Chapter 8 " THE MEMORIES "

1428 Words
Samantala ay ayaw dalawin ng antok si Monica. Maga alas dose na ng gabi ay nakamulat parin ang kanyang mga mata at nakatingin sa May kisame ng kanyang silid.Alumpihit siya at pabangon bangon sa kanyang kama, panay ang pagkabog ng kanyang dibdib.Dahil sa nag iisa lang siya sa kanyang inuupahang apartment ay hindi niya maiwasan na makadama ng takot. Dati ratí ay hindi naman siya ganoon ngunit simula ng mangyari ang malagim na insidente ng pagkakapaslang kay Dexter ay hindi na siya matahimik.Laging sinisiksik sa kanyang isipan na baka siya na ang isunod na paslangin ng secret admirer ng kanyang bestfriend. Pilit na nilalabanan ni Monica ang kanyang pagkatakot, naisipan niyang buksan ang telebisyon upang kahit papaano ay mabawasan ng bahagya kung hindi man mapawi ng lubusan ang namumuong takot sa kanyang dibdib.Pumili siya ng papanooring CD na isang comedy na pinagbibidahan ni Bayani Agbayani at Long Mejia na May pamagat na JACK EN POY Isinalang niya ito at saka pinanood.Natawa rin siya kahít papaano lalo na sa eksenang nakasuot ng attire na pambabae ang dalawang bidang komedyante. Subalit biglang naglaho na parang bula ang mga ngiti sa mukha ni Monica ng makarinig siya ng ingay na animoy kinalampag ang gate ng kanyang inuupahang apartment.Saglit siyang tuminag at sumilip sa May bintana.Bahagya pa siyang napahiyaw tutop ang kanyang bibig ng maaninag ang nakatayo roon sa malapit sa rehas na gate. Nanlaki ang mga mata ni Monica sa kanyang nakita at isa isang nagtaasan ang balahibo ng kanyang katawan.Naalala niya ang deskripsiyon na ibinigay sa kanya ni Angelica ay gayon na gayon ang nakikita ngayon ng kanyang sariling mga mata. Lalo siyang nangilabot ng kumaway sa kanya ang secret admirer ni Angelica na nakasuot ng purong itim na animoy cowboy.Napagtanto rin si Monica na tama rin si Angelica ng sabihin niyang parang nakaka hypnotized ang black stranger habang ito'y tinititigan ng matagal.Saglit na ipinikit ni Monica ang kanyang paningin at kinurot ang kanyang mga mata,nagtagal iyon ng halos 30 segundo at ng muli siyang nagmulat ng mata ay naglaho na ito sa kanyang kinatatayuan.Kaagad na isinarado ni Monica ang lahat ng mga bintana at inilocked na mabuti ang pintuan.Muli siyang nagtungo sa kanyang kama at itinutok ang kanyang paningin sa telebisyon subalit hindi siya nagawang patawanin ni Bayani Agbayani maging ang mahusay sa pagpapatawang si Long Mejia. Sa kabilang dako ay tahimik na ang buong kabahayan sa tahanan ng mga Pangilinan ng mula sa kung saan ay lumitaw ang isang anino,banayad ang kanyang mga paghakbang patungo sa kinaroroonan ng silid ni Angelica,at ng tumapat ito sa pintuan ng kuwarto ni Angelica ay inilapat ng May ari ng anino ang kanyang tainga upang alamin ang kaganapan sa loob ng silid.Sa marahan niyang pakikinig ay naulinigan niyang marahil ay gising pa si Angelica dahil patuloy paring nakabukas ang telebisyon.Dahan dahan siyang muling bumalik sa kanyang pinagmulang madilim na dako at tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman ng gabi. Gising na gising parin si Mr. Pangilinan at maingat na inaayos nito ang kanyang mga dadalhing gamit sa nakatakda niyang pagtungo sa Baguio, ngunit saglit siyang natigilan ng mapansin niya ang isang lumang album sa pinaka ilalim ng kanyang closet.Naisipan niya itong buklatin at inisa isa ang pahina ng lumang album nila ng kanyang nasirang asawa.Nagtagal siya sa pagtitig sa larawan ng kanyang namayapang kabiyak ang ina ng kanyang unica iha,May tumulong luha sa mga mata ni Mr. Pangilinan habang kanyang pinagmamasdan ang imahe ni Donita.Nanulay sa kanyang alaala ang ilang bahagi ng kanilang nakaraan... " itay naman! ipinamimigay niyo na lang ba ako basta sa kanya? Hindi naman porke paga ari nila ang lupang inyong sinasaka ay magagawa na nilang lahat ang balang kanilang maibigan " himutok ni Donita sa ilang pahayag sa kanya ng kanyang ama. " Hindi naman sa ganoon anak, gusto ka lang naman anyayahan ni Leandro sa kanila " paliwag naman ng kanyang itay. " para ano itay? para laitin at gawing parang utusan? at saka isa pa itay alam niyo naman na..." sinansala siya ng kanyang itay sa kanyang nakaambang sasabihin sana. " O siya siya tama na kung yan ang pasya mo " May himig pag-aalala sa tono ng pananalita ni mang Adolfo habang inaakbayan si Leandro palayo sa kanyang anak na si Donita. " Pasensiya kana iho, medyo mainit lang ang kanyang ulo,bayaan mo at kakausapin ko siya ng masinsinan sa ibang pagkakataon, at siya nga pala iho pakisabi na lamang sa iyong Ama na pasensiya na sa nangyari." nangangambang pahayag ni mang Adolfo... " Adolfo! " malakas na sigaw ng isang bagong dating na nakakabayo. " Oh kayo pala Senyor Baldomero ano po ang aking maipaglilingkod sa inyo " halos mag bow pa si mang Adolfo sa bagong dating n panauhin. " Nabalitaan ko ang naging pakikipag-usap ng aking si Leandro at ng iyong anak na si Donita.Gaya ng nauna ko ng sinabi sayo Adolfo na pakiusapan mong mabuti ang iyong anak na pakisamahan niyang mabuti ang aking binata.Alam mo naman siguro ang dahilan,He is my one and only son sa ibang termino ay unico iho,ayaw mo ba akong maging balae Adolfo? " walang magawa si mang Adolfo kundi Sumang ayon sa mga panukala ni senyor Baldomero... " itay wala akong gusto kay Leandro! " paghihimagsik ni Donita sa planong pag iisang dibdib nila ni Leandro. " Pero anak makinig kang mabuti sa sasabihin ko sayo,huwag mo munang pairalin dito ang usaping puso.Maawa ka naman sa amin ng inay mo saan tayo pupulutin kung saka sakali,mag isip ka anak,maging praktikal ka sa pagkakataong ito " May katigasang pahayag ni mang Adolfo. "Mangyari na ang mangyari itay pero hinding hindi ako magpapakasal kay Leandro! " pagmamatigas namang sabi ni Donita. " Adolfo! balae kumusta na? pumapayag na ba ang anak mo?...punyeta!!! ano ba ang inaayawan niya kay Leandro ko,ang ibang babae nga rito ay nagkakandarapa mapansin lang sila ni Leandro...puwes kung hindi mo kayang kumbinsihin ang anak mo ay ako ang gagawa ng paraan.Gusto kitang makausap ng masinsinan Adolfo at tayong dalawa lamang " panay lang ang pagtango ni mang Adolfo sa mga binibitawang salita ni senyor Baldomero batid niyang wala pang nagtangkang sumuway sa mga binabalak ng matandang hasyendero. " what? ayaw ko papa hindi ko iyon magagawa kay Donita,mahal ko siya papa at nirerespeto ko siya" tutol si Leandro sa mga panukalang inihain sa kanya ni senyor Baldomero " wala ng ibang paraan Leandro, kung siya talaga ang gusto mong mapangasawa then take that single oppurtunity na naisip ko and I'm sure hindi mo yan pagsisisihan." Kumpiyansang nasabi ng kanyang papa. " so papaano ang dapat kung gawin papa?" si Leandro " ipadudukot ko siya sa mga tauhan ko na taga labas,kunwari ay gagahasain siya ng mga dumukot sa kanya pero hindi niya malalaman yun dahil patutulugin natin siya." naniningkit ang mga mata ni senyor Baldomero habang iniisip ang mga susunod pang hakbang. " at pagkatapos ay ako ang gagahasa sa kanya ganoon ba papa? " maagap na tugon ni Leandro. " iyon ang gusto kong mangyari iho " " ayaw ko papa,para ko narin siyang pinagsamantalahan kung ganun " Tila pagtanggi ni Leandro " Ikaw parin naman ang masusunod Leandro, pero huwag mo akong sisihin kung mapunta siya sa iba.Ang mga suhestiyon ko'y pawang para rin sayo iho,gusto kong lumigaya ka ng lubos at gagawin ko ang lahat para maging masaya ka,ikaw ang aking nag-iisang tagapagmana! ang kailangan mo'y isang kabiyak na makapagdudulot sayo ng pambihirang inspirasyon " seryosong pahayag ni Senyor Baldomero. " kung sumang ayon ka lang sa mga plano ko ay tiyak kong hindi mo ito pagsisisihan,magsabi kalang iho at bukas na bukas din ay isasagawa natin ang plano,wala naring prublema sa mga magulang ni Donita dahil nakausap ko na sila sa nais kong mangyari,pero kung ayaw mo ay hindi ko ipagpipilitan sayo ang mga bagay na ito pero just in case na magbago ang isip mo ay puntahan mo lang ako sa May kuwadra. Muling nagbalik ang gunita ni Mr. Leandro Pangilinan at pinahid ang mga namuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.Isinilid niyang muli sa ilalim ng kanyang closet ang lumang album at saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawang pagi empake.Pagkatapos niyang maisaayos ang lahat ng kailangan niyang dalhin patungong Baguio City ay muli siyang dahan dahang lumabas ng kanyang silid at hindi na niya ginambala pa si Angelica para ito'y gisingin,agad siyang bumaba ng hagdan at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang kotse.Sinalubong naman siya ni tatay Berting na kanina pa nagaantabay sa harapan ng gate, at nang maisakay ng lahat ang kanyang bagahe at tuluyan na itong umalis patungo sa isang bahagi ng lungsod ng Baguio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD