ALLY'S P.O.V. Nagising ako na ibang-iba ang kama na hinihigaan ko. Iba rin ang kobre kama ko. Saglit akong nag-isip kung anong nangyari kagabi. "Good afternoon Senyorita Ally." Napalingon ako. Sa nagbukas ng pinto. "Yaya Chedeng??" Gulat kong sabi. Lumapit sa'kin si Yaya Chedeng. Ako naman yumuko. Nahihiya kasi ako sa mga ginawa ko sa kanya noon. Napakabastos ko sa kanya. hindi ako naging mabuting amo sa kanya. "Senyorita, Ally, kumain na po kayo ng lunch. Teka nagising po ba kayo sa pagbukas ko ng pintuan ng kwarto?" Umiling ako. "Yaya Chedeng, sorry." Sabi ko. Ngayon lang ako makakahingi ng sorry sa kanya ngayon magkapareho na kami ng istado ng buhay. Naramdaman kong tumabi sa'kin si Yaya Chedeng tapos inakbayan niya ako. "Senyorita wala na sa'kin iyon. Matagal ko na kayong