Chapter 9 " THE NEXT VICTIM "

1447 Words
February 20, tatlong araw matapos ang pagpaslang kay Dexter at sa dalawang iba pa ay muling umatake si secret admirer. Sa isang bahagi parin ng Manila de bay ay May isang nilalang na naglalakad sa gilid ng baybay dagat. Animoy mayroon itong hinihintay doon,napakalungkot ng taong iyon habang nakatanaw sa kawalan at hinihintay na muling mag umaga.Inaalon ang kanyang buhok habang ito'y nakatayo sa gilid ng mabatong parte ng dalampasigan ng Manila de bay. Sa isipan ni Piolo ay tila mayroon siyang kinakausap... " Agnes,tama ka hindi pa pala katapusan ng mundo ang pagkawala mo,dahil May naghihintay pa palang isang pag ibig sa buhay ko.Pero kahit pa magkaroon ng katuparan ang pag ibig na ito sa hinaharap ay mananatili ka parin dito sa puso ko at kailanman ay hindi ka mawawala sa aking ala ala..." ito ang mga naglalaro sa isipan ni Piolo. Sa wakas ay nakawala na si Piolo sa anino ng kanilang nakaraan ng kasintahan niyang si Agnes na namatay sa Leukemia o cancer sa dugo.Since Elementary at High School ay naging childhood sweetheart sila ng kanyang kababata na si Agnes Regasco,subalit namatay si Agnes bago ang graduation nila sa college na labis labis na dinamdam ni Piolo. "...Huwag mo akong iiwan Agnes...bakit ka umiiyak Piolo mahal ko,hindi naman ako lubusang mawawala sayo e,dahil lagi kitang babantayan,ako ang magiging guardian angel mo...Hindi rin ako magagalit kung muli kang magmamahal ng iba...hindi, hindi mahal ko,hindi na ako magmamahal ng iba Agnes pangako ... huwag kang mangako mahal ko ,dahil alam kong May darating pa sa'yong pag ibig.Tandaan mo Piolo ako ang labis na masasaktan kung sakaling saktan ka ng babaeng iyong mamahalin...Agnes lumaban ka huwag mo akong iiwan please Oh God please...Agnes ... Agnes..." ito yaong tagpo bago tuluyang nalagutan ng hininga si Agnes.Mula noon ay naging hungkag ang lahat para kay Piolo,dumating sa punto ng buhay niya na halos panawan siya ng pag asa at May pagkakataon pa itong halos kitlin narin niya ang kanyang sariling buhay dahil sa depression , mabuti na lamang at May mga magulang siyang supportive at nag alaga sa kanya upang muli siyang lumaban sa agos ng buhay. Nagbalik si Piolo sa mundo ng realidad,dito niya napagtanto na muli na naman papalubog ang araw at mga ilang sandali pa ay tuluyan nang lalamunin ng dagat ang sinag ng nagkukubling araw.Ito ang pang apat na araw na siya'y namalagi sa lugar na iyon nagbabakasakaling lumitaw doon ang taong kanyang hinahanap na walang iba kundi si Angelica,ngunit bigo siyang masumpungan ang hinahanap niyang babae. Aminado si Piolo sa kanyang sarili na si Angelica ang muling nagpatibok sa nakalibing na niyang puso.Nakapagpasya na siya na hahanapin niya si Angelica kahit saang sulok pa ng daigdig pa ito pupunta,at kung siya man ang babaeng nakatadhana para sa kanya ay hinding hindi na siya papayag na muling mawala ito sa kanyang buhay.Tila muling nagkakulay ang mundo ng dating malulungkutin na binata ilang taon din siyang nanatiling bachelor ngunit sa pagkakataong iyon ay nangangarap siya ng isang pamilya na magiging inspirasyon niya at bubuo ng mga dating pangarap nila ni Agnes. Ng tuluyan ng lamunin ng dagat ang kulay dugong araw ay saka naman nagpasya ang binata na lisanin ang lugar na iyon,masaya itong naglakad patungo sa kinalalagyan ng kanyang Naka park na kotse sa di kalayuan.papasok na siya sa kanyang kotse ng bigla siyang natigilan.Nagliwanag ang kanyang paligid dahil sa ilaw ng kotse na nakaharap sa kanyang sasakyan,halos masilaw ito sa lakas ng ilaw na tumama sa kanyang mukha. " hey ano ba ang prublema mo? " sigaw ni Piolo na walang kamalay malay sa nagbabadyang kapahamakan.Ini off naman ng black stranger ang ilaw ng sinasakyan nitong kotse.Sa pusikit na kadiliman ay naaninaw ni Piolo ang sakay ng kotse,nanlaki ang kanyang mata ng muling inistart ng black stranger ang kanyang sasakyan,batid ni Piolo na balak siya nitong sagasaan. Napakabilis ng mga pangyayari dahil halos kakabukas pa lamang ni Piolo ang pintuan sa drivers seat ay animoy kidlat sa bilis na binangga ng black stranger ang pinto ng kanyang kotse,at sa lakas ng impact ay natanggal ang pintuan at kasamang tumilapon si Piolo. Pinilit parin ng binata na gumapang palayo sa kanyang assailant pero hindi pa man siya lubusang nakakalayo ay bumaba ang salarin sa kanyang sasakyan at unti unting lumapit sa kinaroroonan ng nanghihinang si Piolo. Walang nagawa si Piolo kundi hintayin nito ang paglapit ng kanyang kamatayan,banaag niya ang awra ng salarin nakasuot ito ng all black suit at Naka sumbrero ng cowboy cap.Nasa kaliwang kamay nito ang kanyang nakaumang na sandata ang four edge dagger na pagkakakilanlan sa kanya. " Please maawa ka huwag mo akong papatayin " mahinang pagsusumamo ni Piolo sa salarin.Halos panawan na siya ng ulirat at lalong nagdidilim na ang kanyang paningin.Pero parang bingi ang salarin at tuluyan parin siyang inundayan ng isang nakamamatay na kadyot sa tiyan.Halos lumuwa ang bituka ng kaawa awang biktima ng tanggalin ng black stranger ang pagkakabaon ng kanyang sandata Ipinunas pa nito ang duguang sandata sa suot na damit ng biktima. Walang nakasaksi sa mga pangyayari maliban sa mga ibon na palipad lipad parin sa dalampasigan na nagmamatyag kung mayroon pa silang madadagit na anumang maaaring kainin bago tuluyang magdilim ang kalangitan.Lumakad palayo ang black stranger sa biktima at nagtungo sa kanyang sasakyan,nanatili muna itong nakaupo sa loob ng kanyang kotse habang pinagmamasdan ang agaw buhay niyang biktima, at bago nalagutan ng hininga si Piolo ay nakuha parin niyang tumingin sa karagatan...Piolo pag nalulungkot ka at gusto mo akong makita,tumingin ka lang sa dagat mahal ko at makikita mo ako doon...tila alingawngaw iyon sa pandinig at isipan ng binata,kitang kita ni Piolo ang mapanglaw na mukha ni Agnes.Tuluyan ng ipinikit ni Piolo ang kanyang mga mata at batid niyang kailanman ay hindi na muling mumulat pa. Madaling araw na ng madiskubre ang kalunos lunos na sinapit ni Piolo Beltran.Agad na nagtungo roon sina detective Freda Parazo at deputy inspector Calvin Pascual . " Positive mam, same incident like the previous one.Parehong pinatay ang biktima gamit ang pareho ring patalim " pahayag ng mas batang pulis inspector. " any witness Sargeant? " si detective Parazo. " so far no witness atleast at the moment,pero umaasa parin kami na may lilitaw na Saksi " pahayag naman ng tinanong na sarhento na unang nagtungo sa pinangyarihan ng krimen. Matapos masuri ang bangkay at maging ng kanyang sasakyan na pag-aari nito ay na identify ang pagkakakilanlan sa biktima.Dinala ang bangkay ng biktima sa labaratoryo para sa karagdagan pang pagsusuri. " what do you think? " tanong naman ni detective Calvin Pascual sa tahimik na si detective Freda Parazo na tila nahuhulaan narin nito ang dahilan ng pananahimik ng kanyang Senior inspector. " we need to talk to ms. Angelica Pangilinan inspector, as soon as possible bago pa muling umatake ang salarin.May palagay ako na isa na naman si Mr. Piolo Beltran sa kanyang masugid na manliligaw " malinaw namang tugon nito kay inspector Pascual. " pero bakit hindi ito sinabi ni ms.Pangilinan ng minsan tanungin natin siya tungkol sa bagay na ito " si detective Pascual na ang tinutukoy niya ay ng tanungin si Angelica kung mayroon pa itong kilala na mga nanliligaw sa kanya. " exactly sir , yan ang dapat nating alamin but before that do you care for a cup of coffee " saad ng chief inspector na sinang ayunan naman ng kanyang deputy,dumiretso ang dalawang detective sa isang malapit na coffee shop at doon nila ipinagpatuloy ang pagtalakay sa kaso na kanilang kinakaharap.Naaaburido narin silang pareho dahil sa dami ng mga nagtatanong partikular ng mga nasa social media.Nalathala pa sa ilang pahayagan na makupad daw ang isinasagawang imbestigasyon sa mga sunod sunod na patayan.Very controversial narin ang style ng pagpatay ng tinagurian " the four edge dagger killer " na ginawan narin ng video sa t****k na animoy hinahabol ng nakamaskarang salarin ng four edge dagger ang biktima na animoy katatawanan. " kailangan nating magmadali,bago pa makapambiktimang muli ang salarin, ang susi sa likod ng p*****n na ito ay walang iba kundi si Ms. Pangilinan, we need to identify all of the names of her suitors or even her admirers.Kung kailangan bantayan natin siya 24 hours ay gagawin natin." pahayag ni detective Parazo. " how about Ms. Monica ? " saad naman ni detective Pascual. " kailangan din natin siyang subaybayan,mag assign ka ng dalawang magbabantay sa kanya ngunit kailangan ay hindi mahahalata para hindi maunsiyami ang plano.We have to be very careful since the killer might be in alarm right now.Posibleng hindi muna siya umatake habang mainit pa ang usapin pero kailangan parin nating maghanda.This is a serious matter detective Pascual,we are now facing to a psychological serial killer ".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD