Dahil bukas ang JollyPizza and restaurant ng 24 hours ay minabuti ng grupo ni detective Freda Parazo na dagdagan pa ang puwersa sa pagmonitor sa susunod na posibleng target ng salarin na walang iba kundi si Sam Monte Mayor,nasa ikalawang araw na silang nagmamatyag sa paligid ng restaurant subalit walang anumang kakatwa sa lugar.Nakikita nila si Mr. Monte Mayor na labas masok sa establishments,kung minsan ay ginagamit nito ang kanyang kotse at kung minsan naman ay ang kanyang motorsiklo,napansin ni detective Freda na mismong si Sam ang paminsan minsan ay nag-aasikaso ng ibang delivery.Naisipan ng dalawang detective na pumasok sa loob ng establishment at umorder ang dalawa ng isang family sized pizza at dalawang iced tea.at habang kumakain ay palinga linga ang mga ito sa paligid at nag-aaban