Chapter 10 " THE FOREWARN "

3616 Words
February 21, madilim pa ng magpasya si Mr. Pangilinan na lisanin ang kanilang tahanan upang muling magtungo sa Baguio City kung saan naroon ang kanyang asawang si Samantha.Hindi na siya nag abala pang gisingin si Angelica sa halip ay nag iwan na lamang siya ng maikling sulat para sa kanyang unica iha at inilagay niya ito sa bungad ng kanyang pintuan kalakip ng isang maliit na Teddy bear na binili niya sa isang nadaanan niyang mall noong huli siyang magtungo sa Baguio. Sumisikat na ang araw ng magising si Angelica at pagbukas niya ng pinto ay nabungaran niya ang sulat na iniwan doon ng kanyang ama kasama ng maliit na Teddy bear,dagli niya itong kinuha at binasa ang pahatid na mensahe. Dear Angel/honey, take good care of yourself papa loves you so much! Babalik din ako kaagad promise. Never ever change, Papa Napangiti si Angelica at sa kauna unahang pagkakataon ay nakadama siya ng lungkot at pangamba sa pag alis ng kanyang papa.Madalas ay hindi siya umaalis ng bahay ng hindi siya nito ginigising at nagbibilin ng kung ano ano pero sa pagkakataong iyon ay dinaan niya ito sa sulat na May kasama pang cute na stufftoy.Naisipan niyang bumaba ng hagdan at nagtungo sa labas ng bahay kung saan ay nasumpungan niya doon si tatay Berting na May dala dalang timba at pintura. " Good morning po tatay Berting nasaan po si nanay Ising? " " nasa likod bahay iha medyo masama ang kanyang pakiramdam,pasensiya kana kung wala pong naihandang almusal ang nanay Ising mo " paumanhin ng matandang hardinero. " ayos lang po yun tatay Berting kaya ko naman po magluto para sa sarili ko,pakisabi nalang po kay nanay Ising na magpagaling po siya kaagad at mamaya po siguro ay dadalawin ko siya doon " natuwa ang matanda sa kanyang narinig buhat sa dalaga Tinanghali rin ng gising si Monica bunga ng hindi rin masyadong pagkakatulog ng maayos dahil sa malabis na pag-iisip sa nangyayaring hindi kanais nais na sitwasyon na kanilang kinasangkutan.Wala sa loob niya na sumilip muna siya sa May bintana kung saan niya nakita noon si secret admirer at ng matiyak niyang wala namang kakaiba sa paligid ay saka pa lamang siya bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina. Naisipan niyang isangag na lamang ang natirang kanin keysa magsaing siya ng panibago.Kumuha rin siya ng tatlong piraso ng hotdog buhat sa kanyang freezer Nagprito rin siya ng dalawang itlog(Sunny side up) at nagtimpla ng black coffee.Isa nalang ang kulang ang pandesal na hindi nawawala sa kanyang regular breakfast. Minabuti niyang bumili ng pandesal sa May malapit na bakery sa May kanto.Paglabas niya ng gate ay natigatig siya sa kanyang nasumpungan sa May harapan ng gate ng kanyang apartment ay naroon ang isang rosas at isang maliit na card.Nayakap ni Monica ang kanyang sarili at nagdadalawang isip siya kung babasahin ba niya ang pahatid na mensahe o itatapon na lamang niya ito diretso sa basurahan.Pero ng maalala niya si Detective Freda Parazo ay dali dali niyang dinampot ang rosas at ang card.Inilocked niyang mabuti ang gate at hindi narin niya itinuloy ang balak niyang pagbili ng hot pandesal mas nangibabaw sa kanya ang malabis na pag-aalala Sa loob ng kanyang apartment ay hindi parin maalis ang mabilis na pag t***k ng kanyang puso ngunit napilitan parin siyang buksan ang card para basahin ang pahatid na mensahe ni secret admirer. SHE SELL,SEA SHELL IN THE SEASHORE... WHO'S IN THE SEASHORE??? P-I-O-L-O BYE BYE Nagtatanong sa kanyang sarili si Monica at nasasabi niyang ' sino si P-I-O-L-O...' wala siyang matandaan na taong may pangalan na PIOLO at hindi rin ito nabanggit man lamang sa kanya ni Angelica.Naisipan niyang tawagan si Angelica upang itanong sa kanya kung May kilala siyang Piolo.Pero nakakailang minuto na niyang tinatawagan si Angelica subalit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag, maski ang kanyang mga text messages ay hindi rin nirereplayan ng kanyang matalik na kaibigan kung kaya lalo itong nagdulot sa kanya ng matinding pagaalala.Sumunod naman niyang naisip na subukang tawagan ang calling card na ibigay sa kanya ni detective Parazo at wala pang isang minuto ay agad na sinagot iyon ng detective. Agad na ipinaalam ni Monica ang tungkol sa nadiskubre niyang sulat buhat kay Secret Admirer kay detective Parazo at dahil doon ay nagpanukala sa kanya si detective Freda Parazo na kung maaari ay magkita sila sa isang lugar.Sumang ayon naman si Monica sa suhestiyon ni detective Parazo lalo na ng sabihin ng detective ang nakatakda rin nilang planong pagbisita sa tahanan nina Angelica dahil sa nangyaring isa na namang insidente.Ipinaliwanag din ng detective na ang tinutukoy ng secret admirer na P-I-O-L-O ay walang iba kundi si Piolo Beltran.Dahil sa mga pahayag na ito ng detective ay lalong nangilabot si Monica at napagkasunduan ng dalawa na magkita sila sa City Mayors Park sa ganap na ala una ng hapon. Samantala ay abala naman si Angelica sa paglilinis ng kusina at ng siya'y matapos doon ay umakyat siya sa pangalawang palapag upang doon din magsagawa ng general cleaning.Naging abala ang dalaga kung kaya't halos hindi na rin niya nagawang tignan ang kanyang cellular phone kung May mahalagang tawag at mga important text messages.Pagtapat niya sa May harap ng pintuan ng silid ng kanyang papa ay napansin niyang bahagya itong nakabukas.Naisip niyang sa sobrang pagmamadali nito kanina ay maaaring hindi niya ito nailocked.Nagdadalawang isip pa siya na pumasok doon dahil batid niyang hindi iyon magandang asal,bagamat kapamilya naman niya ang May ari ay alam niyang hindi parin tamang makialam sa gamit ng May gamit lalo't wala pahintulot ang May ari ng kuwarto.Pero nanaig parin ang curiousity ni Angelica at naipasya niyang pumasok doon,tila May isang enerhiya kasing nagtutulak sa kanya para tignan ang nasa loob ng silid na iyon ng kanyang papa.Aminado si Angelica na noon lang niya napasok ang loob ng silid ng kanyang papa at ng kanyang tita Samantha.Feeling niya ay isa siyang estranghero sa lugar na iyon at pakiramdam din niya ay para siyang nasa loob ng Time Machine. Tila uminog ang mundo ng napakabilis na parang siya'y nasa mundo ng hinaharap na panahon.Marahan siyang napapikit at pilit niyang ibinabalik ang mundo ng reyalidad sa kanyang kaisipan. Nang mahimasmasan ay minabuti narin niyang ayusin ang mga gamit ng kanyang papa.Nakatawag ng pansin sa kanya ang Naka ipit na laylayan ng isa niyang polo shirt sa di gasinong nakasarang closet.Inisa isa niyang inayos at tinupi ng maayos ang mga damit nitong nakalagay sa kanyang kabinet.Malapit na siyang matapos sa kanyang ginagawa ng mapansin niya ang isang lumang album na nakasiksik sa pinaka tagong bahagi ng closet. Binuklat iyon ni Angelica at saka tinignan niya isa isa ang nasa loob niyon.Black and white ang mga larawan kung kaya't hindi niya gaanong makilala ang mga taong naroon sa lumang album.Naisipan niyang dalhin ang lumang album sa kanyang sariling kuwarto matapos niyang ayusin ang iba pang mga kalat sa loob ng silid ng kanyang papa.Sa loob ng kanyang silid ay doon niya sinuring mabuti ang mga nasa larawan.Naisipan niyang gumamit ng magnifying glass para sinuhin ang mga nasa maliliit na larawan na nakadikit doon.Sa matama niyang pagsisiyasat at napagtanto niya na ang kanyang papa at mama ang kadalasang nasa larawan.Kuha ang ilan sa mga larawan noong sila ay ikinasal. Hindi nakaligtas sa matalas na paningin ni Angelica ang awra ng kanya mama at kahit black and white ang mga larawan ay nahihiwatigan niya na tila nakasimangot at mukhang hindi masaya ang kanyang mama sa araw mismo ng kanyang kasal na kaibayo naman ng sa kanyang papa na animoy masayang masaya sa kanilang pag-iisang dibdib.Di maiwasan ni Angelica na magtaka kung bakit ganoon ang eksena sa kasal ng kanyang mga magulang.Nakapag iwan ito sa kanya ng malaking katanungan.Sa bahaging hulihan ng lumang album ay nasumpungan niya doon ang hindi na gaanong black and white na mga larawan mayroon na itong light colored picture na mas malinaw keysa sa mga nauna.Nakatawag ng pansin kay Angelica ang isang larawan kung saan ay binubuo ito ng mga kabataan.Napuna din niya na sa sentrong bahagi ng larawan ay May isang malaking cake at sa tulong ng kanyang magnifying glass ay nakita niyang malinaw ang nakasulat doon. " Happy 7th B-day Angelica " napamaang si Angelica sa kanyang natuklasan,siya pala ang batang babae na nasa centro ng karamihan at May hawak ng pitong Lobo malapit sa higanteng cake.Nang suyurin ni Angelica ng tingin ang larawan ay naroon din ang batang lalaki na gustong umagaw ng kanyang laruan sa kanyang panaginip. Naroon din sa naturang larawan ang kambal na si Jack at Max.Ang venue kung saan naganap ang kanyang 7th birthday ay sa loob mismo ng kanilang compound sa ilalim ng matandang puno ng mangga sa May likod bahay. Nag iwan ng matinding palaisipan kay Angelica kung bakit ngayon niya lamang ito naalala at sa matama niyang pag aanalisa ay ramdam niya sa kanyang sarili na May unti unting bumabalik na aandap andap na alaala sa kanyang kaisipan.Nang mga oras na iyon ay nanumbalik sa kanyang gunita ang tagpong iyon na ginanap sa ilalim ng malabay na puno ng Mangga na katabi ng Resthouse nilang yari sa pinagsamang kawayan,sawali at nipa hut,sa bahaging unahan naman nito ay ang dati nilang bahay na ipinagiba ng kanyang papa at pinalitan ng mas malaki at mas maganda na siyang kasalukuyan nilang tinitirhan. Ang labis na nagpapalito lamang sa isipan ni Angelica ay kung bakit itinago ito sa kanya ng kanyang papa, kabilang na ang lumang album na hawak niya.Naisaloob pa ni Angelica na maraming dapat ipaliwanag sa kanya ang kanyang papa. Minabuti ni Angelica na puntahan si nanay Ising niya sa May likod bahay sa dati nilang resthouse kung saan ay naroon ang matanda.Pagpasok niya sa May bagong resthouse na ipinagawa ng kanyang papa para sa dalawang matanda ay nadatnan niya doon si nanay ising sa isang silid na kasalukuyang natutulog.Napagpasyahan ni Angelica na huwag na muna siyang istorbohin para makabawi ng lakas.Sa kanyang pagmamasid sa paligid ay nakapukaw sa kanya ng matinding pansin ang isang nakasabit na larawan Sa bahagi ng sala ay hindi siya maaaring magkamali,ang nasa larawan ay ang batang lalaki na gustong umagaw ng kanyang laruan sa kanyang panaginip.Biglang napabalikwas si nanay Ising ng mapuna niya si Angelica na nakatayo at Nakatitig larawan na nakasabit sa May dingding,at ng mapansin din ni Angelica na nagising na si nanay Ising ay kaagad siya humingi ng paumanhin sa paggambala niya sa kanyang pamamahinga. " pasensiya kana din Angelica kung hindi ako nakapag hain sa inyo ng anumang makakain mo " masuyong sabi ng matanda.Ngunit parang walang narinig si Angelica ng mga sandaling iyon buhos ang kanyang buong atensiyon sa pagtingin sa larawan na nakasabit sa May dingding, hanggang sa hindi siya Nakatiis ay nagtanong siya kay nanay Ising. " Nanay Ising may itatanong po sana ako sa inyo tungkol po ito sa larawan na yan, kaano ano niyo po siya? " " Apo ko siya Angelica at ang kanyang pangalan ay Ruben " malungkot na sagot ni aling Ising. " nasaan na po siya nanay Ising? " " mahabang kuwento iha,pero ang bali balita noon pa ay dinukot umano si Ruben ng mga kumaw na usong uso noon dito sa atin,simula noon ay hindi na namin siya nakita pa " malungkot na pagpapaliwanag naman ng matanda. Napakurap si Angelica hindi siya makapaniwala na ang batang gustong umagaw sa kanyang laruang drone ilang taon na ang nakakalipas ay apo pala ng mag asawa na ilang taon ding nanilbihan sa kanila.Hindi maiwasan ni Angelica na mag usisa tungkol dito. " nanay Ising huwag niyo po sanang mamasamain,gusto ko lang po sanang itanong kung kilala niyo rin pong personal ang aking tunay na ina noon Pong nabubuhay pa siya " seryosong tanong ni Angelica at nagbabakasakaling makahanap ng mga tugon at sagot sa mga tanong na noon pa niya gustong malaman. " kaunti lang ang nalalaman ko sa tunay mong ina,ngunit ang isa sa natatandaan ko sa kanya ay ang pagiging mailap niya sa mga tao,bagamat mabait siya sa tingin ko pero hindi siya masyadong nakikihalubilo sa mga tao lalo na sa mga kaedad niya,at alam mo ba na kahawig na kahawig mo siya magkasing ganda kayo ng iyong ina." nakangiting nasabi ni nanay Ising.Gustuhin pa sanang magtanong ni Angelica ng tungkol sa kanyang ina pero dahil sa remarks nito na kaunti lang ang kanyang nalalaman sa kanyang ina ay mas pinili nalang ng dalaga na wag na siyang mag usisa pa. " nanay Ising magpagaling po kayo kaagad,sige po hindi ko na kayong masyadong aabalahin ".Sinundan na lamang ni nanay Ising ng tingin si Angelica habang palabas ng resthouse. Babalik na sana si Angelica sa mansion ng matanaw niya ang malaking puno ng mangga kung saan ginanap noon ang kanyang 7th birthday.May tila kumislot sa kanyang puso na hindi niya mawari kung ano,parang May isang puwersa na nag-uutos sa kanya para puntahan ang lugar na iyon hanggang sa namalayan na lamang niya na naroon na siya sa silong ng matandang mangga.Wala pa itong bunga ng mga panahong iyon tila ito'y napabayaan din at hindi na ginagamitan ng gamot na pampabulaklak para mamunga ng marami,tandang tanda pa niya noong maliliit pa sila na hitik na hitik ito sa bunga.Nanatili si Angelica sa silong ng mangga na parang bata na nagpapaikot ikot doon,parang nakikinikinita niya ang tagpong inaawitan siya ng ' happy birthday ' ng mga kapwa niya bata na dumalo sa kanyang kaarawan.Sa kanyang panginoorin ay masayang nagtatawanan ang mga bata at aliw na aliw sa mga parlor games na isinasagawa ng mga panahong iyon,nabigla pa siya ng May tila humawak sa kanya na isang bata at ng pagmasdan niya ang bata ay kanya itong namukhaan na walang iba kundi si Ruben,nagpupumiglas siya para iwaksi sana ang pahigpit na pahigpit na pagkakahawak ni Ruben sa kanyang kamay. Naalimpungatan si Angelica sa tila bangungot na eksena na ayaw siyang bitiwan ni Ruben.Unti unting nagbalik ang gunita ni Angelica sa mundo ng reyalidad at napag ukulan niya ang bakod.Lumarawan sa kanyang isipan na doon umakyat si Ruben upang makita at mahawakan nito ang kanyang laruan.Nangyari ang eksenang iyon sa mismong lugar kung saan siya nakatayo ngayon.Sa kanyang pagmamasid ay bigla siyang nangilabot ng mapatingin siya sa tatlong magkakadikit na puno ng sinegwelas na ilang dipa lamang ang layo sa kanyang kinatatayuan.May kung anong bagay doon na umuukilkil sa kanyang nanlalabong kaisipan,nakaramdam siya ng pagkahilo na halos hilahin siya sa pagkakatulog lalo pang dumilim ang kanyang paligid ng May maulinigan siyang tinig...Angelica ....Angelica ...ng lingunin niya ang May ari ng tinig ay nakita niyang tumatakbong papalapit sa kanyang kinaroroonan ang kanyang papa.Tuluyan na siyang nahandusay at nawalan ng malay. " Angelica ... Angelica ... gumising kana..." mahinang tawag sa kanya at biglang naalimpungatan si Angelica at pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata.Hanggang sa tumambad sa kanyang paningin ang mga taong nasa kanyang paligid.Nasa tabi niya si Detective Freda Parazo,debuty inspector Calvin Pascual at Si Monica.Naroon din sina nanay Ising at tatay Berting na bakas sa kanilang mukha ang malabis na pag-aalala. " anong nangyari saken? " tanong ni Angelica at si monica ang unang sumagot sa tanong ng naguguluhang kaibigan. " Alam mo bang sobrang nagaalala kami sayo akala namin kung napano kana,nahalughog na namin ang buong mansion para lang mahanap ka,mabuti na lamang at nakita ka ni tatay Berting sa May damuhan malapit sa puno ng sinegwelas nawalan ka ng malay,diyos ko friend ano ba ang nangyari sayo? Tila naguguluhan ding paliwanag at tanong ni Monica. " Ewan ko Monica pero bigla nalang akong nahilo." maikling sagot ni Angelica ,maging siya man ay hindi rin sigurado kung ano ang nangyari basta sa loob loob niya bago siya nawalan ng malay ay nakita niya ang kanyang papa na mabilis na tumatakbo upang siya'y lapitan kung saan siya natagpuan. " anong oras na monik " " mag aalas tres na ng hapon,ang sabi sa amin kanina ni nanay Ising ay pumunta ka sa resthouse bandang alas onse kinse ng tanghali at umalis ka bandang mag aalas dose ng hapon." na shock si Angelica sa kanyang narinig dahil ang ibig sabihin nun ay ilang oras din siyang nawalan ng malay sa bahaging iyon ng kanilang likod bahay.Naalala rin ni Angelica na habang siya'y nakatimbuwang sa dakong iyon ay tila gising parin ang kanyang diwa at kitang kita niya sa kanyang paanan ang batang si Ruben na matama siyang pinagmamasdan habang siya'y nakahandusay malapit sa tabi ng puno ng sinegwelas.Minabuti ni Angelica na bumangon ng maalala niya kung bakit naroon din sina detective Parazo kasama ang kanyang deputy.Tila nahiwatigan naman ng dalawang detective ang mga tinging iyon ng dalaga kaya naisip nilang iyon na ang tamang pagkakataon para sila naman ang magbigay ng pahayag " are you sure you're okay ms. Pangilinan,puwede ka naming dalhin sa ospital kung kinakailangan " nagaalalang sabi ni Detective Parazo. " Hindi na po kailangan mam,ano po pala ang inyong sadya sa akin " seryoso at tuwirang tanong ni Angelica.Hindi naman nagpatumpik tumpik pa ang mga ito para ipaalam ang totoong pakay nila kay Angelica kung bakit sila napasugod doon. " May kilala ka bang Piolo Beltran? " " si Piolo? bakit ano ang nangyari sa kanya? " bakas sa mukha ni Angelica ang pagkabigla. " pinaslang siya kaninang madaling araw " maikling tugon ng detective.Nasapo ni Angelica ang kanyang ulo halos hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. " oh my God, it's my fault it's my fault " palahaw ni Angelica,pilit naman siyang pinapayapa ni Monica,alam niyang isa na naman itong masamang balita para sa kaibigan. " mayroon ulet ipinadalang bulaklak at short note ang secret admirer mo ms.Pangilinan kung kaya't minabuti namin na puntahan ka dito sa inyong tahanan para sa ilang mahahalagang impormasyon." ipinakita nila kay Angelica ang short note na ipinadala ng kanyang secret admirer sa pamamagitan ni monica. " oh my God ,kasalanan ko ang lahat kung hindi ko sana siya pinayagan na maging malapit sa akin ay hindi sana siya napahamak " madamdaming sabi ni Angelica habang ito'y maluha luhang nagsasalita.Niyakap siya ni monica at pilit na inaalo ang kaibigan. " Pumanatag ka angel,wala kang kasalanan sa mga pangyayari infact isa karin sa mga biktima." kahit papaano ay pumayapa si Angelica,nakamasid lamang si detective Freda Parazo at hinintay na kumalma ang dalaga. " maari mo bang isalaysay sa amin kung papaano kayo nagkakilala ni Mr Piolo Beltran ms. Pangilinan?." kaagad namang tumugon si Angelica ikinuwento niya kung papaano sila nagkakilala ni Piolo at kung saan sila nagkita mula sa umpisa hanggang sa kanilang paghihiwalay. " so nagpunta ka sa Manila de bay kung saan napaslang si Michael,any special reason ms. Pangilinan ." " ewan ko kung bakit bigla kong naisip na pumunta doon,basta ang natitiyak ko ay nagkaroon ako ng interes na makatulong sa paglutas ng kaso ng pagpatay kay Michael pakiramdam ko KC ay ako responsable sa kanyang pagkamatay." tumango si detective Parazo.Si detective Pascual naman ang nagtanong. "Nasundan pa ba ang pagkikita ninyo ni Mr.Piolo Beltran ? " iling lang ang itinugon ni Angelica at saka idinugtong nito ang ilang tagpo bago sila maghiwalay ni Piolo. " Naging masyadong intimate ang una naming pagtatagpo ni Mr. Beltran at marahil ay hindi ito nagustuhan ng secret Admirer ko,napansin ko na habang nasa ice cream parlor kami ay nakita ko siya sa di kalayuan na nakatitig sa amin." pagtitiyak ni Angelica. " pero bakit hindi mo ito sinabi sa amin noong una ka namin tanungin kung May iba pang lalaki na nagkaka interes sayo " si detective Calvin Pascual.Nakatingin lamang sa kanya ni detective Parazo. Sa halip na sagutin ang tanong ay tinakpan nito ang kanyang tenga at isinubsob ang kanyang ulo sa balikat ni Monica. " kasalan ko ang lahat hu hu hu " tuluyan ng napahagulgol si Angelica at ramdam ng mga naroon na sadyang sinisisi ni Angelica ang kanyang sarili.Hinayaan muna nilang ilabas lahat ni Angelica ang tensiyon na kanyang nararamdaman at ng tumahan ito sa pag iyak ay saka pa lamang muling nangusap si Detective Parazo. " Ms. Pangilinan,we want you to be honest this time, kailangan namin ang iyong kooperasyon.Maliban kay Piolo Beltran mayroon pa bang ibang lalaki na maaring ipagpalagay natin na nali- link sayo na posible ring nanganganib sa ngayon ang kanyang buhay.We are running out of time Angelica we need to think fast,to act fast para hindi na muling masundan pa ang ganitong krimen at tuluyan ng mahuli ang salarin." mariin ang mga huling pananalitang binitawan ni detective Parazo upang maabsorbed ng husto ni Angelica.Biglang napamulagat si Angelica ng kagyat niyang maisip ang isa pang tao na lately ay nagkaka interes sa kanya.Matamang tinitignan ng mga naroon ang kanyang reaction. " my goodness si Sam..." maagap na naisulat ni inspector Pascual sa kanyang hawak na papel ang pangalang SAM. " Sinong Sam? taga saan siya? at saan namin siya matatagpuan? " sunod sunod na tanong sa kanya ni detective Parazo. " ang buong pangalan niya ay Sam Monte Mayor,anak siya ng May ari ng bagong JollyPizza and restaurant sa May timog avenue katabi ng ginagawang malaking chapel building ng Iglesia ni Cristo." buong katiyakang pahayag ni Angelica . " mayroon ka bang contact number sa kanya? " napailing naman si Angelica at sinabing maaari siyang kontakin mismo sa kanilang online delivery hotlines.Tumango naman si inspector Pascual. " maliban kay Sam meron pa bang iba Angelica ? " tanong naman ni Monica pero muling napailing si Angelica kahayagan na wala pa siyang maisip na ibang tao na puwedeng isama bilang possible target ng salarin.Makalipas pa ang ilang pagtalakay ay kaagad na kumilos ang kapulisan sa pangunguna ni detective Parazo para puntahan ang location ni Mr. Sam Monte Mayor.Minabuti namang sumabay narin si monica at Sumang ayon sa alok ni detective Parazo na ihatid na siya sa kaniyang apartment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD