LUKE'S P.O.V. Kanina pa namin pinagmamasdan si Frits. habang pinagdidiskitahan niya ang punching bag. Habang kami Umiinom ng Red horse. Bawal kasi kaming makita ng Mommy at Daddy ko na umiinom ng Hard na alak. Okay lang naman sa'min uminom ng redhorse dahil para makapasok pa rin kami sa School bukas. "Psstt! Drek, Anong problema ni Frits?" Tanong ni Troy kay Drek. Tiningnan namin si Frits. Tapos nagkibit-balikat si Drek. "Ewan ko! " sabay inom sa alak na nasa baso niya. "Eh, Bakit ganyan ang Trip niya? Pinagdidiskitahan na naman ang punching bag." Tanong ni Troy. "Na-iinlove na kasi siguro 'yan kay Ally." Sabad ko. "Anong ebidensiya mo para maniwala kami, Luke?" Baling sa'kin ni Drek. "Nothing! Ramdam ko lang." Simpleng sagot ko. "Yan na ba ang bago mong trip! Ha? Luke, Ang magin