Chapter 5 " THE LATE NEWS AND THE INQUIRY "

2985 Words
Sa sumunod na gabi ay muli na namang napuyat si Angelica dahil sa muli na namang pagsalakay ng kanyang parehong panaginip,ngunit sa pagkakataong iyon ay tila luminaw ng bahagya ang takbo ng kanyang panaginip at humaba pa ng husto na tila episode ng pelikula na muling nabuksan.Ang tila sirang cd sa bahagi ng kanyang panaginip noong nakaraang gabi ay mas luminaw,gayon man ay hindi parin niya matukoy kung sino ang dalawang bata na minsan sa kanyang malabong gunita ay kanya naring nakita. Bunga ng pagkapuyat ni Angelica ay tinanghali siya ng gising at pihadong mahuhuli siya ng halos isang oras sa pagpasok sa kanilang opisina.Gaya ng kanyang inaasahan ay tinawagan siya ni Monica upang alamin kung makakapasok siya sa trabaho.Napuna ni Angelica sa pananalita ng kaibigan na tila tensiyonado ito at nangangatal ang kanyang boses. " Angelica huwag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko " pigil ang hininga na pahayag ni monica. " ha ano ba yun monica,another bad news? " nagaalalang sabi naman ni Angelica.Pero hindi na nila nagawang ipagpatuloy ang kanilang usapan sa telepono ng May narinig na malalakas na busina si Angelica,napalitan na pala ng green light ang traffic sign hudyat yun na kailangan na niyang umusad. " Mamaya nalang tayo mag usap best malapit narin naman ako bye." ibinaba na ng tuluyan ni Angelica ang kanyang cellphone at ipinagpatuloy ang pagmamaneho papunta sa kanilang opisina. Pagsapit ni Angelica sa tapat ng building ng kanyang pinapasukang kumpanya ay kaagad niyang napansin ang lubhang maraming tao kabilang na ang mga nagkalat na mobile car at mga police,at kung hindi siya nagkakamali ay May mga Naka uniporme pa ng sa tingin niya ay mga social media. Nang makita siyang papasok sa opisina ni monica ay agad siya nitong nilapitan at mahigpit na hinawakan nito ang kanyang mga kamay. " monica ano ba ang nangyayari dito" naguguluhan na tanong ni Angelica. " si Dexter , natagpuang patay sa kanyang opisina." nangangatal na paliwanag ni monica.Nagimbal si Angelica sa kanyang narinig para itong malakas na bomba na inihagis sa kanyang harapan.Of all people si Dexter pa talaga,iyon ang sobrang nagpapayanig ngayon kay Angelica.Halos matimbuwang siya sa kanyang kinatatayuan mabuti nalang at maagap siyang hinawakan ni monica at agad siyang hinila nito palapit sa isang silya.Matapos siyang makaupo at mailapat niya ang kanyang likuran sa silya ay unti unting nanumbalik ang kanyang kamalayan.Napag Alaman din nila na hindi lang pala si Dexter ang natangpuang patay kundi kabilang din ang dalawang security guard at ang kanilang katawan ay huling na-recover ng mga pulis dahil sila'y itinago ng killer sa May sira at bakanteng banyo ( out of order ). " best alam mo ba na ang pagkamatay nila ay kahalintulad din ng pagpaslang kina Michael at Migs " lalong natakot si Angelica.Ganun na pala kaseryoso ang kanyang secret admirer.Muli na nanamang inaatake si Angelica ng pagkatulala at ng mapansin ni monica ang pag-iiba ng hitsura ni Angelica ay minabuti niyang huwag munang magkuwento ng mga bagay na nakaka stress sa kaibigan.Pinainum ni monica ng dala niyang mineral water ang kaibigan para mabawasan ang tensiyon nito.Hindi naman nalingid sa paningin ng isang tao na kanina pa sila pinagmamasdan.Unti unting lumapit sa kanila ang isang babaeng nakasuot ng uniporme ng pulis.Nakatayo sa harap nila ang isang babaeng pulis at kabilang din sa investigating team ng kaso ng sunod sunod na pagpatay sa mga empleyado ng M&M Job Placement Agency na si pulis detective Freda Parazo. Matapos siyang magpakilala ay kaagad silang inimbitahan sa isang pribadong silid kung saan naroon ang iba pa nilang kasamahan sa trabaho upang sila'y isa isang kuhanan ng pahayag bilang bahagi ng imbestigasyon. Sa loob ng isang pribadong silid na doon madalas ginaganap ang mga general meetings ng mga officers and staffs ng M&M JPAgency ay natipon ang ilan sa mga empleyado nito,at ang ibang nauna at maagang dumating sa tanggapan ay natapos narin ang kanilang pagsisiyasat sa kanila. Bawat isa ay kinukunan ng pahayag sa kung ano ang mga pangyayari na kanilang matatandaan bago ang pagkamatay ni Dexter at ng dalawa pang security guard na nakatalaga ng gabi ng Sabado. Sa preliminary investigation ng mga pulis,si Dexter at ang dalawa pang security guard ay pinaslang between 9:30 pm to 10:00 pm ng Sabado.Napag Alaman din ng mga investigating unit na ang sanhi ng kanilang kamatayan ay ang pagkaubos ng dugo sa kanilang katawan dulot ng tinamong mga saksak sa katawan gamit ang isang espesyal at hindi ordinaryong patalim na kung tawagin ng iba ay four edge dagger.Pinag aaralan din ng mga awtoridad ang posibleng paggamit ng salarin ng iba pang bagay katulad ng malakas na pampatulog kung kaya halos walang makitang struggle o panlalaban ng mga biktima.Ang dalawang security guard ay parehas na sinaksak ng salarin sa bahagi ng kanilang puso,the death is instantenous.Si Dexter naman ay sinaksak sa likod sa harap mismo ng kanyang computer. Nang tawagin naman ang pangalan ni monica na nasa listahan ng mga naroon ay kaagad namang tumayo ang dalaga at nagtungo sa kinaroroonan ni chief detective Freda Parazo kasama ang kanyang deputy sa isang lamesa.Sa maikling pagsusuri ni monica sa kaharap niyang detective ay kababakasan sa kanyang mukha ang focus nito sa trabaho,tuwid ito kung tumingin na halos hindi gaanong kumukurap.Nskasuot din ang detective ng eye wear na pabilog na parang kay detective Conan, sa tantiya ni monica ay May edad ang babaeng detective na hindi lalampas ng 40 years, tomboyish siyang tignan dahil sa medyo mascular nitong pangangatawan,ngunit kung susuriing mabuti ay May angkin itong ganda dahil sa matangos nitong ilong at deep seated nitong mga mata na parang pinaghalong Bombay or indian beauty. Morena ito at kapansin pansin ang makinis nitong kutis at makapal na pilit mata. " miss monica, puwede mo bang isalaysay sa amin kung anong oras mo huling nakita si Mr. Dexter Gonzales?" pambungad na tanong ni Detective Freda Parazo.Napakurap si Monica at nagpalipat lipat ang kanyang tingin sa nagsasalitang detective at sa kanyang deputy na May hawak na ballpen at papel na tila handang isulat lahat ng bawat salita na ibubuka ng kanyang bibig.Hindi niya akalain sa buong buhay niya ay mararanasan niya ang gayun,ang pakiramdam ng isa sa mga puwedeng ituring na suspek sa isang karumal dumal na krimen.Ng mapansin ng detective ang namumuong takot sa hitsura ni monica ay muli siyang nangusap para kampantehin ang dalaga. " I'm sorry ms. monica, but it's a part of our inquiry, everyone in this office should be questioned but dont worry we are not in the position to force you to talk, you have the right to remain silent,but..i suggest kung wala ka naman kailangang pagtakpan mas makabubuti sigurong sabihin mo rin ang iyong nalalaman.Perhaps somehow this interview with you might help us in solving this extra ordinary crime " malumanay na paliwanag ng detective.Muling marahang napapikit si monica at parang umiikot na electric fan na rumihistro ang lahat,nasa isipan niya ngayon ang tungkol sa red rose,sa RIP notes at pati narin ang tungkol kay Migs.Dumadagundong ang t***k ng kanyang puso subalit tanging siya lamang ang nakakarinig nito.Nagsusumamo ang kaibuturan ng kanyang puso na tila nagsasabi sa kanya na " sige monica sabihin mo na lahat ng nalalaman mo" pero gustong tumutol ng isip niya " huwag baka lalong magalit sayo si secret admirer".Nagtatalo ang dalawang parte ng kanyang katawan. " miss monica ayos ka lang ba?" marahang tinapik ng kanyang palad ang lamesa para gisingin ang tila naglalakbay na diwa nito.Bago siya tuluyang nakapag salita ay sumulyap muna siya sa kinauupuan ni Angelica kung saan ay nakatingin din ito sa kanya na parang Alalang ala at hindi rin mapakali. " huli ko Pong nakita si Dexter noong Sabado dito rin mam sa opisina " marahang tugon ni monica. " mga anong oras iyon miss monica ?" si detective Freda. " i think mga past five po iyon" si monica " please be specific ms. monica it is very important " " mga 5: 35 pm po, dahil bago po kami umuwi ay tumitingin muna po ako sa wall clock na nakasabit sa May reception desk." pagtitiyak ni monica. " So sa reception desk mo siya huling nakita tama ba ako" si detective Freda. " No, nakasalubong lang namin siya papunta sa kanyang opisina,halos magkadikit lang po mam ang office rooms namin." si monica,medyo kalmante na ito at nawala narin ang panginginig ng kanyang boses. " nabanggit mo na nasalubong ninyo siya, would you be specific kung sino ang kasama mo ng time na masalubong niyo si Mr. Dexter Gonzales?" usisa ng detective. " ang officemate ko po na si Angelica " Sinipat naman ng deputy ang listahan,nakalimbag doon ang pangalang Angelica Pangilinan na siya ring susunod nilang kakausapin.Nagkatinginan muna ang dalawang detective at saka ipinagpatuloy nito ang pagtatanong. " noong nakasalubong ninyo siya ni miss Pangilinan,mayroon ba kayong napansin na kakaiba sa kanya o sa paligid niyo or May nasabi ba siyang kakaiba i mean anything that struck your attention." saglit na nag isip si monica at inaalala ang bawat detalye ng araw na iyon. " wala naman po...maliban sa" saglit siyang natigilan at iniisip kong importante pa bang sabihin iyon. " maliban sa...awra ng mukha niya, noon ko lang siya nakitang sobrang saya at first time din siyang mag overtime sa trabaho" nagpalitan muli ng tingin ang dalawang detective. " Are you certain miss monica na first time niyang mag overtime " tumango lang si monica. " after those conversations with Dexter saan na kayo pumunta ni miss Pangilinan" si detective Freda.At isinalaysay niya ang paghihiwalay nila ni Angelica sa May parking lot,sinabi rin nito na hindi na siya nagpahatid kay Angelica sa kaniyang apartment at siya'y sumakay ng taxi at nagtungo sa Ayala mall at nag-shopping.Ngunit minabuti niyang huwag banggitin na nung time na yun ay nakita niya sa malls ding iyon ang magkasintahang Eathan at Migs.Naitanong din ng dalawang detective ang naging lakad niya ng nagdaang araw ng Linggo at sinabi nitong hindi siya umalis ng bahay ng buong maghapon sa araw ng Linggo. " One last question miss monica, anong oras ka nakauwi sa iyong apartment ?" isang simpleng tanong ngunit kung susuriin ay napaka significant. " mga alas onse na po ng gabi ako nakauwi" saad ng dalaga. " okay miss monica yan lang muna and we appreciate with your cooperation at umaasa kami na anumang oras na kakailanganin ka namin para sa karagdagang katanungan ay muli mo kaming pahihintulutan" nakangiting pahayag ni detective Freda Parazo. " makakaasa po kayo mam sir " magalang namang tugon ni monica.Muli siyang pumunta sa kinaroroonan ni Angelica.Bakas naman sa mukha ni Angelica ang kabalisahan ng tawagin ng isa pang inspector ang kanyang pangalan at iminuwestra na tumungo siya sa kinaroroonan ng dalawang detective. " please have a seat miss Angelica" bungad paanyaya ng detective nakangiti ito sa kanya at sa tingin ni Angelica ay matamang sinusuri siyang maigi ng babaeng detective.Dahan dahan namang umupo si Angelica bakas parin sa mukha nito ang hindi maikakailang pangamba. " any relation to Pangilinan Business Clans? " tila nahihiwatigan narin ni Angelica na May alam ang detective sa estado ng mga Pangilinan. " baka po nagtataka po kayo kung bakit ako namamasukan bilang ordinaryong empleyado despite the fact na May sarili ring pinapatakbong kumpanya ang papa ko but to be honest if you consider my plea i want to keep my own privacy it's nothing to do with the incident" Pormal na pahayag ni Angelica,tila bultahe ng kuryente na nagpainit sa kanya ang tanong na iyon na May kaugnayan sa mga Pangilinan. " I'm sorry miss Pangilinan but i have no intention to invade your privacy" pagpa paumanhin ng detective saka muling nagtanong. " well miss Pangilinan as you all know,this incident has to do with some of your suitors tama ba ako?" direktang tanong ni detective Freda.Tiningnan siya ni Angelica sa mata pero naroon ang pag amin nito sa kanyang mga tingin. " yes tama po kayo mam , yan din po ang pagkaka analyze ko." may katapatang sagot ni Angelica. " but of course not in the case of the two security guards at sa isa pang kasamahan ninyo na nag nganga lang Migs." dugtong pa ng detective. " pero dahil sila ay parehas na nagtatrabaho sa iisang kumpanya ay masasabi kong May kaugnayan ito sa krimen tama ba ako miss Pangilinan?" tumango lang si Angelica. " now miss Pangilinan my point here is...who among of your friends around you na naiisip mo na posibleng May kagagawan nito any idea?" napapailing lamang si Angelica na katunayang wala siyang idea bahagya man. " Nang pinaslang si mr.michael ,puwede mo bang isalaysay sa amin kung anong nangyari sa inyo bago ang insidente?" hindi na ikinagulat ni Angelica ang mga linya ng pagtatanong na iyon ni detective Freda.Batid ni Angelica na bago paman ang pagkakapaslang kay Dexter ay nagkaroon na siya ng bukod na investigation ukol sa pangyayari kay Michael.Alam ni Angelica na ibang uri ng detective ang kaharap niya,hindi ito basta basta at Naka focus ito sa bawat detalye ng kaso.Sinabi nito ang tungkol sa pagi invite ng binata noong nagdaang Valentine's day ngunit hindi pumayag ang kanyang parents. " marahil ay nabalitaan niyo po ang tungkol sa pagiging malapit namin ni Michael at maging ni Dexter pero ikinalulungkot kong sabihin na wala akong idea kung sino ang nasa likod nito bagamat naniniwala din ako sir /mam na there is a connection between the two incidents of killing pero kung papaano ay yun ang hindi ko po alam,pero nakahanda po akong tumulong sa paglutas sa kaso." mahabang pahayag ni Angelica,tuluyan ng nawala ang pangamba sa kanyang dibdib mas nangingibabaw ngayon ang pagnanais niyang makatulong sa paglutas sa kaso na itinuturing din niyang May kaugnayan sa kanya. " just for clarification miss Pangilinan, ng masalubong niyo si Dexter kasama ni monica ano ang napansin mo sa kanya?" tanong naman ng deputy inspector na tila gustong tiyakin kung pareho ba sila ng obserbasyon ng kanyang kaibigang si monica. " just the same Dexter that i knew, palangiti but nothing special " direktang sagot ni Angelica. " just for clarification again Angelica and please be specific , is it true na first time lang mag overtime ni Dexter sa trabaho" saglit munang nag isip si Angelica at pagdakay sinabi nito na hindi siya sigurado. " who ordered him na mag over time miss Pangilinan?" " our boss of course,yun ang narinig ko buhat sa kanya na May ipina pa rush sa kanya na kailangan niyang tapusin" paliwanag naman ni Angelica. " May i know who is this boss that ordered Dexter na mag overtime?" si detective Freda. " our head department Mr. Darwin Mercado " sagot naman ng dalaga. " any idea kung ano ang ipinapagawa sa kanya ni Mr.Mercado? " marahang iling lamang ang itinugon ni Angelica. " one last question miss Pangilinan, noong maghiwalay kayo ni monica sa May parking lot ,saan ka nagpunta pagkatapos at anong oras ka nakauwi sa inyo?" matalino si Angelica at alam niya sa line of inquiry ng detective ay hindi siya ganun kadaling maniwala sa kahit anong testimonya.Batid niyang bawat sagot niya sa bawat tanong ay kailangang May ebidensya.Sinabi niya ang buong detalye na kanyang natatandaan,mula sa pagpunta niya sa parlor shop para magpagupit at pagdaan niya sa Pharmacy para bumili ng gamot sa p*******t ng kanyang ulo at pamimili niya ng prutas sa May talipapa na malapit sa kanila at hanggang sa pag uwi niya sa bahay.Nailahad din niya ang kanyang naging pagkilos ng buong araw ng Linggo ngunit minabuti niyang huwag munang ipaalam sa detective ang tungkol sa pagkakakilala nila ni Piolo Beltran.Nagtatalo ang kanyang kalooban,ayaw niyang idamay sa usapin ang isang inosenteng tao.Pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroon parin ang pangamba na baka posibleng May mangyari ding masama sa Binata. " anything that you might add miss Pangilinan?" panghuling sabi ni detective Freda ngunit ng marahang umiling ang dalaga ay pansamantalang tinapos ng mga ito ang pakikipag usap nila sa kanya. Isinunod na tinawag ang head department na humahawak kina Dexter at iba pang kasamahan nila na walang iba kundi si Mr. Darwin Mercado. Gaya ng isinagawang routine investigation ay walang malinaw na tugon na maaring makapagturo o lead sa posibleng pagpaslang kay Dexter at maging kay Michael. Ngunit ang lubhang nakatawag ng pansin sa dalawang detective ay ang hindi pagtugma sa pahayag ng magkaibigang monica at Angelica tungkol sa overtime. " are you sure Mr. Mercado ? " mariing tanong sa kanya ni detective Freda sa pahayag nito na itinatanggi niyang siya ang nag utos na mag overtime si Dexter at ang katibayang wala siyang kinalaman sa anumang overtime na umano'y ipinag uutos niya ay ang mga files na isinubmit ni Michael noon pang isang araw kompleto raw ito at walang labis walang kulang. " kung hindi po kayo naniniwala ay puwede niyong tignan sa aking mga files na isinumite niya sa akin the day before that he was killed, it was completed ahead of time." kumpiyansang salaysay ni Mr. Mercado.Nag iwan ng matinding palaisipan sa dalawang detective ang tungkol sa pag oover time ni Dexter sa trabaho.Natapos nilang kuhanan ng pahayag ang lahat ng mga naroon kabilang na ang May ari ng kumpanya at mga matataas na opisyal ng ahensiya pero lahat sila ay nagsasabing hindi nila inutusan na mag over time si Dexter at bawat isa sa mga naroon ay nagsasabing wala silang kinalaman sa pagkamatay ni Dexter at ng dalawang security guard. Nang isa isa ng inilalabas ang mga bangkay ng mga biktima ay lalong dumami ang mga taong nagkumpulan,naroon din ang ilang reporter na gustong makakuha ng bagong kaganapan at nag uunahang gustong kunan ng pahayag ang dalawang detective na siyang humahawak ng kaso.Pansamantalang sinuspinde ng Lokal ng pamahalaan ng Makati City ang operasyon ng M&M Job placement Agency hanggat isinusulong ang imbestigasyon ngunit nangako naman ang pamunuang lokal na papayagan din nilang makapag operate muli ang nasabing ahensya sa oras na matukoy ang sanhi ng malagim na krimen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD