Kabanata 2: Love Knows No Boundaries

2024 Words
"10 months from now, you will be named as Dr. Marinette Jayne Villacorta Roque, wife of Engineer Dwight Ericson Galleon Roque. I can't wait for that day, my daughter." Ang sarap sa tainga ang malamang ikakasal ka na, pero napapangiwi pa rin ako. How can I be happy? Ikakasal nga ako pero hindi naman sa taong mahal ko. Ikakasal nga ako pero hindi gusto ko kundi dahil sa gusto ng pamilya ko. This bullshit marriage for business! "But, dad, hindi ko siya gusto. Marriage is for two people who destined to loved each other. Hindi ko siya mahal. Kahit katiting na pagmamahal hindi ko nadarama sa kaniya. Isang kasalanan sa Diyos ang magpakasal sa taong hindi mo naman minamahal. Banal ang kasal. Banal!" I have to point out may opinion. Namumula na siya habang binibigkas ko ang mga katagang ito, mararamdaman ang galit sa kaniyang mukha. Nakayukom na rin ang kaliwang kamao. Umuusbong na rin ang kakarampot na luha sa aking mga mata. Alam kong magagalit siya, pero kailangan kong lumaban. Hindi puwedeng ikasal ako. Marami pa akong gustong mangyari para sa sarili ko. "Love? Marin, you are not young anymore. Sooner or later, you will fall in love with him! Magpapakasal kayo, that is final!" Nabasag nang tinapon niya ang baso ng alak sa aking tabi. Buti na lang at hindi ako tinamaan. But I was scared. Nanginginig ang aking paa. Bakit ganito si Dad? Hindi ba dapat kung ano iyong gusto ko, sinusuportahan nila? Ngunit, bakit parang siya pa ang kontrabida ng buhay ko? "Marinette..." Lumapit sa akin si Mommy nang may pag-aalala. Kakarating lang niya at alam kong dahil iyon sa kalampog na nangyari. "Pagsabihan mo nga iyang anak mo!" singhal ni Dad na hindi man lang ako dinapuan ng tingin. Tuluyan siyang umalis at padabog na sinara ang pintuan. "Anak?" Hinagod ni Mommy ang aking likuran at niyakap ako nang mahigpit. Puno ng pag-aalala at pagmamahal. Kung si Daddy ang kontrabida ng buhay ko, si Mommy naman ang fairy godmother. "Mommy, bakit ganito si Daddy? Ayaw ko pang ikasal. Gusto ko pang i-enjoy ang pagiging single! Ayaw ko sa lalaking iyon," mahina habang humahagolgol kong ani. "Marinette, hayaan mo na muna ang daddy mo. Alam mo ba kung bakit hindi nila minamadali ang lahat?" Biglang napatanong din agad ako sa isip ko. Bakit parang nagbago ang ihip ng hangin? Dati gusto ni Daddy na agarang gawin ang seremonyas ng kasal. "My darling, ako ang nag-suggest na gawing April ang kasal ninyo. Gusto ng papa mo na bukas na bukas din ay ikasal ka na. Dinahilan ko na kailangang makapagtapos ka muna sa pag-aaral. Pero hindi iyon ang gusto ko. Gusto ko ring maging masaya ka sa taong mahal mo. Umaasa ako na sa nalalabing siyam na buwan ay magbabago ang isip ng daddy mo." Bigla akong naantig sa aking narinig. My dearest mommy, ang pinakamabait at maaalahanin sa lahat. The best mommy on Earth. Siyam na buwan na lang din pala at makakapagtapos na ako bilang doctor. Kay tagal ko itong hinintay. Pero ngayon, parang ayaw ko na munang dumating. Kung puwede lang patigilin ang pagtakbo ng orasan ginawa ko na, kaso imposible. Tanging himala na lang ang hilingin ang ganitong bagay. —— "Love..." The tone of his voice is the one who captures my heart. Mahal ko siya. I feel secure with him. He hugged me. Dahil sa yakap na iyon tuluyan nang bumigay ang mga luha sa aking mga mata. I need to tell him the truth. The truth that will break our hearts into pieces. "What happened?" I don't want to talk. Lalo lang madudurog ang puso ko. Hinayaan ko na lang siya. "Sige na. Ilabas mo lang iyan. Kung ayaw mong sabihin sa akin, ayos lang. Basta,l tandaan mo, I will always here for you." Hinaplos-haplos niya ang likod ko habang nababasa na sa luha ang kaniyang suot na damit. This is one of the reason why I love him. Alam niya kung kailan kailangan ko ng kausap; alam niya kung kailan kailangan ko lang ng masasandalan; alam niya kung kailan kailangan ko ng kasama. Kilalang-kilala na niya ako. How I wish na kung ikakasal ako ay siya na iyon. "Gusto mo ng ice cream?" He offered me one. Nang mga sandaling iyon, humina na ang hagulgol ko. Pinapasok niya ako sa kanilang bahay at gamit ang kaniyang saklay ay pumanhik siya sa kanilang tindahan. "Ahron, pabili ng overload." Narinig ko namang saad ni Angel, matalik niyang kaibigan. Nakikita ko sa harapan ko ang larawan ng kabataan nilang dalawa. Malapit talaga sila sa isa't isa. Na kahit ang pamilya ng taong mahal ko ay dini-display ang kanilang mga larawan. May iilan din namang mukha na hindi ko pa nakikilala. Marahil tiyuhin, pinsan o kaibigan niya rin ito. "Hindi na ako makapaghintay na darating iyong araw na nakasabit iyong mga larawan natin dito. Isang malaking wedding picture natin sa gitna at kumpol-kumpol na larawan natin sa tabi nito." Habang pinagmamasdan ko ang mga larawan ay bigla siyang dumating, yinakap niya ako patalikod. Bigla na naman akong nainis sa sarili ko. God! Bakit kailangan pa niyang bigkasin ang salitang kasal? Natulala ako. Sana gumawa ng paraan ang Diyos para sa amin. "Aanhin mo pa ang mga paa mo kung ‘di ka rin lalakad sa altar kasama ko." Nadako ang aking tingin sa Cornetto ice cream. Nakasulat doon ang mga katagang kaniyang ibinulalas. Kaya naman pala. Pahamak na Cornetto ito. Huhugot na lamang mapanakit pa. "Ang corny mo!" Pinilit kong ngumiti at namumula na ako sa kilig sa mga sandaling iyon. I can't hide what I feel whenever his by my side. "Pero, mahal mo." He smiled. Sa lalim ng dimples niya ay hindi ko maiwasang mapangiti na rin. Why do I love this boy? "Alam mo sa tingin ko, mas mabuti kong maging teacher ka na lang!" Hihirit na naman siya. Isa ito sa nagpaibig sa akin. "O, bakit?" tanong ko. Pero nang sandaling ito, nanumbalik ang kahapon sa aking isipan. Ang kahapon na pinipilit kong ngumiti dahil may kamera. Ang kahapon na sana hindi na nangyari sa aking buhay. "Madali mo nga akong naturuan na mahalin ka, paano pa kaya iyong mga bata?" ibinulong niya ito sa aking tainga. Namumula na ako at parang hindi na makahinga sa hindi ko malamang nararamdaman. Kinikilig yata ako nang sobra. Baka sasabog na ako sa kilig. "Elem mo nekekeinis ke!" "Pero ayos lang din na maging doktor ka, kasi kapag atakihin ako sa puso sa pagmamahal ko sa iyo, agaran mo rin naman akong bibigyan ng kisspirin at yakapsul!" Napaiwas ako ng tingin. Kaya ko siya minahal, e. His presence makes me smile na para bang wala akong dalang mabibigat na pasaning prinoproblema. "BREAKING NEWS! Congressman Eros Flores Villacorta, file his candidacy as Governor for this coming election." Hindi na nakakagulat ang nagbabagang balita mula sa TV. After all, planado na lahat ni Daddy. Mula sa pag-anunsyo na tatakbo siya bilang governor hanggang sa kasal... Biglaan kong kinuha ang remote at pinindot ang off button. Natatakot ako baka isunod na ang kasal namin ng anak ng senador na si Brandon Domagoso Roque, ang future husband kong si Engineer Dwight Ericson Galleon Roque. Nakakainis... "Ano'ng problema? Bakit mo hininto? Suportahan mo naman ang daddy mo." Pinindot ko kasi ang remote para tuluyang manahimik ang TV. Nag-aalala siyang tumikhim at tumingin sa akin. "Love, we need to break up!" Anim na salita na halos mahirapan akong ibuga. Nakakapanghina, pero kailangan kong gawin ito. Bago pa niya malaman sa iba ang lahat. "Need?" Naguguluhan siya. Pero mali ang ginamit kong salita. Sa lahat ba naman, bakit napansin niya pa. Hindi ko na siya tinapunan ng tingin at tumayo. "Kailangan lang naman, hindi ba? Ano ba ang dahilan? Ano ba ang problema? Pag-usapan naman natin ito?" Tatakbo na sana ako palabas ng kanilang tindahan nang matumba siya at mahawakan ang aking paa. Hindi ako umiimik, ayaw kong masilayan niyang umiiyak ako dahil sa relasyon naming dalawa. Ayaw ko pero nakakaawa rin ang sobrang lakas ng pagkatumba niya. "Ahh... Marinette Jayne, magsalita ka naman. Mahal kita at kung may problema man, pag-usapan natin." What should I do? Hindi na ako makakaiwas pa. Nahihirapan na siyang nakahawak sa aking paa. Marahan siyang tumayo at ginamit akong saklay. Sa totoo lang, mas mabuti pang kasama ang taong ito na may kakulangan man sa buhay, e, buong-buo naman ang pag-asa. Hindi tulad ng iba na sinasayang lang ang buhay. "I don't love you anymore. So, let go of me." I need to do this. Marahan ko lang din siyang binitawan upang maiwasan niyang matumba. "Ano na naman bang problem mo, ha? Kung may nagawa akong mali, babaguhin ko, aayusin ko. Huwag ka lang mawala sa akin." Nanghihina na siya, alam ko. Niyakap niya ako nang mahigpit. Isang kalas ko lang ay kaya ko na siyang matakasan sa pagkakayakap sa akin. Pero parang may pumipigil sa akin. Marahil dahil huling yakap na lang ito. Isang malakas na sampal sa aking mukha ang labis kong ikinagulantang. Hindi ko agad napansing papalapit pala ang matandang kapatid na babae ni Ahron, si Daryl. "Walanghiya ka! Manggagamit! Paasa!" Hinarangan ni Ahron ang nakatatandang kapatid na sobrang galit. "Ate, ano po'ng nagawa ko?" naguguluhan kong saad. "Maangmaangan ka pa. Stop using may brother!" Mas lalo akong nagulat. Ano ang koneksyon ng mahal ko? "Ate, ano ba? Masaya kami. Puwede bang hayaan mo rin naman akong maging masaya kahit paminsan-minsan lang?" Naninikip ang dibdib ko sa narinig mula sa kaniya. Paano na kaya ulit ang ikot ng mundo niya kapag wala na ako? Kapag hindi na ako puwedeng magpakita sa kaniya? Baka ikamatay niya. Diyos ko, sana naman hindi. "Iyan... iyang babaeng iyan. Ikakasal na iyan sa anak ng senador! Kaya halika na. Hayaan na natin iyan! Niloloko ka lang niyan!" Ayaw ko siyang tingnan pero kumukontra ang aking katawan. Hindi ako makagalaw. Dahan-dahang umaagos sa kaniyang mga mata ang mga luha. "Totoo ba?!" Nanginginig na ako at hindi makapagsalita. Dumaloy na rin nang tuluyan ang aking mga luha. Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring matapang na nagsalita. "Oo! Magpapakasal na ako. Hindi kita mahal. Para sa akin ay isa ka lang panyo, panakip-butas na niluluhaan sa tuwing may problema. At kapag hindi na kailangan, itatapon na lang kung saan-saan." "Eh, gago ka pala, e!" Hindi ako nakailag nang kaladkarin ako ng kapatid ni Ahron. Mahigpit niyang hawak ang buhok ko habang nanggigil at naiinis. Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa kaniyang ginagawa. "Tama na!" Nagpatigil sa amin ang sigaw ni Ahron. Mapanakit ang mata niyang nakatutok lamang sa akin. Lumuluha at puno ng emosyon. Hindi ako makahinga nang maaayos. Hanggang dito na lamang ba talaga kami? "Pero, bunso?" "Ate... Hayaan niyo muna kaming mag-usap. Ate, bumalik ka na sa bahay baka masunog iyong niluluto ko." Parang gusto kong lamunin na ako ng lupa ng mga sandaling kami na lang dalawa. Puro, hikbi na lang ang naririnig at walang gustong magsalita. Ayaw kong simulan pero ayaw ko ring magsalita siya. Gusto kong ganito lang kasimple. Magkatabi kami sa isang bangko, kami lang dalawa at wala ng iba. "Ihahatid na kita..." "Sorry..." Magkasabay kaming nagsalita at halos matawa kami sa nangyari. Naglakad-lakad na kami. Noong una ay walang kibuan hanggang sa nagdikit kami at naghawakan ng kamay. Sana nakatali na lang ang kamay namin para hindi na kami magbitiwan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na hindi mo na pala ako mahal? Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikakasal ka na pala? Oo, nang pasukin natin ang relasyong ito, sinabi kong nandito lang ako hangga't wala ka pang bago. Pero sana nag-warning ka man lang. Hindi iyong ganito, gulatan na lang bigla. Tama talaga si Ate, e, hindi puwede ang mahirap na katulad ko sa mundo mo. Walang magmamahal sa akin dahil tindero lang ako at hindi pa buo ang nakikita ko. Alam mong mahal na mahal kita pero ang sakit-sakit na kasi. Ayaw ko na..." "Magtanan na tayo." Niyakap ko siya matapos kong sabihin iyon. Wala na akong ibang naiisip kung hindi ang magkasama kami. Kahit magdildil ako ng asin, basta kasama lang siya ay okay na sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD