Nagising si Angelica sa kalagitnaan ng gabi.Minsan na namang sumalakay ang kanyang mga naunang panaginip.Iyon ang pang apat na pagkakataon na pumasok iyon sa kanyang panaginip,ngunit parati itong napuputol.Sa kanyang panaginip ay May dalawang bata na tila nagbabangayan,isang batang lalaki at isang batang babae.Pamilyar na sa kanya ang mga batang iyon maging ang lugar kung saan niya nakita ang mga ito,subalit hindi niya ito lubusang maalala.Patay sindi iyon sa kanyang panaginip at ang huling eksena bago siya tuluyang nagising ay niyayakap ng batang lalaki ang batang babae dahil sa pinag aagawan nilang mga laruan at ang mga sumunod na eksena ay para nang sirang cd na hindi na gasinong malinaw.
Bumangon si Angelica sa kanyang kama at nagpasyang tumungo sa May kitchen upang maka inom ng malamig na tubig sa May ref. at pagkatapos ay dahan dahan siyang nagtungo sa May terrace upang makalanghap ng sariwang hangin sa labas.Sa ilang sandali niyang pamamalagi doon ay naaninaw niya ang isang anino na nakatayo malapit sa May harapan ng kanilang gate,pinanlakihan siya ng mata ng napagmasdan niyang mabuti ang nilalang na iyon.Naka all black at Naka sumbrero ito ng itim.Nahintakutan si Angelica lalo na ng biglang kumaway sa kanya ang nilalang na iyon na walang iba kundi si secret admirer.
Hindi natagalan ni Angelica na pagmasdan ang taong iyon na animoy buhat sa kailaliman ng kumunoy ng kamatayan at pakiramdam niya ay para siyang hinihipnutismo ng salarin.Dagling tumungo si Angelica sa kanyang silid at saka ipininid ang pinto,nanginginig ang kanyang buong katawan sa takot gusto sana niyang gisingin at ipaalam sa kanyang papa ang nakita niya sa may harapan ng gate pero nagdadalawang isip siya.Pinilit na lamang niyang makatulog subalit parating nagsusumiksik sa kanyang isipan ang hitsura ng nilalang na iyon sa May gate,naitanong pa ni Angelica sa kanyang sarili kung siya na nga kaya ang secret admirer niya.Tumagal pa ng halos dalawang oras na siya'y nakamulat bago siya tuluyang iginupo ng antok.
Nagising si Angelica dahil sa tuloy tuloy na pag ri ring ng kanyang cellphone.Napag Alaman ng dalaga na mag aalas sais na ng umaga.Dinampot niya ang cellphone para sagutin ang tawag.
" Hello? " si monica ang nasa kabilang linya.
" hello angel sorry kung nagising kita pero alam mo na ba? " si monica na May himig ng pag-aalala
" ang alin monica? May masama na naman bang balita? " naguguluhang tanong ni Angelica.Nagpaliwanag naman si monica.
" what ? si Migs pinatay ? where and when " na shock si Angelica sa ibinalitang iyon ng kaibigan
" sa loob ng sinehan Angelica ,ngayon ko lang napanood sa tv ,ang replay footage ng investigation sa sinapit ni Migs ,natatakot na ako i need to talk to you , usap tayo mamaya marami akong gustong sabihin sayo Angelica" May káhabaang paliwanag ni monica.
" okay monica mag usap nalang tayo mamaya ...bye " tinapos na ng magkaibigan ang kanilang usapan.Nagmamadali namang naligo si Angelica at pagkatapos magbihis ay agad na bumaba, gising narin ang kanyang papa at si Samantha at kasalukuyang nagkakape.
" good morning papa, good morning tita Samantha at magandang araw din sa inyo aling Ising at kuya Berting " magalang na bati sa kanila ni Angelica.
" papa i have to go ma Le late na ako sa trabaho doon nalang ako sa canteen maga almusal "
" office? Sunday ngayon honey May pasok parin ba kayo kahit Linggo? " nagtatakang tanong sa kanya ni Mr.Pangilinan.Pinamulahan ng pisngi si Angelica sa kanyang narinig,hindi niya naalalang Sunday pala at wala silang pasok.Nag isip ng ipapalusot ang dalaga para hindi siya mapahiya.
" May ni ra rush kasi kaming trabaho pap a at kailangan naming tapusin iyon ngayong araw na ito kailangan na kc itong isubmit by Monday,dont worry hindi ako magpapagutom papa " pagdadahilan ng dalaga.
" ganoon ba eh anong oras ka makakauwi?" paninigurado ng kanyang papa na halatang nagaalala sa kanyang unica ija.Kung siya lang kc ang masusunod ay ayaw na niya na magpaka hirap pa sa pagtatrabaho ang kanyang nag-iisang anak na babae dahil kaya naman niyang buhayin ito,at ang totoo ay binibigyan pa niya si Angelica ng bank card na naglalaman ng mahigit sa isang milyon pero hindi niya ito ginagamit,at sinabing gusto niyang paghirapan ang gagastusin niya para sa kanyang sarili bagamat hindi naman niya nire reject ang tulong na bigay sa kanya ng kanyang papa.
" Hindi ko sigurado papa kung anong oras po ako makakauwi nakadepende po iyon kúng anong oras matatapos ang trabaho namin" pagsisinungaling ni Angelica.Hindi na hinintay ni Angelica na makapag salita pa ang kanyang papa para hindi na humaba pa ang kanilang usapan.Dumiretso siya sa garahe kung saan Naka park ang kanyang sasakyan plano niyang puntahan nalang si monica at doon gugulin ang kanyang buong maghapon.Agad din niyang tinawagan ang kaibigan at ipinaalam ang kanyang nakatakdang pagbisita doon at saglit na nagkatawang pa ang dalawa ng sabihin ni Angelica ang naging usapan nila ng kanyang papa.
" sorry best friend akala ko kc ay Saturday palang ngayon ito na yata ang epekto ng pagiging workaholics natin"
natatawang nasabi ni Angelica.
" mas mabuti siguro na pumunta kana dito at dito nalang tayo mag usap ng personal,I'm sure hindi ka pa Nag almusal dito ka nalang mag breakfast meron ditong pandesal alam kong paborito mo rin ito." paanyaya ni monica sa kaibigan.
" okay papunta na ako diyan...bye " wala pang kalahating oras ay nakasapit na si Angelica sa inuupahang apartment ni monica.Solong katawan si monica dahil ang kanyang pamilya ay nasa Cebu.Simula kc ng mag hiwalay ang kanyang mga magulang ay nasanay na siyang mamuhay ng mag isa.Twice a year na lamang siyang nakakapasyal sa kanyang ina sa Cebu at ang kaniyang ama naman ay naninirahan na sa ibang bansa kasama ng kanyang bagong pamilya.
Sinalubong siya kaagad ni monica at matapos i-park ang kanyang kotse ay magkahawak kamay pa silang nagtungo sa May likod ng apartment kung saan naroon ang isang maliit na kubo na yari sa nipa hut na doon madalas tumambay si monica para mag almusal.Nakasanayan narin ni Angelica sa lugar na iyon dahil dito siya madalas pumunta sa tuwing siya ay nalulungkot at gusto niyang May kausap.
Pinagsaluhan nila ang inihandang simpleng almusal ni monica, black coffee at hot pandesal at scrambled egg na alam niyang paborito rin ng kanyang bisita. Panatag ang loob ni Angelica sa tuwing siya ay pumaparoon palibhasa'y wala siyang kapatid na babae kung kaya't nawiwili siyang kasama ang kaibigan.Sa kabilang banda naman ay iyon din ang nagustuhan ni monica kay Angelica dahil natural ito at walang kaarte arte sa katawan very simple kung manamit at umasta maski alam din niya na kabilang din siya sa pamilyang nakaririwasa sa buhay.Kapansin pansin din kay Angelica ang pagiging kuwela nito sa tuwing sila ay naguusap tawa lang sila ng tawa sa mga maliliit na bagay na kanilang mapatripan pag usapan.Kung titignan mabuti si Angelica ay wala sa hitsura niya ang pagiging ganoon at kung hindi mo siya kakilala ay aakalain mong isa siyang anak mayaman na nagkukunwaring mahirap na napipilitang kumain ng pandesal at kung ano ano pang street foods.Ganun siya kahusay makisama.
Ramdam din ni Angelica kung gaano ka loyal sa kanya si monica siya ang tumatayong abogado at tagapagtanggol niya sa tuwing May gustong umapi sa kanya.Iyon marahil ang isang malaking factor kung bakit sila naging malapit sa isa't isa.
" diba sabi mo marami kang gustong sabihin? " pambungad na tanong ni Angelica matapos ubusin ang kape na ibinigay sa kanya ng kaibigan.
" oo Angelica ,hindi ko nga alam kung alin ang aking uunahin. But you know,I'm so scared this past few days.Nagsimula ito sa natagpuan kong bulaklak na May kasamang maliit na card na inilagay sa ibabaw ng cpu sa aking opisina" mahabang litanya ni monica.
" pareho rin pala tayo ng iniisip monica " saad naman ni Angelica.
" iniisip mo rin ba na ang pumatay kay Michael ay ang secret admirer mo? " tumango si Angelica
" eto pa Angelica,alam mo bang ang paraan ng pagkamatay ni Michael ay halos May similarity sa pagkakapaslang kay Migs? " paliwanag ni monica
" what do you mean? ibig mo bang sabihin na iisang tao lang ang May gawa? "
" exactly, at iyon bale ang lumalabas sa findings base ito sa interview na napanood ko sa tv....at eto pa alam mo bang noong araw na paslangin si Migs ay nakita ko pa sila mismo ni Eathan na magkasama silang pumasok sa sinehan kung saan siya natagpuang wala ng buhay." mahabang salaysay ni monica.
" ganun ba eh si Eathan nasaan na siya ngayon? i hope walang nangyaring masama sa kanya."
" about Eathan,hayun under investigation siya ngayon "
" ha May kinalaman ba siya sa pagkamatay ng girlfriend niya?"
" ewan ko,basta base sa napag Alaman ko ayon sa mga balita ay si Eathan daw ang huling nakita sa scene of the crime at naaktuhan daw ng isang nagro roving na security guard na Naka post sa balcony na hawak hawak daw ni Eathan si Migs at siya ay duguan pero depensa naman ni Michael na wala siyang kinalaman sa mga pangyayari dahil pumunta daw siya umano sa CR at ng bumalik siya ay patay na si Migs at nataon na bago siya makatawag ng tulong ay nakita siya ng security guard sa gayong sitwasyon" mahabang salaysay ni monica
" hindi naman siguro magagawa iyon ni Eathan ,alam kong mahal na mahal niya si Migs noon paman." pagtitiyak ni Angelica na sinang ayunan naman ni monica.Saglit na katahimikan.
" pero alam mo Angelica malakas ang kutob na ang May kagagawan ng pagpaslang kay Michael ay May kaugnayan din talaga sa pagkakapaslang kay Migs,i dont want to believed na coinsidence lang ang nangyari na pareho sila ng sinapit, at ayon sa isang imbestigador ay iisa rin ang ginamit sa pagpatay. isang four edge dagger." pahayag ni monica.
" monik?..iniisip mo rin ba na kaya pinatay si Migs ay dahil sa pag angkin niya sa bulaklak na ibinigay sa akin ng secret admirer ko" tango lang ang itinugon ni monica.
" at wala rin akong ibang nakikitang rason maliban doon" dagdag pa ni monica.Nangilabot ng husto si Angelica sa sinabi ng kaibigan lalo na ng maalala niya ang nakita niya kagabi na walang iba kundi si black stranger sa harapan ng kanilang gate sa kalagitnaan ng gabi at kumaway pa ito sa kanya.Nabanggit niya ito kay monica at gayon na lamang ang pagkasindak ng kaibigan.
" Diyos ko naman,nakakatakot naman ang sinasabi mo Angelica hindi ka ba nagbibiro? " nahawakan pa ni monica ang kanyang dibdib dahil sa matinding nerbiyos.
" yeah it's true monica,nakita ko siya with my very eyes,nakasuot siya ng parang blazer na itim at itim din na pantalon,nakasumbrero din siya ng parang sa cowboy at ang lalong nagpagimbal sa akin ay ng kawayan niya ako na animoy para niya akong hinihipnutismo " seryosong pahayag ni Angelica.
" shocks bestfriend siya na nga ang secret admirer mo pero bakit niya ginagawa iyon bakit siya pumapatay ng tao." nahintakutan tanong ni monica.
" ewan ko monica pero base sa mga nabasa ko sa mga libro ay gawain ito ng mga physiological killer at kung sino man siya ay kailangan ko siyang harapin and you know monica? somehow parang kilala ko siya at parang namumukhaan ko siya hindi ko lang matandaan kung saan at kung kailan." parang nananaginip na nasabi ni Angelica na pansamantalang nakatingin sa kawalan.Lalo namang nahintakutan si monica pagkarinig sa mga sinabi ng kaibigan.
" OMG, natatakot na talaga ako Angelica,baka...baka ako na ang isunod niya kay Migs.Baka naiinis at nagseselos siya sa mga malalapit sayo.baka obsessed na siya sayo,remember si Michael masugid mong manliligaw at hindi ako magtataka na isang araw ay mabalitaan nalang natin na patay narin si Dexter diba isa rin siya sa mga nanliligaw sayo Angelica" tuloy tuloy na paliwanag ni monica.
" Sana naman ay hindi magkatotoo ang mga iniisip mo monica dahil baka pag nagkataon ay dumating ang point na sisihin ko ang sarili ko sa mga pangyayari" Mahinahong saad ni Angelica.
Muli ay isang nakabibinging katahimikan Nagtagal iyon ng ilang minuto ngunit muling binasag ni Monica ang nakabibinging katahimikan.Pinilit niyang ibahin ang tema ng kanilang usapan,naisip niya na kahit papano ay bisita niya si Angelica at marapat lamang na siya ang magpakita ng pagiging mahinahon,nais niyang paglubagin ang tensiyon sa pagitan nilang magkaibigan at ng makahanap siya ng paraan ay agad na nabago ang ihip ng hangin.
" Teka ...kanina ko pa ito gustong pansinin eh, May nabago yata sa hitsura mo " na ang tinutukoy ni monica ay ang new hair style ni Angelica.Sapat na iyon para mapangiti rin ang kaibigan.
" pangit ba?" ungkat nito kay monica.
" well bagay na bagay nga sayo eh saan ka ba nagpagupit " masuyong hinagod ng tingin ni monica ang bagong awra ng kaibigan.
" doon lang sa parlor shop ng mga bakla sa May bangketa " nakangiting sabi ni Angelica.
" talaga? akala ko sa isang mamahaling saloon,wow okay ang hair style na napili mo bestfriend,bumagay talaga sa shape ng mukha mo mas lalo kang naging eleganteng tignan." sincere na pahayag ni monica.
" parang gusto ko rin ng ganyan best" May pagka-kengkoy na saad ni monica.
" Huwag na! gaya gaya ka na naman eh , mas bagay sayo ang mahabang buhok noh " Naka tawang sabi naman ni Angelica.
Pansamantalang nawaglit sa isipan nila ang takot at pangamba sa mga sunod sunod na pangyayari na tila May kaugnayan sa kanila.Nagkaroon ang mga ito ng pagkakataon na mapag usapan ang mga bagay bagay.Natalakay din nila sa unang pagkakataon ang tungkol sa Pag ibig.Sa tinagal tagal kasi ng kanilang pagiging magkaibigan (almost a year ) ay never pa nilang natalakay ang ukol sa love,palibhasa ay pareho silang abala sa trabaho.Ngunit sa pagkakataong iyon ay ewan nila kung pano ito napasok sa usapan basta para nalang topic ito na sumulpot sa kanilang kalagitnaan.Isang paksa na dati ay kapwa nila iniiwasang buksan.Si monica ang unang nag kumento ukol doon at sa pagkakataong iyon ay halatang game din si Angelica para talakayin ang bagay na iyon.
" ikaw Angelica, naranasan mo na bang ma in-love? i mean sa isang opposite s*x ?" seryosong tanong ni monica na tila gusto nitong alamin ang iba pang bagay sa kaniyang kaibigan.
" I don't know the answer to that question monica dahil never pa akong nagka boyfriend " walang paligoy ligoy na sagot ni Angelica.
" well imposible bang ma in-love ang isang tao kahit hindi pa sila mag on ? "
usisa ni monica na hindi inaalis ang tingin niya kay Angelica.
" well hindi ko parin alam ang eksaktong sagot sa tanong mo pero puwede bang ako naman ang magtanong sayo monica." iyon ang paraan na naisip ni Angelica para makaiwas siya sa mas matindi pang tanong buhat sa kaibigan.Humanda naman si monica sa anumang tanong na ibabato sa kanya.
" monica ano ba ang love para sayo? how do you define it?" nag isip muna pansamantala si monica bago ito nagbigay ng komento.
" Diba sabi nila pag love mo ang isang tao or if you are truly in-love , you are willing to sacrifice anything in this world ,kahit buhay mo pa ang kapalit, pag in-love ka sabi nila nagiging selfless ka kc ang mas priority mo ay ang taong mahal mo." nakangiting pahayag ni monica.
" well kung ganyan ang definition mo sa love at in-love masasabi kong ...na inlove narin pala ako " masayang pahayag naman ni Angelica.
" totoo ? to whom ? kilala ko ba siya? " sunod sunod na tanong ni monica na sobrang na excite sa tinurang iyon ng kaibigan.
" secret " sagot naman ni Angelica.
" sino kamo? si secret admirer mo ? " Hindi sinasadyang masabi iyon ni monica at pinamulahan sa pisngi si Angelica hindi niya inaasahang isisingit iyon ni monica sa kanilang masaya na sanang usapan.Napansin kaagad ni monica ang pag iiba ng hitsura ng kaibigan.
" opps I'm so sorry I didn't mean to do it " si monica.
" it's okay " mahinang tugon ni angelica.napakagat naman sa labi si monica at Sising sisi kung bakit kc bigla na lamang niyang nabitawan ang salitang iyon pero batid niya sa sariling hindi niya iyon intensiyong gawin.Gusto niya sanang gumawa ng paraan para maibalik sana ang nasimulan nilang masayang usapan ngunit hindi na niya iyon magawa pa.
" i have to go monica, thanks for the breakfast, magkita nalang tayo bukas sa opisina." hindi naman tumutol pa si monica,alam narin niya at kabisado ang ugali ng kaibigan kapag ganoon na ang himig ng kanyang pananalita,batid niyang hudyat na iyon na gusto muna niyang mapag isa.
Inihatid siya ni monica sa May gate at matapos silang mag beso beso ay tuluyan nang umalis si Angelica.Sakay ng kanyang kotse ay naisipan niyang dumaan muna sa Manila De Bay kung saan pinaslang si Michael.Naipasya niyang puntahan ang lugar upang makita kung saan pinaslang ang isa sa kanyang masugid na manliligaw. Ewan niya kung bakit bigla na lamang pumasok sa kanyang isipan ang kagustuhan niyang makatulong sa paglutas sa kaso ng pagpaslang kay Michael.Feeling niya ay responsable siya sa pagkamatay ng binata at kung hindi dahil sa kanya ay hindi sana siya papatayin ng kanyang secret admirer at stalker.
Ipinark niya ang kanyang kotse kung saan diumano nangyari ang karumal dumal na krimen at doon natagpuan ang kotse ni Michael.Dagli siyang bumaba ng kotse at naglakad lakad na animoy detective na naghahanap ng mga ibidensiya.Naiimagine niya ang tire mark na visible paring nakikita sa May buhanginan ay pag aari ng kotse ni Michael Muli niyang inihakbang ang kanyang mga Paa sa ibang direksyon at napako ang kanyang mga mata sa tatlong lata ng beer in can na medyo yupi at nahinuha niya na iyon marahil ay nagmula din kay Michael.Sa isipan ni Angelica ang pangyayaring ito ay nag ugat noong gabing susunduin sana siya ng binata para sa isang Valentine's date pero dahil hindi pumayag ang kanyang papa ay minabuti ng binata na mag tungo sa Manila de bay at dito siya namalagi habang umiinom ng alak,napapikit si Angelica at ini-imagine ang mga posibleng nangyari.Pagmulat muli ng kanyang mga mata ay napansin niyang tila May isang tao na nagmamatyag sa kanya sa di kalayuan.
Naka park ang isang kotse na kulay pula at Naka sandal doon ang isang lalaki habang nakatingin sa direksyon kung saan naroon naman si Angelica.Mga ilang sandali pa ay napansin ni Angelica na humakbang ang lalaki palapit sa kanyang kinaroroonan.Hindi maiwasang tignan ni Angelica ang pustura ng papalapit sa kanyang lalaki at sa maikli nitong pagsusuri ay may taas ang lalaki na 5feet 7 inches at mas matangkad lang sa kanya ng tatlong pulgada.Nakasuot din ang lalaki ng long sleeve na kulay navy blue na tinupi niya hanggang siko,Naka slacks,Naka black na leather shoes at naka suot ng shades na hindi gaanong dark.Sa kabuuan ay mukha itong professional at hindi rin maikakailang guwapo ang binata.
Nag iba ng direksiyon ng tingin si Angelica ayaw niyang mag insinuate ng mga bagay bagay dahil sa loob loob niya ay hindi naman siya pumunta sa lugar na iyon para makipagkilala sa sinuman.Akmang tatalikod sana si Angelica para pumunta sa kanyang sasakyan ng pigilan siya ng lalaki.
" wait miss sandali wag ka munang umalis hindi naman ako masamang tao " pahayag ng lalaki.Nanatili naman si Angelica sa kanyang kinatatayuan pero minabuting huwag muna siyang magsalita.Bago muling mangusap ang binata ay tinanggal muna niya ang kanyang suot na shades at saglit na nagtama ang kanilang paningin ngunit binawi kaagad iyon ng bawat isa sa kanila.
" I'm sorry miss kung naistorbo kita sa iyong pag iisa,by the way if you don't mind gusto ko lang sanang makilala ka" halata sa tinig ng lalaki na medyo nahihiya ito sa kaharap niyang magandang dalaga.
" ako nga pala si Piolo, Piolo Beltran." pagpapakilala nito sa kanyang sarili pero pinili niyang huwag iabot ang kanyang kamay para hindi siya magmukhang kampante o presko ang dating.Pero siya ang nasurpresa ng hindi niya inaasahang ilahad ni Angelica ang kanyang kamay.
" ako naman si Angelica,Angelica Pangilinan" nagpang abot ang kanilang palad,saglit lang iyon pero sa kaibuturan ng puso ni Piolo ay noon lang siya ulet nakaramdam ng kakaibang kuryente,kay init ng palad ni Angelica at para siyang na bato balani ng mga sandaling iyon.Si Angelica ang unang bumitaw sa kanilang pagdadaupang palad at gayon na lamang ang pagkapahiyang naramdaman ng binata sa kaharap ng dalaga.
" ikinagagalak kong makilala ka Angelica" saad ni Piolo.Isang matamis na ngiti naman ang itinugon ni Angelica.
" madalas ka bang pumunta dito? " si Piolo,pilit na kina kalmante ang sarili at nangangambang baka mabored sa kanya ang dalaga.
" not so often" tipid na sagot nito.
very considerate naman si angelica ayaw din niya na maging awkward ang sitwasyon sa pagitan nilang dalawa kaya ginusto rin niyang i entertain ang binata dahil sa tingin naman niya ay mabait naman ito at gentleman.
" ikaw anong ginagawa mo dito? " si angelíca
" gusto ko lang sanang makita ang dagat,kung hindi mo naitatanong lumaki ako sa probinsiya kung saan napapaligiran ang lugar namin ng tubig,namimiss ko yung dati kaya naisipan kong pumunta dito hanggang sa mapansin ko na hindi pala ako nag iisa sa lugar na ito" paliwanag ng binata na medyo kampante na sa pagsasalita.
" ikaw Angelica what makes you come in here?" usisa ng binata,minabuti namang huwag sabihin ng dalaga ang talagang dahilan ng pagpunta niya doon.
" May isang bagay kc akong wini wish sa dagat kaso dumating ka kaya hindi ko na itinuloy" pagsisinungaling ni Angelica
" Napatawa ng May kalakasan si Piolo pagkarinig sa tinuran ng dalaga" napansin ni Angelica na May dalawang dimples si Piolo sa kanyang magkabilang pisngi na nahahawig pa kay aga mulach noong kabataan niya.Napansin ni Piolo na tinititigan siya ng dalaga kaya't lalo pa itong ngumiti ng ubod tamis na parang nagpapacute na teenager sa harapan ng kanyang crush.Sa mga ilang minuto nilang paguusap ay naging kampante na sila sa isa't isa.Marami pa silang napag usapan tungkol sa iba pang mga bagay katulad ng kung ano ang kanilang trabaho at kung saan sila nakatira.Mga ilang sandali pa ay nagyaya si Piolo kay Angelica para kumain at dahil sa pandesal lang ang kanyang naging almusal kanina ay pumayag ito.
" saan mo gustong kumain Angelica?" masuyong tanong ng binata.
" May alam ako... kaso baka ayaw mo doon?" nakatawang sabi ni Angelica
" anywhere you want ,at dahil ako ang nag invite sagot ko lahat sky is the limit"
nakatawa ring sabi ni Piolo,hindi maitatatwa sa kanyang mga mata ang kasiyahan na kasama niya ang dalaga.
" talaga kahit saan? " itinaas pa ni Piolo ang kanyang kamay sign na ipinauubaya niya dalaga ang lahat.
" sige po sir sumakay kana po sa kotse ko at ihahatid po kita sa kinaroroonan ng kotse mo at sumunod kana lang sakin"
pakenkoy na sabi ni Angelica.Mga ilang sandali pa ay umalis na sila sa Manila de bay at pumunta ang mga ito sa isang bahagi ng mataong lugar na hindi gaanong malayo sa Manila de bay nakasunod naman si Piolo sa kanya.
Napalunok si Piolo sa harap ng mga pagkaing inorder ni Angelica sa isang street food chain na May karatulang TSIBUGAN SARI SARI...
" oh hayan kain na tayo " nakangiting sabi ni Angelica,sabay kinuha nito ang isang stick ng inihaw na bituka ng manok.Umorder ng sangkaterbang pagkain si Angelica na kadalasang makikita lang sa mga kanto at lansangan kabilang na ang fish balls,kikiam,tokneneng,kwek kwek at ulo ng manok,umorder din siya ng dalawang baso ng palamig.
" madalas ka rin ba dito? " May kalakasang tanong ni piolo para marinig siya ng dalaga dahil lubhang maraming tao ang padaan daan at bumibili.
" hindi naman masyado pero na miss ko ito,ikaw hindi ka ba kumakain ng ganito? " sabay turo nito sa isang tusok ng kwek kwek.Napilitang kumuha si Piolo ng isang pirasong stick ng tokneneng,isa itong itlog ng pugo na bínalot ng harina na dinagdagan ng pampalasa at prinito sa kumukulong mantika.
" masarap diba? mura pa!" si Angelica habang nilalantakan ang isang stick ng tinatawag na dynamite.
Sa totoo lang ay hindi kumakain ng ganoon si Piolo ngunit sa kagustuhan niyang pagbigyan si Angelica ay sinubukan niyang lahat na kainin ang mga pagkaing dati niyang iniiwasan.Palibhasa ay lumaki ito sa isang disiplinadong pamilya at kabilinbilinan ng kanyang mga magulang na huwag siyang kumain ng mga junk foods lalo na ang mga naglipa ng street foods na maari daw pagmulan ng sakit.
First time niyang kumain ng mga gayong pagkain aminin man niya o hindi ay nagustuhan din niya ito at nag enjoy siya ng husto habang kasama niya si Angelica na masayang nakangiti habang tinitignan siyang nilalantakan ang kahuli hulihang ulo ng inihaw na manok.
Matapos silang kumain ay si Piolo naman ang humiling kay Angelica na manlibre siya ng dessert,hindi KC pumayag si Angelica na bayaran ni Piolo ang kinain nilang sangkaterbang street foods.Pumayag naman si Angelica sa kahilingan ng binata dinala siya nito sa isang ice cream parlor.Nasa loob na sila ng establishment ng magsalita muli si Piolo at iabot kay Angelica ang menu.
" pili kana ng flavor na gusto mo Angelica" banayad na sabi ng binata.
" kahit na ano ikaw na ang pumili para sa akin huwag lang ang mga May berry"
sagot naman ni Angelica,napangiti ng maluwang si Piolo sa tinuran ni Angelica na berry.
" actually i hate berries too" maikling saad ni Piolo na ang tinukoy ay strawberry at blue berry flavors.
" what about this one " tinuturo ni Piolo ang rocky road at cookies and cream.Nag thumbs up lang si Angelica sign na pasok yun sa kanyang panlasa.
Masaya nilang pinagsaluhan ang ice cream na kanilang inorder habang nagkukuwentuhan.Ngunit saglit na napigilan si Angelica ng mula sa sulok ng kanyang mga mata ay natanaw niya buhat sa glass window na kinauupuan nila ang isang pamilyar na nilalang sa di kalayuan.Nakatingin ito sa kanyang direksiyon at maski malayo ang kanila agwat ay kitang kita ni Angelica ang nagliliyab na mata ng kanyang stalker na siya rin niyang secret admirer.Napansin siya ni Piolo at bahagya niyang hinawakan ang mga kamay ni Angelica na medyo nanginginig at pinagpapawisan.
" something wrong Angelica?" tanong ng nagaalalang binata, ng mapansin niyang hawak hawak ni Piolo ang kanyang kamay ay tinabig niya ito,at tumapon ang kalahati pang bowl ng ice cream at nabitawan din niya ang kutsara at bumagsak iyon sa sahig.Nakatawag ng pansin ang eksenang iyon sa iba pang customer dali dali namang nag assist ang isang waiter upang ayusin ang kalat.
" are you okay?" muling tanong ni Piolo sa medyo natutulalang dalaga napansin ng binata ang reaksiyon ni Angelica na patingin tingin sa labas na parang May nakitang kakaiba,sinundan din iyon ng tingin ni Piolo pero wala naman siyang nakitang ibang tao roon kundi ang isang matandang lalaki na namumulot ng anumang mapapakinabangan niya sa mga bunton ng basura na itinapon sa May corner malapit sa May poste ng Meralco.
" I'm sorry Piolo but i think I need to go,salamat sa mga oras mo " yun lang at tumayo na ito at agad na lumabas ng establishment at tinungo ang nakaparada niyang sasakyan at mabilis na pinaharurot ang kotse patungo sa direksiyon ng kanilang bahay.Naiwan doon si Piolo na naguguluhan, nanghihinayang siya na hindi man lamang niya nakuha ang numero ng dalaga.