Chapter 6 " THE RHYMES AND RIDDLES "

1366 Words
Bago tuluyang lumisan ang magkaibang sina monica at Angelica ay humingi muna ang mga ito ng pahintulot sa mga pulis na kuhanin ng mga ito ang mga personal nilang gamit upang dalhin ito sa kani kanilang tahanan dahil batid ng bawat isa na medyo matatagalan pa marahil na muling pahintulutan ng lokal na pamahalaan na muli silang makapag operate lalo na ngayon na mas pinalala pa ng krimen na sa loob mismo ng establishment naganap.Pinayagan naman sila ni detective Freda Parazo ngunit pinasamahan sila sa mga bantay na pulis. Sa opisina ni Angelica ay minabuti niyang dalhin ang kanyang personal laptop at ilang mga personal niyang gamit na nakalagay sa kanyang safe drawer at agad agad din siyang lumabas makalipas lamang ang limang minuto.Samantala si monica naman ay planong kunin din nito ang kanyang personal laptop at pati narin ang iba niyang personal belongings katulad ng pabango,lips stick at kung ano ano pa ngunit muli na naman siyang napamulagat at napaatras ng mapansin niya ang isa na namang pulang rosas na nakapatong sa ibabaw ng kanyang printer, wala itong nakadikit na maliit na card katulad ng dalawang nauna pero May print outs naman na hindi pa natatanggal sa pagkakaipit nito.Sinadya itong i print ng salarin at doon ipinatong ang isang rosas para ma identify na siya rin ang May gawa nito. Napansin ng nakabantay na pulis sa harapan ng pintuan ng opisina ni Monica ang reaction ng dalaga kung kaya't pumasok ito at nagtanong. " ma'am ano po ang problema" tanong ng pulis sa natutulalang si monica,ngunit walang namutawi sa bibig ni monica nakapako lamang ang kanyang paningin sa nakasulat sa print out. Tila isa itong pinaghalong Rhyme o riddle.Tinignan din ito ng bantay na pulis at pagdakay kinuha ang kanyang portable radio na nakasabit sa kanyang pantalon at tinawagan si detective Parazo at deputy inspector Calvin Pascual.Kaagad namang nagtungo ang dalawang detective sa opisina ni Monica upang alamin ang prublema.Dala naman ng matinding curiosity ay patakbong sumunod din doon si Angelica dahil narin sa pag-aalala niya sa kanyang kaibigan. Pinaupo ng bantay na pulis sa isang silya si monica habang ang dalawang detective ay sinusuring mabuti ang pahatid na mensahe ng killer.Nakamasid lamang si Angelica sa ginagawang pagsisiyasat ni detective Parazo habang nakahawak naman ang kanyang kamay sa magkabilang balikat ni monica para kampantehin ang kaibigan.Matamang pinagmamasdan ni Detective Parazo ang print out.Naiimagine ng detective na pagkatapos niyang íligpit ang dalawang security guard ay isinunod niya si Dexter at pagkatapos ay hinabi niya ang tila childish riddle o rhyme gamit ang computer ni monica.Nakatawag ng pansin sa mga imbestigador kung bakit sa computer ni monica ang ginamit at hindi ang kay Angelica. KNOCK...KNOCK... WHO'S THERE ? UR SECRET ADMIRER!!! ONE TWO, GUESS WHO ??? THREE FOUR,WHO'S ON THE DOOR? FIVE SIX,THINK FAST WHO'S NEXT? SEVEN EIGHT, DONT BE TOO LATE? NINE TEN, A BIG FAT END... Dahil sa pangyayaring iyon ay muling ipina iwan ang matalik na magkaibigan para isailalim sa mas masusing pagsisiyasat,at sa pagkakataong iyon ay kapwa na sila naroon upang muli silang kunan ng karagdagang pahayag. " miss Pangilinan kung hindi kalabisan sayo,maari mo bang isaysay sa amin kung kailan nagsimula ang pagpapadala sayo ng bulaklak na May kasamang mensahe na kagaya nito? " walang pag-aalinlangan naman na sinagot ni Angelica ang direktang tanong sa kanya ni detective Freda.Ikinuwento naman ng dalaga ang unang pangyayari kung kailan nagsimula ang lahat, magmula sa pagkakadiskubre ni monica sa naunang bulaklak na inilagay ng intruder sa ibabaw ng kanyang CPU hanggang sa pagkakatuklas pa ulit ni monica sa isa pang bulaklak na May kasamang maliit na card na inilagay naman ng intruder sa kanyang drawer. Nang usisain ng detective kung naitago nila ang mga cards ay kaagad na tumalima si Angelica at buhat sa kanyang bag ay inilabas niya ang unang note card na kanilang tinanggap sa nagpapakilalang secret admirer at iniabot niya ito sa detective. Binuksan naman ni detective Freda Parazo ang maliit at lukot lukot na sobre at kanilang sinuring mabuti.Napakunot pa ang noo ng deputy inspector Calvin Pascual pagkabasa nito sa mensahe. " HAPPY VALENTINES ANGELICA " FROM UR SECRET ADMIRER . " May pinagdududahan ka ba ms. Pangilinan kung sino ang nasa likod ng mga ipinapadalang mensahi ng nagpapakilalang secret admirer mo " napailing lamang si Angelica kahayagan na wala siyang ideya kung sino ang May gawa nito.Maging si Monica man ay nagsabi ring wala siyang ideya kung sino man ang May kagagawan nito at inamin din ng dalaga na nagtataka siya kung bakit sa kanya isinisend ng taong iyon ang mga mensahe na supposed to be ay para sa kanyang matalik na kaibigan na si Monica. " about sa second letter na natanggap mo ms. monica maari ba naming makita iyon? " Saglit na natahimik si monica at tila nakalimutan niya ang bagay na iyon pero ng sabihin ni Angelica na itinapon niya ito sa May waste basket ay saka pa lamang niya iyon naalala. " yes tama po siya itinapon ko po yung short note kasama ng isa pang pulang rosas sa waste basket na nasa ilalim ng table ko sir/mam " Paliwanag ni monica sa follow up na tanong naman ni inspector Calvin Pascual. Agad na inutusan ni detective Parazo ang isang opisyal na pulis para kunin ang waste basket sa opisina ni Ms.Monica.Agad namang tumugon ang bantay na pulis at mga ilang saglit lang ay muli siyang bumalik dala ang waste basket pero wala na itong laman katunayan na tinanggalan na ito ng laman ng janitor na Naka assign doon at marahil ay itinapon narin iyon sa basurahan. " natatandaan ba ninyo kung ano ang nakasulat doon na mensahe? " tumango lamang ang magkaibigan.Nakiusap naman si monica na abutan siya ng kapirasong papel para doon niya isulat ang pahatid na mensahe ng killer. pumilas si inspector Calvin Pascual ng isang pahina ng kanyang notepad at iniabot iyon kay monica kasama ng isang sign pen. Isinulat nito ang kaparehong mensahe ng nagpapakilalang secret admirer ni Angelica. R.I.P. Name: Michael Olivarez Born : October 16, 2000 Died : February 14, 2023 Pagkabasa ni Detective Freda Parazo ng isinulat ni Monica ay nasabi niya sa sariling isa itong seryosong suliranin na May malaking kaugnayan sa dalawang magkaibigan. " sino maliban sa inyong dalawa ang nakakaalam sa second note na ito ng killer " si detective Calvin. " wala na po sir kami lang po ni Angelica " tugon naman ni monica na sinang ayunan naman ni Angelica. " ms. Angelica would you mind if I ask you something personal " hindi inaasahan ni Angelica ang tanong na iyon ni detective Freda. " yes mam go on " maikling tugon ng tinuran. " maliban kay Michael at Dexter mayroon ka pa bang ibang manliligaw na posible ring maging biktima sa mga susunod pang mga araw ? " maliwanag ang tanong na iyon kay Angelica at batid din ng dalaga na May punto ang tinuran na iyon ng detective. " ang totoo po ay tanging si Michael lang ang hayagang nanligaw sa akin while Dexter is not actually come into open,no courtship has been done though May mga times na nagpapalipad hangin but aside from them wala pa po akong kilala na puwede kong i-consider as suitor sir /mam " mahabang paliwanag ni Angelica. Makalipas pa ang ilang sandaling pagtatanong ay muling tinapos ng mga imbestigador ang kanilang panayam sa magkaibigan at pinayuhan sila ni detective Parazo at inspector Pascual na mag ingat ang mga ito dahil ang killer na nagpapakilala lamang sa pangalang secret admirer ay posibleng malapit lamang sa kanila at anumang oras ay maari itong umataki sa mga panahong hindi inaasahan.Sinabihan din sila na puwede sila magrequest ng bantay na pulis security sa kani kanilang tahanan kung kinakailangan,pero hindi pumayag ang magkaibigan at minabuting gawin nalang itong pribado.Idinagdag pa ng magkaibigan na ayaw nilang malaman ang bagay na iyon ng kanilang mga magulang sa kadahilanang baka magdulot ito ng matinding pangamba sa kanila.Binigyan naman sila ni Detective Parazo ng calling card.Pinayuhan pa sila ni detective Freda Parazo na anumang Bagay na maalaala nila na May kaugnayan sa kaso ay huwag silang mag atubili na ipaalam ito sa kanila sa lalong madaling panahon, na sinang ayunan naman ng dalawang magkaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD