“Magtanan na tayo.”
Dalawang araw na buhat nang sabihin ito ni Marinette sa kaniyang iniibig. Sobrang hirap ng kanilang sitwasyon ng kaniyang iniibig. Lahat ng desisyon ni Marinette ay nakabase sa kaniyang mga magulang. Ngunit sa puntong ito, sobrang hirap gawin ang kanilang gusto. Noong nasa kolehiyo si Marinette ay binalak niyang maging guro, ngunit hindi ito natuloy dahil ipinagsiksikan ng kaniyang pamilya na maging doktor siya. Lalo na dahil sa isang malaking hindi inaaasahang pangyayari. Bukod sa gusto kasi nila ito, e, may-ari din sila ng pinakamalaking hospital sa Northern Mindanao.
Pero sa puntong ito iba na, kasi puso na ang kalaban ng mga desisyon ng kaniyang pamilya. Ang taong kaniyang minamahal o ang taong ninanais ng kaniyang ama?
"Marin, Kumain ka na."
Tatlong araw na rin buhat nang hindi sila nagpapansinan ng kaniyang ama. Kapag kumakain ang kaniyang ama ay hindi siya lumalabas ng kwarto. Kapag lumalabas naman ng bahay ang kaniyang ama ay saka lang siya kumakain. Minsan pa, e, bago siya umuwi ng bahay ay kumain na ito sa may fast food chain.
"Opo," tanging turan niya lang sa kaniyang ama nang katukin siya nito. Kailangan niya pa ring sagutin ito kahit na may tampo pa rin siya rito. Kasi kahit bali-baliktarin pa rin ang mundo, ama pa rin niya ito.
"Marinette."
Napalingon siya sa may pintuan nang makita ang nakatayo niyang ina. Nilapitan siya nito at tumabi sa higaan.
"Mom, mamaya na ako kakain. Mauna na kayo."
"Marinette, makiayon na lang muna tayo sa daddy mo. Subukan mo kayang makiayon sa mga ginagawa niya ngayon. Ipakita mo sa kaniya na dapat kang pagkatiwalaan. Magbabago rin ang isip noon." Hinawakan siya ng kaniyang ina sa likuran. Hinagod bilang panlalabing.
"Mom, I'm doing that the whole time. Ang ipakita sa kaniya kung ano ang gusto ko. But he's too blind enough to see it." Nagtalukbong siya ng kumot.
"I'm sorry, Marinette."
"Jane? Tita?"
Naalarma si Marinette nang marinig niya ang boses mula sa labas ng kaniyang pintuan. Isang tao lamang ang tumatawag sa kaniya ng Jane, at walang iba kundi ang kaniyang nalalapit na groom-to-be, si Dwight.
"Pumasok ka, Dwight."
Agaran namang bumukas ang pintuan. Iniluwa nito si Dwight na may dalang mamahaling bulaklak at tsokolate. Tumango ang ina niya kay Dwight at iniwan silang dalawa.
"Jane, ang sabi ng daddy mo, hindi ka pa raw kumakain. Nagluto ako ng paborito mong ulam. Nagpaturo ako sa mom ko." Nakangiti si Dwight habang kinakausap ang babaeng nahihiya pa rin dahil hindi pa ito nakabihis buhat sa paaaralan.
"Huwag ka ngang maging mabait sa akin. Ano ba ang gusto mo?" naiinis nitong saad.
"Jane, humarap ka nga sa akin. Bastos nito. Tanggalin mo iyang kumot o puwede namang sabay na lang tayong magkumot." Naitapon ni Marinette ang kumot kay Dwight dahil sa narinig.
"Oo na, kakain na ako. Bumaba ka na nga, dahil magbibihis pa ako."
"Gusto mong bihisan pa kita?" pilyong saad ni Dwight.
"Gago! Huwag mo akong igaya sa mga babae mo!" Nanggigigil na si Marinette. Gusto na niyang manakit pero nagtitimpi pa rin siya.
"Hindi talaga, dahil sila babae ko lang, tapos ikaw, ikaw ang mapapangasawa ko." Humahagikhik na umalis siya sa kwarto ni Marinette.
"Dwight, bakit ang saya-saya mo? Lalabas na ba siya?" bungad ng ama ni Marinette pagdating pa lamang nito sa kusina.
"Oo, Tito Eros. Nang malaman niyang ako ang nagluto ng paborito niyang ulam, sumang-ayon agad."
Sobrang malapit sila sa isa't isa. Kadalasan kasi, nagkakasalubong sila tuwing may mga pagtitipon-tipon. Handaan, piyesta, kasal, birthday. Kung minsan nagiging guest itong si Dwight. Kumakanta, sumasayaw, pambigay aliw sa mga manonood. Napupuno ang bawat event kapag isa sa guest ang isang engineer at aktor na walang iba kundi si Dwight.
"Palabiro ka talaga. Kaya hindi na talaga ako makapaghintay na tawagin kang anak."
Lalong bumilib nang husto itong ama ni Marinette. Hindi na siya makapaghintay na makitang masaya ang kaniyang anak sa taong sobrang successful sa buhay. Tanging nais niya lang na mapunta ang kaniyang anak sa tamang tao. Sa taong magbibigay sa kaniyang anak ng magandang buhay.
"Darating din tayo riyan, Tito." Ngumiti siya habang umiinom ng tubig.
"Marinette, halika na. Kumain na tayo," tawag agad ni Psyche, ang ina ni Marinette. Nakangiti siyang makita ang kaniyang anak na kinakayang humarap sa mga taong napipilitan lang siyang harapin. Ang tanging gusto lang niya para sa kaniyang anak ay maging masaya at malayang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso. Nagtitimpi lang din siya pero sa oras na kinakailangan, doon siya magpapakitang-gilas na ipaglaban ang kaniyang anak.
Kinuha ni Dwight ang upuan upang paupuin si Marinette.
"Gentleman. Isang katangiang bihira na lang nating nakikita sa tao ngayon. Your lucky to have him, Marin."
Patagong napangiwi si Marinette. Gusto niyang sabihin sa ama niya na may ibang taong gumawa na sa kaniya nito. Para sa kaniya, wala ng ibang gentleman pa kundi si Ahron lamang. Pero hindi pwede. Maaaring ikakapahamak niya rin ito.
"Tito, talaga. Mas maswerte ako sa anak niyo. Bukod sa maganda na, e, magiging doktor pa."
"Teka nga, Marin. Kamusta na ang pag-aaral mo?"
Nadako ang tingin niya sa ama at doon niya napansing hindi niya kailangang mailang. Kahit anuman ang mangyari, ama niya pa rin ito.
"Okay naman," mahina niyang usal dito.
"What's the plan? Inilista ko na lahat. By March, magiging doctor ka na, Marin." Tumikhim si habang nakatitig kay Marinette. "And by April, ikakasal kayong dalawa. Dapat engrandeng kasal iyan. Pag-uusapan ng buong bansa," pagpapatuloy nito habang nakangiting palipat-lipat ng tingin kina Marionette at Dwight. "And hopefully by May, ay manalo kaming dalawa ng daddy mo bilang senador." Tinapik pa ni Eros si Dwight habang nakangsing binibigkas ito.
"That's good, Tito."
Tahimik lang si Marinette na kumakain habang nagsasalita naman si Dwight.
"Kumain ka pa. Mukhang sarap na sarap ka sa niluto ko, a. Hayaan mo, araw-araw kitang ipagluluto sa oras na ikasal na tayo. Gusto mo iyon?" Masarap naman talaga ang niluto ni Dwight pero hindi iyon ang dahilan kaya naparami ng kain si Marinette. Naparami lang siya dahil imbes na makinig sa pag-uusapan nila ay tinutuon niya lang sa pagkain.
"Huh?" Palipat-lipat siya ng tingin. Hindi niya alam kung bakit natahimik silang lahat. Natahimik lang naman sila kakahintay na magsalita siya. Para kay Marinette, mas masarap pa rin ang luto ni Ahron kaysa sa kinakain niya ngayon.
"Jane, magpataba ka lang. Wala naman na akong magagawa kundi piliin ka." Tumawa si Dwight at natawa na lang din ang buong nakapaligid sa mesa. Maliban, kay Marinette.
"Sige, pagkaisahan na ninyo ako!" Nakahanap din siya ng paraan upang makaalis na sa hapag. Walang lingon siyang uminom ng tubig galing sa refrigerator at umalis. Pero bago iyon ay narinig niya pa ang tawanan ng tatlong iniwan niya sa hapag. Ang saya nila habang humahagikhik pa si Dwight.
"Tita, Tito, pagpasensyahan na ninyo ang anak ninyo. Nireregla yata!"
Malakas na sinarhan ni Marinette ang kaniyang pintuan. Bumungad sa kaniya ang kaniyang cellphone na tumutunog.
"Lyca?" Agaran niyang kinuha ang cellphone at sinagot ito. Tumatawag ang matalik niyang kaibigan.
"Oo, Sis. Nabalitaan kong ikakasal ka na with my ultimate crush. Grabe ka sa akin, mang-aagaw ka!" madrama nitong saad.
"Hoy! Hindi ko siya inagaw sa iyo. Nakakabwisit nga ang pagmumukha ng mokong na iyon, e. Sarap i-flush sa banyo," sigaw niya sa sobrang inis. Padabog siyang humiga sa kama.
"Sis, ang swerte-swerte mo na nga, dahil bukod sa engineer, artista, gwapo, may six packs abs, mayaman pa. Tiba-tiba tayo diyan. Sabi mo noon, gayuma na lang ang paraan para mahulog ka sa kaniya. Ginayuma ka na ba?"
"Gayuma ka riyan. Hindi, no! Kung gusto mo, e, sa iyo na iyong mokong na iyon!"
"Kung sana kasi ako na lang, e. Kaso ikaw ang pinili. Ikaw na. Sana all!"
Natahimik bigla si Marinette. Bigla niyang naalala lahat ng plano ng kaniyang ama. Mula sa graduation, wedding hanggang election.
"Hoy! Nagbakasyon lang ako, malalaman kong ikakasal ka na pala. Hindi mo man lang sinabi sa akin na may dyowa ka. Abisuhan mo rin naman ako kapag may time!"
Limang buwan na buhat ng umalis si Lyca papuntang abroad upang tapusin ang kaniyang OJT doon. Isa siyang HRM students at sa parehong taon, magtatapos na rin ito katulad ni Marinette.
Kakauwi lang ni Lyca nang mabalitaan niya ang balita tungkol sa nalalapit na kasal ng kaniyang matalik na kaibigan.
"Oo na. Sasabihin ko na sa iyo ang lahat kapag nakauwi ka na."
"Okay. Pagbuksan mo naman ako ng gate ninyo." Napabalikwas siyang bumangon at tumingin sa bintana. Naroon nga ang kaniyang kausap sa cellphone.
Patakbo siyang lumabas ng kanilang bahay. Ngunit nagkasabay silang dalawa ni Dwight na humawak sa may pihitan ng pinto.
"Ang gentlewoman mo naman pala, Jane. Pagbubuksan mo pa ako ng pinto palabas. Salamat." Bumitaw si Dwight sa pihitan ng pinto at hinayaang buksan ito ni Marinette. Nakangisi siyang inaasar ito. Siguro kong si Ahron lang itong nangungulit, kikiligin na siya kaso iba, e.
"Sis!" Bumangad ang kakapasok lang ng gate na si Lyca. Nagulat ito nang masilayan niya ang ultimate crush niya since college. Bukod sa pagiging artista ay MVP sa basketball itong si Dwight noong nasa kolehiyo siya. Sa katunayan, isang taon lang talaga ang agwat nila. Noong huling graduation lang nakapagtapos ng pagiging engineer itong si Dwight. Sa kadahilanang naging magna c*m laude siya ay agaran din siyang nakakuha ng magandang trabaho.
"Sis!" Handa na si Marinette na salubungin ang kaniyang kaibigan ngunit labis niyang ikinagulat na imbes na sa kaniya siya yayakap, e, kay Dwight.
"Pinagbuksan pa naman kita ng pinto. Sige, sis. Kayo na lang ang mag-sis. Kayo na lang ang magyakapan sa isa't isa. Kayo na lang din ang magkaibigan. Kayo na lang din kaya ang magpakasal. Baka gusto ninyo?" pagdradrama nitong si Marinette.
"Ikaw talaga, sis. Tampurorot ka kaagad. Hindi ko naman balak agawin itong soon-to-be-groom mo," padabog pa nitong saad habang papalapit sa kaniya.
"Jane, huwag ka namang ganyan. Hindi ko alam na selosa ka pala. Pasensya na kung sobrang pogi ko. Alagang belo, e."
"Ang drama ninyong dalawa. Umuwi ka na nga, Dwight! Tsaka, ikaw, halika rito. Marami kang ikwe-kwento at mukhang masarap iyang dala mong tsokolate. Favorite ko iyan." Naglakad na papasok ng kwarto habang natatawa pa ring nagsasalita si Dwight.
"Jane, bukas na bukas, padadalhan kita ng maraming tsokolate. Para maging matamis naman iyang mga lumalabas sa bibig mo."
"So, ano nga ang mga nangyari?" panimula agad ni Lyca.
Ikwenento agad ni Marenette ang mga buong nangyari. Walang labis, walang kulang. Mula sa paano nagsimula hanggang sa paano humantong sa ganito ang lahat. Bukod kay Ahron ay isa pa si Lyca sa nakakausap ni Marinette, kaya hindi siya nagdalawang-isip sabihin ang lahat-lahat. Komportable at walang pagdadalawang-isip.
"Ikakasal ka dahil gusto ng papa mo?" Nanlaki ang mata ni Lyca habang tinatanong ito.
"Oo."
"Solusyon mo ang tanan para maiwasan ito?
"Oo."
"Sis, masasayang ang buhay mo. Huwag mo munang ituloy ang tanan. Malay mo, mababago pa ang isip ni Tito. Malay mo bukas na bukas din, cancel na ang kasal. At ako, ako na ang pakakasalan ni Dwight with flying colors," natatawang bigkas nito.
Napangiti at gumaan nang bahagya ang pinapasan niyang problema dahil sa kaniyang matalik na kaibigan.
Kinabukasan, ay maagang umalis si Lyca. Magkatabi silang natulog, na nakasanayan nilang gawi. Buong araw na nag-iisip si Marinnete sa dapat niyang gawin. Hanggang sa napagtanto na niya ang dapat gawin. Sa hinahaba ng pag-iisip, natuldukan niya rin ang kaniyang pasya.
"Mahal!" sigaw si Ahron nang makita ang kaniyang minamahal.
"Mahal!" Yinakap ni Marinette si Ahron.
"Bakit wala kang dalang damit?" tanong ni Ahron.
"Mahal..." Bumuga siya ng hangin bago nagpatuloy "Sa totoo lang, muntikan na akong mamatay noong nakaraang araw. Pinagbabaril ako, mabuti na lang at hindi ako tinamaan. Kaya naisip kong magtanan na tayo. Gusto kong sulitin ang mga araw kasama ka. Natakot ako. Pero na-realize kong hindi pala ako dapat matakot. Hayaan na lang muna natin sila. May siyam na buwan pa at sana magbago pa ang isip ni Dad."
"Sorry."
"Bakit?"
"Sorry kasi hindi kita kayang ipaglaban. Kung sana lang hindi ako naging ganito. Kung sana lang hindi ako baldado, baka..." Napapaiyak na sa inis ng buhay si Ahron.
"Tahan na. Kung hindi ka ganyan, baka hindi kita minahal. Minahal kita sa kung ano ka. Tandaan mo iyan."
Bumuhos ang malakas na ulan. Nakikisimpatya sa kanilang mga nararamdaman.
Isang malakas na putok ng baril ang nagpahiwalay sa kanilang dalawa. Naramdaman na lamang ni Marinnete ang pulang dugo sa kaniyang palad.
"Tulong!" sigaw niya.
"Ahron...."