Chapter 3 " THE UNFORTUNATE VICTIM "

1135 Words
Paglabas ng magkaibigan sa gusaling kanilang pinapasukan ay kaagad nilang tinungo ang kinaroroonan ng kotse ni Angelica . Medyo nakabawi na ng konti ang dalaga sa kabiglaanan sa labas ng kanilang opisina,nakahinga na siya ng maluwag pakiramdam niya ay tila nabunutan siya ng tinik sa kanyang lalamunan. " o ano Angelica okay kana ba? " nagaalalang tanong ni monica.Tumango naman si Angelica at nagpasalamat sa concern na ipinapakita ng kaibigan. " Huwag mo muna ako ihatid Angelica mag ta taxi nalang ako ,i suggest kailangan mo munang magpahinga " si monica. " No I'm okay monica, ihahatid na kita sa inyo " sansala naman ni Angelica,nakasanayan na kc niyang niyang ihatid ang kaibigan sa kaniyang tinutuluyang apartment na hindi naman gaanong kalayuan sa kanilang tinitirhan. " Huwag na angel isa pa ay May pupuntahan pa ako " " saan naman monica ? kung gusto mo sasamahan nalang kita " " Dont bother yourself my dear ,medyo matatagalan ako doon at sigurado akong mapapagod kalang hayaan mo, sa susunod mamasyal tayo dalawa okay?...taxi ...sige Angelica you better go home now and make a rest and dont forget to check your car before you start it take care and see you ...i love you! " wala ng nagawa si Angelica para pigilan ang kaibigan ito ang unang pagkakataon na hindi niya naihatid si monica sa kanila.Nakaramdaman siya ng hindi maipaliwanag na kalungkutan ng tuluyan ng makalayo ang taxing sinakyan ng kaibigan. Sumakay narin si Angelica sa kanyang kotse upang umuwi sa kanilang bahay ng biglang magbago ang kanyang isip.Dumaan muna siya sa isang parlor shop upang magpagupit ng buhok.Matagal na niyang pinag paplanuhan na ipaputol ang mahaba niyang buhok ngunit dahil sa dami ng kanyang iniisip at busy sa trabaho ay hindi niya kaagad naisakatuparan ang bagay na iyon.Ngunit ngayon dahil hindi naman niya naihatid si monica ay doon siya nagka idea na iyon na ang tamang pagkakataon.Inilabas niya buhat sa kanyang shoulder bag ang ginupit niyang larawan sa isang magazine na larawan ng isang Hollywood actress na si Meg Ryan at ibinigay niya iyon sa baklang tagagupit upang kanyang paggayahan. Nang matapos siyang gupitan at ayusan sa right style na katulad ng nasa larawan ay nagkumento sa kanya ang ilang naroon. " Wow naman bagay na bagay sayo ang new hair style mo ma'am at infairness tingin ko mas maganda kapa kay Meg Ryan " hindi magkamayaw na nasabi ng isang hair stylist na naroon din kasama nila,proud na proud naman ang baklang nag ayos ng kanyang buhok. " sana ol ganyan kaganda katulad mo ma'am " magalang naman sabad ng isa pang naroon.Kitang kita rin sa mga mata ng iba pang customers doon ang inggit sa mga papuring tinatanggap ni monica. " naku kung ganyan din sana ako kaganda katulad ni mam never na siguro akong iiwan ng jowa ko hay wish ko lang " May kalakasan namang nasabi ng isa pang bakla na kamukha ng isang sikat na banda ng grupong Aerosmith. " ma'am ang swerte naman ng boyfriend mo bukod sa maganda kana ay mayaman pa " sabi naman ng manikurista na kasalukuyang naroon. " sana ol " halos sabay sabay pang nasabi ng mga naroon.Nagpasalamat naman si Angelica sa lahat ng papuri na tinanggap niya mula sa kanila at matapos niyang magbayad ay muli siyang nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan. Samantala ay nagtungo naman sa isang Mall si Monica upang bumili ng kung ano ano na kanyang maibigan. Nag withdraw muna siya sa kanyang ATM at lumabas buhat sa ATM machine ang 3,000 pesos.Akinse ngayon naisaloob pa niya kaya hindi masama na bigyan niya ng kaunting kasiyahan ang kanyang sarili.Papasok na si Monica sa department store ng mamataan niya ang magkasintahan na si Eathan at Migs,sweet na sweet ang dalawa na halos magkayakap na sila sa escalator wala silang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga tao. Sa tanawing iyon ay tila nakaramdam ng pagka inggit si Monica,ewan niya pero gusto sana niyang batiin ang dalawa pero nagdalawang isip siya lalo na ng mahinuha niya na magtutungo ang dalawa sa May sinehan sa CINEMA 7 mga ilang sandali pa ay tuluyan ng naglaho ang magkasintahan sa kanyang paningin. Sa loob ng sinehan ay puwesto sa May balkonahe sa pangatlong row ang magkasintahan.Ang pamagat ng pelikula na kanilang napiling panoorin ay " SAY AMEN " na pinagbibidahan ni Richard Gomez na gumaganap bilang detective sa nasabing pelikula. Walang kamalay malay ang magkasintahan na nasundan sila roon ni secret admirer,at siya'y nasa likuran ngayon ng dalawa.Medyo May kalikutan at kapilyuhan si Eathan at panay ang tsansing niya sa medyo pakipot din na si Migs. " ano ba yan Eathan ang kamay mo hi hi hi " tila nanunukso pang hagikgik ni Migs. " Labas nalang tayo sweetheart punta nalang tayo sa dati " ungot sa kaniya ni Eathan. " Ano ka sinuswerte, galing na tayo doon kahapon tapos ngayon gusto mo naman no way " tila wala naman sa loob na pahayag ng dalaga na lalo pang nagpa excite sa binata. Masyadong mainitin ang ulo ni Eathan at para maibsan ang init sa kanyang katawan ay nagpaalam siya kay Migs para magpalamig ng ulo sa May comfort room.Iyon naman ang hinihintay na pagkakataon ni Secret Admirer.Kitang kita ng salarin ang pagbaba ni Eathan sa balcony at ng naglaho ito sa kanyang paningin ay saka niya isinagawa ang pagpaslang kay Migs.Noong una ay wala naman siyang plano na patayin si Migs pero dahil sa rosas na hiningi nito ay nag lumikot ang kanyang imahinasyon gusto niyang totohanin ang biro na galing mismo sa bibig ni Migs. Nakapuwesto na si secret admirer sa likuran ni Migs na Abalang pinapanood si Richard Gomez habang sinisiyasat nito ang bangkay ng dalawang pari ng san Lorenzo parish church...Nasa gayon siyang kalagayan ng tinusok niya ng kanyang sandata na May apat na talim ( four edge dagger ) ang likuran ni Migs na tumagos hanggang sa kanyang tiyan,halos hindi nakapiyok bahagya man ang dalaga dahil bago siya inundayan ng isang malakas na kadyot ni secret admirer ay tinakpan muna niya ang ilong at bibig ng dalaga ng isang panyo na May halong pampatulog.Sistematiko ang mga kilos ng salarin animoy pusa ito kung kumilos banayad ngunit marahas. Walang nakapansin sa kanyang ginawang krimen palibhasa'y pinili ng dalawang magkasintahan na pumuwesto sa hindi gaanong mataong lugar at lubhang madilim kaya't umaayon ito sa mga plano ng salarin. Hinugot lamang ni secret admirer ang four edge dagger ng matiyak niyang wala ng buhay si Migs at pagkatapos ay saka siya dali daling lumabas ng sinehan at nagtungo sa french baker & restaurant at doon ay umorder siya ng isang spaghetti special at tatlong piraso ng mahahabang french bread at doon niya isinalaksak ang kanyang four edge dagger weapon.Nakalabas sya sa mall na hindi na trace ng security guard ang dala niyang sandata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD