FRITS'S P.O.V. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa bahay nila Ally. Inihinto ko ang kotse ko isang bahay bago makarating sa Mansyon ng mga Ramirez, pababa na sana ako ng may dumaan na kotse sa harap ko at nakita ko do'n na sakay si Ally, kung kaya't hindi na lang ako bumaba ng kotse. "Oh, nandito na tayo sa bahay niyo Ally." sabi ng lalaking si Zyrus. Bumaba ng kotse si Ally. "Salamat sa paghatid, buti na lang malakas ka kay Mommy, kung hindi sigurado nagbuga na naman sa'kin iyon ng apoy kapag ganitong oras ako umuwi ng bahay." "Kapag kasama mo ang poging si Zyrus, hindi ka mapapagalitan ng Mommy mo." "Ang hangin Grabe! ang Yabang. Walang pagbabago. Aish!" "Ha-ha-ha! I'm just telling the truth." "Okay! Okay! Sige na, pogi ka na. Papasok na ako sa loob." "Saglit l