ALLY'S P.O.V. "Take this!" Sabi ni Frits. Habang inaabot sa'kin ang dalawang can ng softdrinks. nasa may counter kami ng isang supermarket na malapit sa sinehan. Bumibili pa kasi ng pagkain si Frits. Although may free popcorn kapag bumili ka ng ticket, gusto niya kasing bumili ng extra foods. At dahil naka-posa kami, nahihirapan tuloy kaming magbitbit ng mga bibilhin namin. "Tanggalin mo na kasi ang posas na ito!" Irita kong sabi. Hindi ako pinansin ni Frits. Nagpatuloy siya sa paglalakad upang pumili pa ng iba pang pagkain. "Hoy! Frits, tanggalin mo na kasi ito!" "Shut up! Ang ingay mo!" Pasigaw niya. Tapos muling binaling ang pansin sa paghahanap ng iba pang pagkain. Nanahimik ako. Ikaw ba naman sigawan eh. "Tse! Suplado!" bulong ko. Dahil naka-posas kami. Wala akong nagawa kundi