Kabanata 1: Writer's Mission

2125 Words
"Are you out of your mind? Maraming sira ang ulo rito sa Pilipinas. Maaaring pag-uwi mo rito sa bahay, e, tambangan ka na nila! Istupido!"  I dropped my cell phone immediately. He's so protective of me. Minsan, naiisip kong daig ko pa ang isang kindergarten sa pagtrato niya sa akin. Do he even care about what I feel? Pakiramdam ko, ang higpit niya sa akin. Hello, I'm old enough! I'm the handsome and sweet creation of God. Sa gwapo kong ito, maraming babae ang maghahabol.  Teka, parang may magandang binibini sa highway! Ang haba ng kaniyang paa; ang sexy niya sa hapit na hapit niyang damit; amoy mayaman ang kaniyang relong rolex; mamahalin ang kumikinang niyang kuwintas; mamula-mula ang kaniyang mga labi; matangos ang kaniyang ilong; at abot beywang ang kaniyang buhok at ang astig niyang gumalaw. I look at her from head to toe. I can't help myself. There's something about her that I can't even control myself to look at her. She makes my heart beat fast. She seems familiar but I don't remember where I saw her. I don't know if she is in a danger zone or a safe zone? Sa buhay, bago natin kilalanin ang bawat taong dumarating, dapat alam natin kung ikakapahamak ba natin ang existence niya o siya ay isang malaking ambag ng Maykapal upang lalong maagapan ang bawat paggising natin sa umaga. Turo kasi sa akin iyan ng lola ko. "You have to come early. I want to show you something. This is about your mission," I read the message when my phone vibrated. Teka nga…  Anong mission ba ito?  Sana pala ay hindi na lang ako umuwi galing America. Siguro, hihigpitan na naman niya ako ulit. Magiging sagabal na naman siya sa buhay ko. Ang sarap kayang mabuhay sa America. Wala siya at kaya kong gawin ang lahat ng gusto kong gawin. Nabitiwan ko ang hawak kong cellphone nang may bumangga sa akin. Sa sobrang lakas, nakaramdam ako ng pagkainis. Agaran ko siyang hinarap at binulaan ng sisi. "s**t! Next time bring your eyes!"  She looked at me.  Nang magtama ang aming mata, parang ayaw ko nang bumitaw sa pagkakatitig sa kaniya. Maaliwalas naman ang kaniyang mukha pero pakiramdam ko ay nakatago rito ang masalimuot niyang buhay. Ang mga mata niya ay parang nagmamakaawa at nangangailangan ng mag-aalaga.  "I'm sorry. Nagmamadali kasi ako!" Tumatango pa siya habang lumalakad papaalis. She's the girl on the highway. But wait, parang may isang bagay akong napapansin sa may uluhan niya. Isang kulay pulang bilog na marka o baka nagkakamali lang din ako? Pawala-wala kasi ang nasabing kulay. Baka namamalikmata lang ako? Minabuti ko siyang sundan. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Wala namang kakaiba, pero parang… "s**t!" Bago pa pumutok ang baril ay naitulak ko na siya. Dalawa kaming gumulong-gulong sa may damuhan. Napuno ng sigawan ang buong plaza. Nagsitakbuhan ang mga tao. Ilang sandali pa ay tumayo ako at hinawakan ang kaniyang kamay.  Sabi ko na nga ba, e. Isa siyang danger zone. Mapapahamak lang ako sa existence niya. "What is happening?"  Hindi ko siya sinagot at patakbong hinawakan ang kaniyang kamay. Para kaming bida sa pelikulang action ang genre. Iyong tipong nagsisitakbuhan na kami mula sa nagsisiputakang bala. Hinihingal siyang huminto at bumitaw sa pagkakahawak sa akin. "Ano ba ang nangyayari?" she asked with irritation in her face.  "I saved you! You almost died with that bullet!" "Almost die? Hello, baka naman ikaw talaga ang gustong tamaan ng baril ng kung sino man iyon," bigkas niya.  Nakakainis na, sarap patulan ng babaeng ito. "What the hell? Iniligtas na nga kita, pero parang mali ko pa. Simpleng thank you naman diyan." I smiled. Mahuli ka sa charm ko, oy. "Thank you? Baka naman kasi magkasabwat kayo noong may-ari ng baril!"  Talaga bang walang epekto ang pagpapa-cute ko? "Talaga ba? Kung magkasabwat kami, para sa ano naman?" Nakakapanghinayang, maganda sana kaso sobrang maldita naman. "Magkano ba? Isang milyon? Dalawang milyon? Kilala ko na ang mudos ninyo! Isusumbong kita sa daddy kong congressman." "Bullshit! Bahala ka nga sa buhay mo!"  Ano kaya'ng mayroon sa kaniya? Parang maraming beses na yata siyang nabiktima ng budol kaya lahat na inaasahan niyang magkakuntyabo? Ganito na ba talaga ang mga babae sa Pilipinas? Mga walang utang na loob? Kung sino pa ang tumutulong, napagkakamalan pang may sala. Sabagay, baka naaapektuhan din siya sa mga libro at palabas na kung sino pa ang santa-santahan, iyon pa ang tunay na may kasalanan. Naglakad ako papalayo sa kaniya. Bahala na nga siya sa buhay niya. ----------- Isang malakas na putok ng baril ang nagpataranta sa akin kaya tuluyan ko siyang binalikan. Nang mga sandaling iyon ay parang huminto ang buong paligid sa pag-ikot. Tanging siya at ako na lang ang nananahan sa mundo. Ano na ba itong nangyayari? Dahan-dahang lumalapit sa akin ang kaniyang nakakabighaning amoy at sa isang iglap lang ay magkayakap na kaming dalawa. Nararamdaman ko ang t***k ng kaniyang puso na sa wari ko ay bunga ng kaniyang takot.  Humahangos siya kasabay ng pagbigkas sa mga katagang, "Tulungan mo ako!" Agaran ko siyang pinaharap sa akin nang mapansing paparating na ang may dala ng baril. Nakakulay itim ang taong ito at may suot na maskara. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at muli kaming nagsitakbuhan sa may pasikot-sikot na pasilyo. Kung saan-saan na kami dumaan makalayo lang sa taong iyon. "Salamat!" bigkas niya. Hinahangos na siya at tumutulo na rin ang pawis sa kaniyang mukha. "Salamat lang?" Nginitian ko siya. Gusto kong baguhin ang awra ng buong paligid upang sa ganoon ay mawala ang tensyon niya sa nakakatakot na pangyayari. "Magkano ba ang gusto mo?" tanong niya sa akin na labis kong ikinagulat.  Hello, ano ang akala niya, mukhang pera ako? Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa inis. "Gusto kitang tulungan bilang kapalit ng pagtulong mo sa akin. Kaya tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ako, okay? Ano ba ang gusto mo?" "Wala, ikaw lang. Date tayo?" Alam ko at kampante akong sasagot siya ng oo. Walang makakahindi sa akin. "Sorry. I'm going to get married. . . soon."  Naubusan ako ng salita dahil sa narinig ko mula sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Hays! Puwede na akong takluban ng langit at lupa. "Ahm." "Anyways, may pupuntahan pa pala ako. Ako na ang magre-report sa pulis at sa daddy ko. Thank you. See you around." Pumara siya ng taxi at sumakay. I forgot to ask her name. Ano nga kaya ang pangalan niya?  —— "Sir, What do you want? What do you need? What are you waiting for? What—" "Nanny, chilax. Mag-Tagalog ka nga. Nag-abroad lang ako, pero bihasa pa rin ako sa Tagalog. You almost forgot, I'm a Filipino author."  "Sir, naman. Oo nga pala, kaso puro katatakutan ang pinagagawa mo. Ang saya na sana nang panimula noong Daisy's Valentines Day, tapos biglang nagsilabasan ang mga aswang. I have a copy. Pa-fan sign naman." Inilatag niya ang libro ko, na nabili niya. Siya lang ang nakakaalam ng lahat.  Hindi na isinapubliko ang aking sarili para raw sa aking privacy. Sabi pa ng publisher ay laman pa lang ng mga kwento ko ay makakahatak na sa madla. Kailangan may pa-Bob Ong effect ang kanilang publishing at ako iyon. Maaaring unfair sa iba pero ginusto ko ito. Gusto kong kilalanin ako dahil sa gawa ko at hindi dahil sa kung ano ang nakikita nila sa akin. "Nanny, sana humingi ka na lang sa akin. Akin na nga iyan." Hinawakan ko ang kaniyang hawak na libro at pinirmahan. "Where's dad?" tanong ko. "Umalis, e. Baka gabihin na naman iyon." Dumeretso na ako sa aking kwarto. Walang pinagbago. Nakaukit pa rin ang aking pangalang Psymon Blake Villarico. "Sir, inayos ko iyan. Wala kaming binago sa kwarto mo." "Sige. Salamat."  Kumusta na kaya ang mga kaibigan ko noon? Siguro, going strong pa rin silang magtrotropa. Subukan ko kaya silang i-text? Pero, hindi pala puwede. Bawal akong ma-involve sa kanila hanggat may mission pa akong gagawin. "Blake, how's your first day there?"  "Mom, I'm fine. Sumunod ka agad." "Alam mo namang hindi puwede. Basta mag-iingat ka riyan." Malungkot ang tono ng boses ni Mom. Kung sana lang talaga ay puwedeng magkasama kami, e. Kaso baka mabulilyaso ang lahat.  "I will..." I have to be strong. Kailangang walang makaalam na nakauwi na ako sa Pilipinas. Kailangang ibang pagkatao ang kikilalanin nila sa akin. — KINABUKASAN, nasa Gaisano Mall ako. Ang daming tao pero wala akong kasabay. Sana madali ko lang matapos ang misyon para makabalik na ako sa America. Nami-miss ko na ang mga kasamahan kong Pinoy roon.  Ngayong narito ako sa mall ay naaalala ko na trip naming kumain ng mga tropa ko sa mga libreng pagkain dito sa mall na ito. Ang saya lang noon ng buhay. Siguro, balang-araw ay magkikita kaming apat na magkakaibigan.  Teka lang, magkikita?  May nakita na naman akong familiar ang mukha. May nakakuha na naman ng atensyon ko. Iyong babae sa highway kahapon. Nakasakay sa escalator, mag-isa at walang kasama habang papunta sa taas. Tanga ba siya? Muntikan na siyang mamatay kahapon pero hindi pa rin siya kumuha ng bodyguards? Sa tingin ko ay mayaman ang isang ito kaya bakit hindi na lang siya kumuha ng bodyguards? Sinundan ko siya ng tingin. Hindi ko napapansin na pati pala ang mga paa ko ay napapasunod na rin kaniya. Sa bawat galaw niya ay napapasabay ako. Ang swete ng mapapangasawa nito. Bukod sa sexy at maganda ay may angas pa kung lumakad.  May lumapit sa kaniyang lalaki na may dalang isang pirasong bulaklak na rosas na kulay pula. Napahinto siya. Kinuha ang bulaklak na may papel. Kinuha niya ang papel at binasa. Natawa sa nakasulat.  Ano kaya ang laman ng papel? Muli, sa pagpapatuloy niya sa paglalakad, isang matanda ang nagbigay na naman sa kaniya ng rosas. Binasa niya ang loob ng papel at muling ngumiti. Nakakadala ang kaniyang mga ngiti, na kahit titigan mo lang siya buong araw ay kumpleto na ang araw mo. Alam ko na kung ano ang laman ng bawat papel. Isang hugot pag-ibig na magpapabihag sa puso ng bawat makakabasa. Base kasi sa kung paano niya ibuka ang kaniyang bibig ay batid kong tama nga ako.  Dahil nahulog ang papel ay pinulot ko iyon. "Siguro kung araw ka, ikaw ang Linggo tapos ako naman, ako ang Sabado. Dahil ikaw, ikaw ang kinabukasan ko." Iyan mismo ang katagang nakalagay sa papel. Pero, teka may dumating pang isa. "Miss, parang may kamukha ka? Kamukha mo ang future wife ko." Sa puntong ito namumula na siya sa kilig.  Nararamdaman ko mismo ang kaniyang nararamdaman. Ang sarap isulat ang mga eksenang ito sa libro. Siguro, isa na naman itong inspirasyon upang muli, gumawa ng panibagong kwento at sa puntong ito, ay sa pag-ibig na sesentro ang lahat at hindi sa katatakutan. Parami nang parami na ang mga tangkay ng rosas sa kaniya. Pababa na siya ng elevator. Doon bumungad ang lalaking may pormal na pananamit. May bitbit itong tsokolate, isang teddy bear na kasinglaki ng tao at ang pinakahuli, ay bulaklak na rosas. Teka nga, bakit parang nanliligaw pa itong lalaki? Akala ko ba ay ikakasal na siya? Parang may kakaiba? Patuloy pa rin akong nakaabang sa kung ano ang susunod na mangyayari. Para lang akong nanonood ng teleserye sa kalagayang ito. Hindi pa man nakakababa ang babae ay kumakanta na ang lalaking nakaabang sa kaniya. At ang iba sa mga nanonood ay napapakanta na rin. Napuno ng bulong-bulongan ang buong mall. "Will you marry me?" Pagkababa na pagkababa niya sa elevator ay lumuhod ang lalaki. Sumambulat din ang malaking balloon sa likuran nito na nakasulat sa parehong katagang ibinulalas ng lalaki. Napuno pa ng ingay ang buong mall. Marami na rin ang nakikisigaw ng salitang OO. "Oo."  Tumayo ang lalaki at hinalikan ang minamahal na binibini. Ang sarap makakita ng taong nagmamahalan, pero sana ako iyong lalaking iyon. —— "Buksan mo ang laman ng envelope na iyan. Iyang mga taong iyan ang dapat mong bantayan. Kung maigi ay makipagkaibigan ka sa kanila upang agaran mong matapos ang misyon."  Kararating ko lang at pagpasok na pagpasok ko pa lamang ay itinapon na ni Daddy ang envelope. Wala talaga siyang respeto sa akin bilang anak niya. At dahil anak niya ako ay sinusunod ko na lamang siya. "Congressman Eros Flores Villacorta? Dad, ganito na ba patapon ang Pilipinas at maging pulitiko ay pinasok na rin ang pagiging druglord?" "Congressman Villacorta is just a hint. Wala pang patunay na isa nga siya. Pero maraming nagre-report. Ebidensya na lamang ang kulang at makukulong na siya." Lahat ay nasa mabuting usapan hanggang sa napahinto ako sa larawan ng isang magandang dilag…  MARINNETE JANE FLORES VILLACORTA... Ang babaeng iniligtas ko sa kamatayan... Ang babaeng ikakasal na sa kaniyang minamahal. Ang babae sa highway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD