FRITS'S P.O.V. Past eight in the evening ng matapos ang movie na pinanood namin. Dahil nakakaramdam na kami ng gutom. naghanap kami ng restaurant para kumain. Nakaposas pa rin ang mga kamay naming dalawa. Ang kaibahan nga lang ngayon hawak ko ang kamay niya. Holding hands while walking kami. Hindi ko binibitawan ang kamay niya sobrang lambot kasi nito. Hindi naman siya nagagalit. O siguro hindi naman niya siguro napapansin. "Ahmmm... Frits," Ani Ally. Nakayuko siya ng nilingon ko. "Bakit?" "Ahh... Kasi parang kailangan kong pumunta sa Comfort Room." Sabi ni Ally, nakayuko pa rin siya habang nagsasalita. Napangiti ako. Habang pinagmamasdan siya. Hiyang-hiya kasi siya. "Eh, di pumunta ka na ng CR." Tipid kong sabi. Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa'kin, "Paano? Nakaposas pa an