Chapter 1-Witch Blood
"Sasama ako sa iyo Loisa, hindi puwedeng magkalayo tayo."
"Hindi puwede, Gabriel. Mas lalong magagalit ang iyong mga magulang."
"Wala akong pakialam! Kahit tatanggalan pa nila ako ng mana. Loisa, mahal na mahal kita.
"Mahal rin kita, Gabriel. Pero alam nating pareho na hindi nila ako gusto para sa iyo."
"Dahil katulong ka lang? Wala akong pakialam Loisa, dahil tayo naman ang magsasama."
"Gabriel, pabayaan mo na lang ako para matahimik na ang iyong pamilya."
"Hindi Loisa! Hindi ko kayo iiwan! Pananagutan ko kayo nang magiging anak natin. Buo na ang aking pasya at mamayang hating gabi ay aalis tayo. Uuwi tayo sa inyong probinsya."
"Gabriel, paano ka? Paano na ang iyong bukas?"
"Ikaw at ang magiging anak natin ang bukas ko Loisa."
Walang nagawa si Loisa at tumahimik na lamang ito. Pagsapit ng hating gabi ay umalis ay nagtanan ang magkasintahan. Tinalikuran ni Gabriel ang masaganang buhay para sa babaeng pinakamamahal niya.
Si Loisa ay katulong laman ng pamilyang Chrisanto. Kahit mahirap at nagmula sa isang probinsya ay may taglay itong nakakaakit at nakakabighaning ganda. Ang hindi maintindihan ni Gabriel kung bakit ayaw nila kay Loisa. Na sa pagkakilala ni Gabriel ay sobrang mabait ito.
Tatlo silang magkakapatid at siya ang bunso, ang panganay ay babae na ubod ang pagiging mapang-api sa mahirap at lalo na kay Loisa. Ang sunod ay lalaki na may ugali rin itong mahirap maunawaan at maintindihan. Ngunit kalaunan ay namatay ang panganay na babae. Ni hindi nila alam ang kadahilanan.
At sumunod na buwan ay ang panganay na lalaki naman ang pumanaw. At pareho rin ang pangyayari na mahirap ipapaliwanag ang pagkamatay nila.
Sumakay sila ng bus papuntang Siquijor sa probinsya ni Loisa. Nang makarating sila doon sa bayan ay sumakay pa sila ng bangka papunta sa isang maliit na isla.
Napaisip agad si Gabriel, kung kaya ba niyang mabuhay sa naturang isla. Pero pilit kakayanin niya ang lahat para sa kaniyang mag-ina.
Hanggang sa nakababa na sila sa bangka at naglalakad paakyat sa bundok. Halos himatayin sa pagod si Gabriel dahil hindi siya sanay sa ganoong buhay.
"Loisa, malayo pa ba tayo?"
"Malapit na lang Gabriel."
Hanggang sa nakarating sila sa isang kubo. Nag-unos-dili sa pagpasok si Gabriel, dahil nakakatakot tingnan ang kubo. At tumayo agad ang mga balahibo niya na hindi kayang ipaliwanag. Nakaramdam ng kaunting takot si Gabriel.
"Halika Gabriel, pasok ka."
Nang makapasok ito ay nakita agad niya ang isang matandang babae. Nakaupo ito sa papag na parang may gustong i-abot.
"Gabriel huwag!" awat ni Loisa, dahil magmano sana siya.
"Bakit, Loisa?" pagtataka niyan tanong.
"Basta lagi mong tatandaan Gabriel huwag na huwag mong ilapat ang iyong mga kamay sa kaniyang palad."
"Pero bakit? At sino siya Loisa?"
"Lola ko siya."
"Nasaan ang iyong mga magulang, Loisa?"
"Matagal na silang wala at si lola ang pumatay sa kanila.
"Ano?! Paano niya nagawang paslangin ang iyong mga magulang?"
Naguguluhan si Gabriel dahil nakayang patayin ng kaniyang lola ang sariling anak.
"Marami ka pang hindi alam Gabriel."
Lumipas ang mga araw at nakaramdam ng pagkabagot si Gabriel. Dahil sobra ang hirap nila sa bukid. May dalang pera sila pero ang problema ay malayo sila sa bayan at wala ring tindahan.
Sa lugar na iyon ay bilang lang ang mga kubo at ang mga nanirahan walang ilaw. At marami pang wala.
Habang tumatagal ay lalong nakilala ni Gabriel si Loisa at ang pamilya niya. Kilala silang salot sa buong bayan. Ang angkan nila ay kilalang-kilala sa pagiging mahusay sa pangkukulam.
Nalaman rin ni Gabriel na kaya pala pinatay ng kaniyang lola ang mga magulang niya ay dahil ayaw tanggapin nito ang pagsasalin ng kanilang pamana. Kaya hanggang ngayon ay buhay pa ito.
Sobrang nasaktan si Gabriel, nang inamin ni Loisa na siya ang pumatay sa kaniyang dalawang kapatid. Dahil hindi ito nagiging mabuti sa kaniya at lagi siyang sinasaktan. Kaya nagawa niyang gamitan ng kulam ang mga ito.
Nakaramdam ng sobrang takot si Gabriel para sa kaniyang sarili at sa kaniyang magiging anak. Hanggang sa dumating ang buwanan ni Loisa at nagsilang siya ng isang malusog na batang babae.
Sobra ang saya ni Gabriel, dahil isa na siyang Daddy. At napakagandang sanggol ang isinilang ni Loisa.
Rhema Faith Chrisanto ang ipinangalan nila sa bata. Matulin ang paglipas ng araw at hindi namalayan ni Gabriel na magdadalawang taon na pala siya sa isla.
Dahil iniisip ni Gabriel ang kapakanan ng kanilang anak at para sa ikakabuti ng bata ay nagpaalam siya kay Loisa na uuwi siya sa Manila kasama ang bata.
"Paano ako, Gabriel?"
"Loisa, aayusin ko muna ang lahat at kapag magiging okay na ay agad babalikan kita dito at puwede na tayong magsamang muli.
"Walang nagawa si Loisa kung hindi ibigay ang gusto ni Gabriel. para sa kabutihan ng anak.
"Gabriel, ipangako mo sa akin na aalagaan mo ng mabuti ang anak natin.
"Oo, pangako Loisa, mamahalin at aalagaan ko ang anak natin."
"Ipangako mo rin na hindi ka maghahanap ng iba. At alam muna kung ano ang kaya kong gawin sa kanila."
"Pangako, wala na akong ibang mamahalin kundi ikaw lang Loisa.
"Pero, Loisa. May pakiusap sana ako, sana wala ka nang saktan sa pamilya ko. Dahil pamilya mo na rin sila."
"Wala akong sasaktan Gabriel, kung hindi nila sasaktan ang aking anak."
Kahit masakit kay Loisa ang mawalay sa kaniyang mag-ama ay titiisin niya. Dahil ayaw niyang lumaki ang anak na ang mamulatan ang kanilang lugar. Idinaan na lang niya ang lahat sa pagluha. Pero bago paman mawalay kay Loisa ang anak ay lihim niyang isinalin ang kaniyang pamana sa sanggol.
Dahil ayaw niya na may mang-api at manakit sa kaniyang anak.
"Mag-iingat kayo Gabriel," bilin ni Loisa sa kaniyang mag-ama.
"Oo, Loisa, ikaw rin mag-iingat ka dito. Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal rin kita Gabriel. Hihintayin kita," sabi ni Loisa na nagsimulang lumalabas ang mga butil ng kaniyang luha.
Tanging tanaw na lamang si Loisa habang papalayo ang kaniyang mag-ama.
"Mahal na mahal kita Gabriel," pabulong niyang sabi sa sarili.