ALLY'S P.O.V. Maaga akong nagising kung kaya't agad akong naligo at nagbihis pagkatapos pumunta ako sa kitchen para magbreak fast. "Good morning Mommy, good morning Daddy!" Bati ko sa parents ko. "Oh, Ally anong hangin ang pumasok sa ulo mo at himalang maaga kang nagising ng hindi ginigising ng mga katulong natin." Sabi ni Mommy. Kumuha ako ng hotdog at tinapay bago nagsalita, "Mommy naman! Ayaw niyo ba ng ganito ako? Wala akong nakaka-away na katulong sa umaga." Sabay ngiti ko. "Sana magtuloy-tuloy na 'yan Allyson." "Ah.. Anak! Pupunta pala kami ng Mommy mo sa Amerika nextweek." "Ha? Bakit hindi ako kasama? Daddy kakauwi mo lang di ba?" "Anak! May business trip kami ng Mommy mo kailangan iyon." Sumimangot ako, palagi na lang kasi akong naiiwan ng magulang ko. "Hmm... Lagi naman