Hanggang sa nakatawid na ang mag-ama mula sa isla. Nakaramdam naman ng pagbabago si Gabriel sa kaniyang kapaligiran. Dahil hindi ganito ang bayan noong una siyang napadpad sa lugar.
Kailangan pa ni Gabriel na magtanong-tanong dahil hindi na niya alam ang daan papuntang paradahan ng bus.
Dumating si Gabriel sa kanilang tahanan na kandong ang kaniyang anak. Sa hindi paman siya dumating ay alam na niya ang magiging reaksyon ng kaniyang mga magulang. Alam niyang hindi ito matutuwa pero gagawin niya ang lahat para matanggap silang dalawa ng kaniyang anak.
Nang makapasok si Gabriel sa kanilang tahanan ay ang masungit niyang ina agad ang kaniyang nabungaran sa sala.
"Mom," sambit niya sa kaniyang ina.
"Bakit ka pa bumalik?!Matagal ka na naming kinalimutan Gabriel!" sabi ng ina niyang galit.
"Mom, patawarin ninyo ako."
"Mas pinili mo ang impaktang iyon kaysa amin. Tapos ngayon nandito ka at hihingi ng kapatawaran! Lumayas ka!"
"Mom, nagmamakaawa ako tanggapin mo kami ng aking anak. Pangakong susundin ko ang lahat ninyong gusto," wika ni Gabriel habang lumuluhod sa harapan ng kaniyang ina na kandong pa ang sanggol.
"Gabriel, kaya kitang mapatawad at matanggap dahil anak kita. Pero iyang anak mo ay hindi ko matatanggap!" anang ina at kasabay noon ay ang pag-iyak ng sanggol.
"Mom, walang kasalanan ang aking anak, inosente siya."
"Pero anak pa rin siya ni Loisa! Alam kong ang babaeng iyon ang pumatay sa 'yong mga kapatid!" wika ng kaniyang ina.
Dahil doon ay biglang tumahimik si Gabriel, dahil alam na rin niya na si Loisa, ang salarin sa kanilang pagkamatay.
"Mama, please tanggapin ninyo ang aking anak dahil kadugo n'yo rin siya," pagmamakaawa ni Gabriel.
"Huwag mong ipagpilitan ang isang bagay na mahirap tanggapin Gabriel!" bulyaw ng kaniyang ina.
"Kung ayaw ninyong makita ang inyong apo, makikiusap sana ako Mama, sana pahiramin n'yo muna ako kahit kaunting halaga para pamumuhunan. At nang makapagsimula kami ng aking anak."
"Hintayin mo ang iyong Daddy, sa kaniya ka makiusap. Dahil wala akong maibibigay sa iyo!" tugon ng kaniyang ina.
Tumayo si Gabriel mula sa kaniyang pagkaluhod at akmang lalakad na sana siya patungo sa kaniyang kuwarto. Para sana makapagpahinga ang kaniyang bitbit na sanggol, ngunit biglang nagsalita ang kaniyang ina.
"Saan ka pupunta Gabrie?!" tanong ng kaniyang ina.
"Sa kuwarto, Mom. Para makapagpahinga ng maayos ang aking anak."
"Hindi ka puwedeng pumasok sa iyong kuwarto, kung kasama mo ang batang iyan!" galit na sabi ng kaniyang ina.
Nakardam man ng sama ng loob si Gabriel, pero pilit niya itong pinigilan. Lalo na't kailangan niya ngayon ang kaniyang mga magulang.
"Mom, kailangan ng anak ko ang makapagpahinga baka magkasakit siya."
"I dont care! Kahit mamatay pa siya wala akong pakialam!" dabi ng kaniyang ina sa malakas na boses.
"Mama!" bulalas ni Gabriel na ang tanging sarili lang niya ang nakarinig.
Sobrang nagdaramdam si Gabriel at hindi nya mapigilan ang mapaluha. Dahil sa mga binitiwang salita ng kaniyang ina. Hanggang sa iniwan sila ng kaniyang ina sa sala.
Dahil nakaramdam ng gutom ang sanggol ay nag-iiyak ito. Gusto sanang ipagtimpla ng gatas ni Gabriel, pero naubusan pala siya ng mainit natubig.
"Sshhh ... sshhhh ... stop crying, baby. Baka marinig ka ni Mamo at magalit pa iyon. Kaunting tiis anak, mamaya ipagtimpla ka ni, Daddy," wika niya.
Para namang nakaintindi ang bata at bigla itong tumahan sa pag-iiyak.
"Mahal na mahal ka ni Daddy anak, pinapangako ko sa iyo. Aalagaan kita at hinding-hindi ako papayag na may mang-api sa iyo," sabi niya sa anak.
Hanggang sa dumating ang ama ni Gabriel mula sa kanilang negosyo. Gulat agad ang reaksyon ng ama niya nang makita sila sa may sala.
"Gabriel?" sambit ng kaniyang ama.
"Dad!" tugon niya.
Ang akala niya ay kamuhian rin siya ng kaniyang ama tulad ng magkamuhi ng kaniyang ina. Nabigla pa si Gabriel ng yakapin siya ng kaniyang ama.
"Buti at bumalik ka na," anang ama.
"Dad,vpatawarin ninyo ako," pagpakumbaba niya sa ama.
"Son, ikaw na lang ang nag-iisa naming anak at ayaw kong mawalan nang isa pa."
"Salamat, Dad."
Muling nabuhayan ng loob at pag-asa si Gabriel, dahil tinanggap siyang muli ng kaniyang ama.
Napalingon ang kaniyang ama sa may upuan nang marinig niya ang iyak ng isang sanggol at dali-dali naman itong kinarga ni Gabriel at dinala sa ama.
"Dad, anak ko pala," aniya.
Tumingin naman ang kaniyang ama sa bata. At tama namang ngumingiti ang sanggol sa kaniyang lolo. Na animo'y gustong kunin ng bata ang loob ng kaniyang lolo.
Dahan-dahan na kinuha ng kaniyang ama ang anak niya. At nakaramdam ito ng saya nang mahawakan niya ang apo. Matagal bago ito nakapagsalita ang ama ni Gabriel.
"Aminin ko anak, noong marinig ko ang iyak ng sanggol galit agad ang namumuo sa aking isip. Ngunit nang masilayan ko ang kaniyang ngiti, lahat ay biglang napawi..." pagtatapat ng ama.
"Dad, wala namang kasalanan ang aming anak. Inosente siya, Dad," pagtatanggol ni Gabriel sa kaniyang anak.
"I know, son!" anang ama na tinapik-tapik pa ang kaniyang balikat.
"Thank you, Dad."
"Nagkita na ba kayo ng Mommy mo?"
"Yes, Dad. Pero hindi niya tanggap ang kaniyang apo. At ayaw rin niya kaming patuluyin sa bahay."
"Ganoon ba? Hmmm ... dont worry, son. I'll talk to her."
"Salamat, Dad."
"Sige na, dalhin mo muna ang bata sa kuwarto para makapagpahinga kayo nang maayos. Alam kong pagod kayo sa biyahe. Ipapatawag na lang kita sa katulong kapag handa na ang hapunan," sabi ng kaniyang ama.
Nang malaman ng kaniyang ina na tinanggap sila ay sobra ang galit nito. At sinubukan pa silang palayasin ng kaniyang ina. Pero kinapalan ni Gabriel ang kaniyang mukha para sa anak. Sinunod niya ang kaniyang Daddy na manatili sa bahay at huwag ng pansinin ang kaniyang Mommy.
Tinanggap ni Gabriel ang lahat ng pasakit mula sa kaniyang ina. Alang-alang sa kaniyang pinakamamahal na anak. Dala-dala iyon ni Gabriel sa loob ng anim na taon. At hinding-hindi niya makalimutan ang lahat.