lang ako sa kan’ya. “His what?” I don’t know if I’m asking him or threatening him, or maybe both. Ayoko lang talaga sa mga taong nagsisinungaling sa akin o kaya naman ay pinagt-trip-an lang ako. That's the thing I wanted the least because