Chapter 7 " THE DREAM "

2778 Words
Pasado alas dose na ng hapon ng makauwi si Angelica sa kanilang tahanan.Pinagbuksan siya ng gate ng kanilang matandang hardinero.Napag Alaman niya buhat naman sa matanda na ring katulong na si aling Ising (asawa ng hardinero na si mang Berting ) na umalis ang kanyang papa kasama si Samantha at nagtungo ang mga ito sa Baguio City para bisitahin ang kanilang mga negosyo doon,ipinagbilin na lamang sa kanila na asikasuhin siya ng mga ito habang wala pa sila sa bahay. Napag Alaman din ni Angelica na umalis din ang kambal na si Jack at Max patungong Boracay kung saan ay magbabakasyon ang mga ito sa kanilang resort doon at posible umanong magtagal doon ang mga ito,at gaya ng dati ay mahigpit umano na ipinagbilin ng kanyang papa na huwag na huwag nagpapasok doon ng kahit na sino lalo na pag lalaki. Sa kauna unahang pagkakataon ay ngayon lamang siya hinayaan doon sa malaking mansion ng mag isa,ang dalawang kasambahay kasi ay nakabukod ang kanilang tirahan sa May bahaging likod ng bahay mas pinili ng mag asawa na doon tumira sa May bahay kubo katuwiran ng mga ito ay nasanay na sila sa ganung tahanan mas komportable diumano sila na tumira sa bahay na yari sa kahoy at nipa kaya ipinaayos iyon ng kanyang papa. " O Angelica baka nagugutom ka May niluto akong tinolang manok ipaghahain kita kung gusto mo " magalang na pahayag ng matandang katulong. " Huwag na po nanay Ising, medyo busog pa ako mamaya nalang po ako kakain,gusto ko po sanang magpahinga " pahayag naman ni Angelica at sinabihan narin niya ang matanda na huwag nila siyang alalahanin at magpahinga rin sila ni mang Berting. " ipapatawag ko nalang po kayo ni tatay Berting kung May kailangan po ako " tuluyan ng tumalikod si Angelica at umakyat na sa kanyang silid.Nakabibinging katahimikan ang lumokob sa silid ni Angelica at hindi malaman ng dalaga kung matutuwa ba siya o malulungkot sa kanyang pag-iisa,dati rati ay laging nakabantay ang kanyang papa at maging ng kanyang step mom na si Samantha at pakiramdam din niya ay maging ang kambal na si Max at Jack ay matama rin siyang minamatyagan ng mga ito bagamat hindi nila ito ipinapahalata at hindi sila ganun ka close sa isa't isa,pakiramdam niya ay May gap sa kanila na hindi niya mawari kung ano. Nakaramdam ng pagka bagot si Angelica kaya't nagpasya itong pumunta sa May terrace kung saan natatanaw ng kanyang paningin ang bahay na ipinatayo ng kanyang papa sa mag asawang katulong.Sa kanyang pananatili sa terrace ay napag ukulan niya ng pansin ang maluwang na hardin.Noon lamang niya na appreciate ang ganda ng kapaligiran,sa tinagal tagal na niyang nakatira doon mula noong dumating siya buhat sa Amerika ay ngayon lang niya nabigyang pansin ang kapaligiran ng mansion.Napahinga ng malalim si Angelica at ibayong katahimikan ang kanyang naramdaman lalo na ng humaplos sa kanyang katawan ang banayad na simoy ng hangin.Dahil sa siya ay napuyat ng nagdaang gabi na sinamahan pa ng mga pangyayaring nakapagdulot sa kanya ng matinding stress ay pilit siyang idinuduyan sa pagtulog Muling nagpasya ang dalaga na pumasok sa kanyang kuwarto at paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kama ay kaagad siyang nakatulog.Mga ilang sandali pa ay muli na naman siyang dinalaw ng dati niyang panaginip. " Hoy! bakit ka umaakyat diyan?" sigaw ng batang babae na May hawak na laruan sa kanyang magkabilang kamay.Hindi naman nagpatinag ang batang lalaki ipinagpatuloy niya lang ang kanyang ginagawang pag akyat sa May kataasang bakod at pagkatapos ay saka siya sumampa sa pader at nahinuha ng batang babae na pababa ito sa kanilang property.Paglapat ng Paa ng batang lalaki ay kaagad siyang lumapit sa kinaroroonan ng batang babae na halos kasing edad lamang niya. " Bakit ka pumasok dito ? " pabulyaw na pahayag ng batang babae. " Ang ganda naman ng laruan mo, patingin nga ako " nakangiting sabi ng batang lalaki,pero sa halip na ipakita ng batang babae ang kanyang mga laruan ay itinago pa niya ito sa kanyang likuran. " para titingnan lang naman eh, andamot mo naman " singhal ng batang lalaki. " umalis kana dito kung hindi ay isusumbong kita sa papa ko " pagbabanta ng batang babae.Pero May kakulitan ang batang lalaki at sa halip na matakot sa sinabi ng kausap ay lumigid pa ito sa May likuran ng batang babae upang tignan ang mga laruang hawak nito.Minsan pang nag warning ang batang babae na tatawagin ang Papa niya kung hindi pa siya aalis. " teka lang aalis din ako pero gusto ko munang makita ang mga laruan mo tapos aalis na ako" parang nakakaloko ng sabi ng batang lalaki.Napilitan namang ipakita ng batang babae ang kanyang hawak na mga laruan sa mapilit na kausap. " wow! ang ganda ganda naman ng mga iyan,saan mo yan nabili?" manghang mangha ang batang lalaki hindi siya magkamayaw sa ganda ng laruan na noon lamang niya nakita ng aktuwal sa kanyang tanang buhay Dati rati ay sa tv niya lang napapanood. " ngayon nakita mo na makakaalis kana!" pautos na sabi ng batang babae,pero ngumiti lamang ang batang lalaki. " last na puwedeng pahawak? ano yang isang iyan sa kamay mo yan ba yung remote control? itesting mo nga ulet magpalipad niyan? " tuloy tuloy na request ng batang lalaki tila desididong mahawakan ang DRONE na hawak ng batang babae. " hindi puwede! " malakas na sabi nito,napakagat pa siya ng labi at napanguso palatandaang ayaw niya talagang ipahawak ang kanyang laruan.Pero mapilit ang batang lalaki at May katusuhang nagsabi ng mga nakakatuwang bagay mapapayag lang niya ang kanyang kaharap. " sige ganito nalang ibibigay ko sayo ang kuwintas kong ito kung ipahawak mo lang sa akin ang iyong laruan kahit saglit lang tapos aalis na ako" tinitigan ng batang babae ang kuwintas na nasa leeg nito at hawak ng kanyang kaliwang kamay.Para itong perdon na kasing laki ng 1 peso coin yari ito sa tila pinaghalong silver at tanso at May Naka engrave doon na animoy mukha ng tao. " ayaw ko yan ang pangit saka nakakatakot ! " pahayag ng batang babae. " maganda ito, May anting anting daw ito sabi ng lolo ko.Nakikita mo ang mataas na bakod na yan? naakyat ko yan dahil sa tulong ng kuwintas na ito " pang eenganyo ng batang lalaki. " hindi ako naniniwala sayo,kaya ko ring akyatin yan kahit walang tulong ng kahit na anong magic.Umalis kana dito kung ayaw mong isumbong kita sa papa ko at sabihin kong gusto mong nakawin itong laruan ko." pagbabanta ng batang babae,hindi nag click ang gimik ng batang lalaki.Pero matindi talaga ang ang paghahangad ng batang lalaki na mahawakan ang laruan kung kaya't sapilitan na niyang inaagaw ang laruan sa kamay ng batang babae. Lalong hinigpitan ng batang babae ang pagkakahawak sa laruan na ikinubli niya sa kanyang likuran at para makuha ng batang lalaki ang laruan ay kakailanganin niya ang matinding puwersa,halos magkasing tangkad lamang ang dalawang bata ngunit di hamak na mas malaki ang katawan ng batang lalaki.Halos yakapin na siya ng batang lalaki makuha lang ang laruan nito pero pumapalag ang batang babae at ayaw talagang bitawan ang laruan at ng halos mapaiyak na ito sa higpit ng pagkakayakap sa kanya.Napahiyaw ng malakas ang batang babae at May nakakita rin sa kanila na isa pang batang paslit ngunit sa sa halip na tulungan siya ay tumakbo pa ito palayo sa kanila. " bitiwan mo ako,bitiwan mo ako sabi eh" palahaw ng batang babae. " he-he-he bibitiwan lang kita kung bibitiwan mo rin ang laruan mo ,hmmmn ambango mo pala pa kiss nga ako " tila pang aasar pa ng pilyong batang lalaki.Paiwas iwas ang mukha nito sa halos dikit na dikit na pagkakayakap ng batang lalaki na pilit paring kinukuha ang laruan sa kanyang kamay. "bad ka bad ka isusumbong kita sa papa ko" mangiyak ngiyak na sabi ng batang babae at ng i kiss siya sa pisngi ng batang lalaki ay doon na humulagpos sa kanyang mga kamay ang laruan.Natanggal ang isang Elise ng drone at kumalas din ang ilang parts ng remote control.Kaagad na pinulot isa isa ng batang lalaki ang nagkalas kalas na bahagi ng drone at pilit na ina assemble iyon patalikod sa naghihinagpis na batang babae. " ayan ikaw kasi eh nasira tuloy " sisi pa ng batang lalaki.Matalim ang tingin ng batang babae sa kanya halatang masamang masama ang kanyang loob.Pahablot na kinuna ang kanyang laruan pero maagap ang batang lalaki at mahigpit nitong hinawakan ang laruan at hindi iyon makuha ng batang babae. " akin na yan akin na yan sabi" nanggagalaiting sambit nito halos magdugo na ang kanyang mga kamay sa puwersahang pang aagaw nito sa kanyang laruan.Galit na ang batang babae at gayun din ang batang lalaki at dahil sa gigil ay naitulak ng batang lalaki ang batang babae at sa lakas ng pagkakatulak nito ay natimbuwang siya sa lupa at bahagya pang bumangok ang kanyang ulo sa May batuhan. " hahaha buti nga sayo maramot ka kasi eh, Wawa naman ang bata bee bee bee bee bee, iiyak na ang bata " pang aasar pa ng batang lalaki.Doon na tuluyang napaiyak ng malakas ang batang babae hindi lang dahil sa inagaw sa kanya ang paborito niyang laruan kundi dahil sa sakit ng pagkakauntog ng kanyang ulo sa batuhan.Nakaramdam siya ng pagkahilo at pagdidilim nang kanyang paningin,gusto niyang sumigaw ng malakas pero walang namutawing tinig sa kanyang lalamunan.Sa halip na tulungan siya ng batang lalaki ay tinalikuran pa siya nito at itinuon ang kanyang pansin sa pagbuo sa kumalas na bahagi ng laruan habang pakanta kanta pa ito na parang nakakaloko. " akin na ito...akin na ito...akin akin akin na ito..." Naputol ang panaginip na iyon ni Angelica ng makarinig siya ng malalakas at sunod sunod na katok sa pintuan ng kanyang silid.Dagli siyang bumangon at napatingin sa wall clock na nakasabit sa ding ding ng kanyang kuwarto.Mag aalas singko ng hapon.Pagbukas niya ng pintuan ay bahagya pa siyang nagulat ng makilala niya ang nasa bungad ng pintuan. " Papa?, i thought ..." hindi na naituloy ni Angelica ang kanyang sasabihin dahil kaagad na itong nagpaliwanag sa kanya. " i've changed my mind,pinauna ko na lamang si Samantha sa Baguio at sinabihan ko siyang susunod nalang ako doon early in the morning." maagap na paliwanag ng kanyang papa. " Papa okey lang naman sa akin na mag isa ako dito, at isa pa gusto ko talagang mapag isa " seryosong pahayag naman ni Angelica. " ah basta, ayaw kong iwan kang mag isa dito sa bahay at bukas pag alis ko ay babalik din ako kinagabihan para May makasama ka parin dito sa bahay kahit gabihin ako sa biyahe." kaswal na saad ng kanyang papa. " my goodness papa,are you insane? ang layo ng Baguio from Manila and besides i need to be alone, go with your wife mas kailangan ka niya doon keysa sa akin " Tahimik lamang na nakatingin sa kanya ang kanyang papa at pilit na kinakalmante nito ang kanyang sarili.At aminado rin siya na tama si Angelica sa kanyang mga sinabi. " puwes kung ayaw mo akong mapagod sa biyahe sumama ka nalang saken early in the morning pupunta tayo sa Baguio para makita mo narin kong ano ang kalagayan ng mga negosyo natin doon." tigalgal si Angelica sa narinig buhat sa kanyang ama mas lalo siyang nawindang sa mga pahayag nito. " No papa kayo nalang ni Samantha i want to stay dito sa bahay,at para narin sa kaalaman niyo na Naka bakasyon ako ngayon sa trabaho." muli siyang pinagmasdan ng kanyang papa at pilit na ngumiti. " that's one thing na gusto kong pag usapan natin,i heard about the news sa pinagtatrabahuan mong kumpanya and I'm so worried about you Angelica, it's about time na kailangan mo ng magresign diyan sa trabaho mo at ikaw na ang mag manage sa isa nating negosyo sa Tagaytay." mahabang paliwanag ng kanyang papa.Kunsabagay hindi naman niya kailangan pang magbanat ng buto dahil sa dami ng pinapatakbong negosyo ng kanyang pamilya. " pag-iisipan ko ang mga sinabi mo papa" Marahang sagot ng dalaga sa tinuran ng ama. " Oo nga pala sabi ng nanay iseng mo ay hindi ka pa raw nananghalian.Tara na at saluhan mo akong kumain nag order ako ng pagkain sa isang sikat na restaurant I'm sure magugustuhan mo ang mga inorder kong pagkain,binigyan ko narin sina aling Ising at mang Berting." tahimik namang pumanaog si Angelica at sumunod sa kanyang ama.Tahimik lamang na kumain ang mag ama at ng matapos na silang kumain ay siya namang pagpasok ni aling Ising. " Ma'am Angelica mayroon pala akong gustong sabihin sa inyo " Malumanay na sabi ng matanda. " ano ba yan nanay Ising, ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo na huwag niyo na po akong tatawaging mam " mariing pahayag naman ni Angelica. " ay sorry nakalimutan ko tumatanda na talaga ako , ay siyanga pala kanina habang natutulog ka mangyari eh..." saglit na naputol ang sasabihin sana ng matanda at napatingin sa kinauupuan ng kanyang papa na tila humihingi ng pahintulot sa nasimulan niyang pahayag. " sige aling Ising ano ba yung sasabihin mo " si Mr.Pangilinan. " mangyari eh,kanina paglabas ni Berting para sana bumili ng pintura na pampintura sa nababakbak na pintura ng bakod sa likod eh May napansin siyang nag iwan ng bulaklak sa harap ng gate at May kasama pa itong maliit na sobre na nakapangalan sayo" mahabang paliwanag ni aling Ising.Sa nasabing iyon ni aling Ising ay bakas sa mukha ni Angelica ang pagkabahala.Hindi rin iyon nalingid sa paningin ni Mr.Pangilinan. " aling Ising nasaan hi yung sinasabi niyong bulaklak ?" agad namang kumilos ang matanda para kunin ang sinasabi nitong bulaklak. " sandali lamang po at kukunin ko itinabi iyon ni Berting sa May kubo." pagbalik ni aling Ising ay dala na nito ang bulaklak na May kasamang maliit na sobre. Kapunan puna ang biglang pagi iba ng awra sa mukha ni Angelica pagkakita nito sa hawak hawak na bulaklak ni aling Ising.Kaibayo kasi ng kanyang inaasahan ang dalang bulaklak ng matanda.Kumpol ng pinaghalong white at pink roses ang iniabot sa kanya ni aling Ising na sa tantiya naman ni Mr.Pangilinan ay mga dalawang dosenang bulaklak ang ipinadala sa kanyang unica iha,maging siya man ay na curious kung sino ang nagpadala nito sa kanya.Kaagad na binuksan ni Angelica ang maliit na Card at binasa ang nakasulat. Ms. Pangilinan Let me begin by saying how sorry I am for what i did last time,i didn't intend to do it please accept my apology for all the mess that i've done. Sincerely yours, Sam Monte mayor Napangiti si Angelica sa pahatid na mensahe.Na curious din ang kanyang papa at maski si aling Ising din ay nagkaroon ng interes na malaman kung sino ang nasa likod ng ipinadalang bulaklak kay Angelica " Remember the guy named Sam Monte mayor papa? " nag isip pansumandali ang kanyang papa at pilit na inaabsorbed ang nasabing iyon ng kanyang anak. " yeah I remember him,diba siya yung lalaking Naka bangga sa harapan ng kotse mo ng minsang papalabas ka palang ng gate?" matalas parin ang memorya ng kanyang papa. " yes Papa siya nga " nakangiting pahayag ni Angelica. " the pizza boy!, ang reckless na pizza delivery boy ng Domino's " nakatawang nasabi ni Mr. Pangilinan. Tama ang sabi ni Mr. Pangilinan na binangga nga ng isang motorsiklo ng nagngangalang Sam Monte mayor ang harapang bahagi ng kotse ni Angelica at nabasag ang isang ilaw nito at nayupi ng bahagya ang harapan.Ng sitahin siya ni Angelica ay nagbigay lamang ito ng paumanhin at nagsabing nagmamadali kasi siya pero bago naman siya humarurot ng takbo ay nagbigay naman siya ng isang calling card kung saan siya puwedeng puntahan at nagsabing nagsabing babayaran niya ang lahat ng gagastusin sa pagpapaayos ng kasiraan ng kanyang sasakyan. " you're right Papa, siya nga yun si Sam Monte mayor ang tinawag mong pizza delivery boy at napag Alaman kong nag iisang anak siya ng May ari ng JollyPizza and restaurant na kung saan ay doon ka nag order ng pagkain kanina." salaysay ni Angelica. " ganoon ba? well nanliligaw ba siya sa iyo Angelica ? " napailing lamang si Angelica at sinabing humihingi lamang ito ng apology sa nangyaring aksidente. Nagkaroon pa silang mag ama ng ilan pang pagtalakay patungkol sa kanilang negosyo bago sila tuluyang natapos. " well i need to rest Angelica,mamaya nalang tayo ulet mag usap,pag isipan mong mabuti ang alok ko sayo" humalik muna siya sa pisngi ni Angelica bago siya tuluyang umakyat patungo sa kanilang kuwarto ni Samantha.Tinulungan naman ni Angelica si aling Ising para iligpit ang kanilang pinagkainan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD