"SILA ba? Siya ba ang bagong babae ni Cullen?" "No, it can't be. She's just a commoner. Ni kahit katiting nga ng standard ni Cullen ay hindi niya maaabot, eh." "Maybe she threatened him?" "Wow, ako pa ang nambanta, ha," naiiling kong wika rito sa sulok ng library habang nakikinig sa pagt-tsismisan ng dalawang estudiyante na hindi yata napansin na nandito lang ako sa harapan nila ngayon habang nagbabasa ng libro. Sa bagay, nakatakip nga pala ang libro sa mukha ko kaya hindi talaga nila ako makikita kahit na literal na kaharap ko lang sila ngayon. This is the only way I know how to hide. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay hindi ko na lang namalayan na nakuhaan pala ng ibang mga estudiyante ng video at pictures ang ginawang paghalik sa akin ni Cullen kanina. I didn't know at first