"PAPA..." Sa tagal kong nakatayo rito habang nakatitig sa kan'ya ay iyon lang ang nasabi ko. Wala akong ibang magawa kung hindi ang tawagin siya habang iniisip kung bakit niya ito ginagawa ngayon. I was still wearing my uniform as I was in the first year of my senior high. Naglalakad na ako pauwi nang mapadaan ako rito sa isang restaurant kung saan ko nakita ang tatay ko na may kasamang ibang babae. Akala ko nga noong una ay namamalikmata lang ako, o baka naman ay kaibigan lang niya ang kasama niya at kung anu-ano lang talaga ang pumapasok sa isip ko. But he kissed her torridly. Ni hindi man lang sila nahiya sa mga nakakakita sa kanila noong oras na 'yon. At kahit na nakita na ako ni papa na nakatitig sa kanila habang nanlalaki ang mga mata sa labas ng kalsada ay hindi pa rin niya itini