Chapter 3- Six-Years Later

1020 Words
SIX YEARS LATER "Umalis ka sa harapan ko! Alis!" bulyaw ni Mamo Divina. "Humagulgol ang bata. "Mamo, bakit po ba kayo laging galit sa akin?" tanong nito "Dahil ayaw ko sa iyo!" "Bakit po, Mamo? May kasalanan po ba ako?" inosenteng tanong niya sa aking lola. Dahil walang araw na hindi siya galit sa kaniya. Kahit alam niyang walang nagawang kasalanan. "Sabi ni, Papa. Kahit magalit pa po kayo sa akin ng maraming beses. Hindi ko daw iyon pansinin dahil love n'yo raw po ako" sumbong ko sa kaniya. "Pwes! Sinungaling ang iyong papa! Gusto mong malaman kung bakit ayaw ko sa iyo?" "Opo, Mamo." "Dahil ang iyong ina ay isa —" "Mom!" awat ng kaniyang ama sa gustong sabihin ng lola niya. "Anak, sinasaktan ka ba ng Mamo?" "Hindi po, Papa..." sagot niya sabay punas sa kaniyang ng mga luha. "Halika, anak," sabi ng kaniyang Papa at kinarga niya ito sabay halik niya sa pisngi. "Saan ba si, yaya Ann mo?" "Nasa kusina po, Papa." Iniwan nila ang kaniyang Mamo, sa sala at dinala siya ng kaniyang ama sa kuwarto niya. Nilingon nito ang kaniyang lola, pero galit pa rin siyang nakatitig sa kaniya. "Papa, nasaan ba ang aking, Mama?" tanong niya sa ama. Sa bata niyang kaisipan. Iyan na ang paulit-ulit nitong tanong. "Ilang beses bang sasabihin ni, Papa. Na nasa malayo si Mama, at balang araw ay magkikita rin kayo. "Sorry po, Papa. Gusto ko lang po na makasama si, Mama." Niyakap siya ng kaniyang ama at sabay sabing — "Makasama mo rin siya balang araw," aniya sa anak at hindi niya alam kong kailan pa iyon. "Sige po, Papa. Maghihintay po ako palagi kay, Mama," tugon niya na may luha pa sa mga mata at pinunasan iyon ng kaniyang ama. "Basta lagi mong tatandaan na mabait at mabuti kang bata. At lagi mong iiwasan ang magalit sa iyong kapwa," bilin ng kaniyang ama. "Opo, Papa!" Walang araw na hindi siya pinangaralan ng kaniyang ama, nang mga mabubuting asal. Nakita niya rin sa kaniyang ama ang kabutihan at ang mapagkumbaba. Kaya nakukuha niya rito ang kaniyang mga ugali. Mabait sa kaniya ang Lolo nito pero lagi siyang umaalis kaya bihira lang niyang makasama. Kinabukasan pagka-uwi nila ng kaniyang yaya Ann galing sa eskuwelahan ay may nadatnan silang maraming laruan sa sala at lahat mga bago ito. Tumakbo siya at lumapit sa mga laruan sa pag-akalang para sa kaniya ang mga iyon. "Wow! Yaya, ang gaganda nito," sabi niya sa sobrang tuwa. "Hoy! Sinong nagsabi sa iyo na pakialaman mo ang mga iyan!" sigaw ng kaniyang Mamo. At napatakbo siya sa kaniyang yaya, dahil sa sobra nitong takot. Nagtaka naman siya, dahil may kasamang bata ang kaniyang Mamo, at kasing edad niya ito. "Ikaw! Bantayan mong mabuti ang alaga mo at huwag na huwag mong palapitin dito kay Charibell. "Sino ba iyan, Ma'am?" tanong ng yaya ni Rhema Faith. "Simula ngayon ay dito na siya titira, ampon ko siya!" tugon ng kaniyang Mamo. "Aba! Ang tindi mo talaga, Ma'am! May sarili kang apo. Pero hindi mo man lang mabigyan kahit kaunting pagmamahal! Tapos ito, nang-ampon ka. Nasaan kaya ang hustisya nito, Ma'am?!" galit na sermon ng yaya. "Hoy! Katulong ka lang at wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan!" "Oo! Katulong lang ako sa loob ng anim na taon. Pero kahit papaano ay nabigyan ko si Rhema, nang totoong pagmamahal! Pero ikaw na sarili mo siyang apo, kahit sa kalingkingan ko ay hindi mo matumbasan ang magmamahal ko sa kaniya!" matapang na sabi nito, at si Rhema ay nakikinig lang sa kanila. "Umalis kayo sa harapan ko!" bulyaw nito. "Ma'am, siguraduhin mo lang na hindi sasaktan si Rhema, sa ampon mo. Dahil kapag nangyayari iyon, titirisin ko iyan na parang kuto!" Banta ng yaya at dinila ang alaga sa kaniyang kuwarto. Sinabihan siya ng kaniyang yaya, na huwag lumapit sa bantang iyon. Dahil magagalit ang kaniyang Mamo. Sinunod niya ang kaniyang yaya, dahil ayaw niyang magalit ang kaniyang Mamo sa kaniya. "Mom! Ano ba ang kabaliwan ang ginawa mo?! Kailangan mong mag-ampon para saktan mo ang damdamin ng aking anak?! Mom, tiniis ko ang lahat ng pang-aalispusta mo sa amin ng aking anak. Dahil umaasa ako na matutunan mong tanggapin si Faith, bilang inyong apo pero sumobra ka na!" "Wala akong pakialam sa inyo! Kung gusto mo lumayas ka kayo dito sa pamamahay ko!" bulyaw nito. Narinig ni Rhema ang lahat dahil sumilip siya sa pintuan. Nang marinig niya ang boses ng kaniyang ama. "Oo! Aalis kami, Mom! Dahil hindi na katanggap-tanggap ang inyong ginagawa sa amin!" Tumalikod si Gabriel, upang lumayo sa harapan ng kaniyang Mamo. Ngunit bigla na lang dinampot ng kaniyang Mamo, ang isang pigurin at ibabato sana niya sa kaniyang ama. "Mamo ... Huwaaag!" sigaw ni Rhema, para pigilin ang kaniyang lola. At bahagyang nakataas ang dalawang kamay ni Rhema. Napalingon si Gabriel sa kaniyang ina at nakita niya itong may hawak. At nanigas ang katawan nito na parang hindi makahinga at namumuti ang mga mata. Lumingon rin siya sa kaniyang anak at nakita niya itong nakaangat ang kaniyang mga kamay. At nakatitig sa kaniyang Mamo, na may kasamang galit. Dahil nasaktan siya sa ginagawa nito para sa kaniyang ama. "FAITHHH!" sigaw ng kaniyang ama at tumakbo ito at bigla siyang niyakap. "Faith, gising! Anak!" Sabay yugyog niya rito. "Uhuh! Uhuh!" boses ng kaniyang Mamo. "Faith ... Faith!" sambit ng kaniyang Papa. "Papa, okay lang po ba kayo?" tanong niya nang mahimasmasan ito. "Oo, anak. At maraming salamat!" sabi ng ama niya at muli siyang niyakap. "Sabi ko na nga ba! Iyang anak mo, nagmana sa kaniyang ina! Na may lahing demonyo!" sigaw ng ng kaniyang Lola. "Tayo na anak, huwag mong pakinggan ang iyong Loola. Aalis na tayo dito ngayon." "Bakit po, Papa? Iiwan po ba natin si, Mamo?" inosente niyang tanong. "Oo, iiwan na natin si, Mamo. Dahil ayaw niya sa atin." Tinawag ni Gabriel ang yaya ni Rhema, upang iligpit ang kanilang mga gamit. "Huwag na huwag na kayong magpapakita sa akin kahit kailan, Gabriel!" sigaw nito habang papalabas na sila.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD