Chapter 2 " THE BLACK STRANGER "

3040 Words
Tinupad ni Michael ang sinabi niyang susunduin at ipagpapaalam niya si Angelica sa kanyang parents.Nasa harapan na siya ng gate sa malaking bahay ng mga Pangilinan at hindi man niya aminin sa kanyang sarili ay kabado siya hindi niya sukat akalain na ganun kalakas ang aura ng tahanan kinatitirikan ng bahay Nina angelica pinaghalo itong modern at old house sa bahaging kanan ay kapansin-pansin ang makabagong Desenyo ng bahay na mukhang sa kalumaan ay minabuti ng May ari na i-renovate ito at dinagdagan ng makabagong Desenyo partikular ng stainless steel balluster sa pinaka terrace nito at sa kaliwang bahagi ay minabuti ng May ari na i-restore ang kabuuan ng sidings nito pati narin ang mga eleganteng mga bintana na nakakalupkupan ng masinsing capiz na mas lalong nagpaganda sa mas pinatibay na wall na sa tingin ni Michael ay yari sa narra.May kataasan ang bahay kaya't malayo palang ay natatanaw na ng sinumang nasa harapan ng di naman gasinong mataas na gate ang balkonahe ng malaking bahay. Pinagbuksan siya ng gate ng isang May edad naring babae.Tingin ni Michael ay May edad itong 35 pataas maputi rin ang babae na katulad ni Angelica.Naisaloob ni Michael na ito marahil ang sinasabing stepmother ng dalaga,sa maikling pagsusuri ni Michael ay tila atubili ang babae at halata niyang matalim ang mga tingin nito sa kanya at hindi rin sukat akalain ni Michael na hindi man lamang siya pinapasok sa loob ng kanilang pamamahay.Sa harapan lamang siya ng gate kinausap ng babae.Nang lingunin ni Michael ang terrace ng bahay sa May di kalayuan ay nakita niyang nakatayo roon ang isang lalaki katabi ni Angelica ngunit para silang mga tuod na nakatayo lamang na animoy mga rebulto at ipinagtaka iyon ni Michael.Sa medyo pusikit na liwanag na nagmumula sa mga solar panel ay parang anino na unti unting naglaho sa kanyang paningin ang lalaki at maging ni Angelica.Hindi pa man nakakapagsalita si Michael sa kung ano ang sadya nito doon ay agad siyang sinabihan ng babae na umalis na lamang. " makakaalis kana iho,hindi pumayag ang papa niya na lumabas siya ngayong gabi,bumalik kana lamang sa ibang araw,excuse me " yun lang at tuluyan nitong ipininid ang gate,naiwan doon ang binata na halos hindi man lang nakapagsalita,ni hindi man lamang siya nabigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng anumang message para kay Angelica ilang saglit din siyang nawala sa sarili at ng mahimasmasan ito ay lupaypay ang balikat na tumalikod palayo sa harapan ng gate ng mga Pangilinan patungo sa kanyang sasakyan.Masama man ang loob ng binata ay wala siyang karapatang magreklamo dahil una sa lahat ay wala parin siyang karapatan dahil hindi pa kasintahan si Angelica at nangako rin siya sa dalaga na anuman ang kanilang pasya ay irerespeto niya.Minabuti nalang ni Michael na lisanin ang lugar at naisipan niyang magpadala ng text messages kay Angelica para kahit papano ay lumuwag ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.Nagreply naman si Angelica at humihingi sa kanya ng paumanhin sa nangyari.Muling nagresponse si Michael at gayundin si Angelica ikinatuwa pa ng binata ang sunod sunod na isinend nitong emojis na animoy angel na nalulungkot at humihingi ng sorry.Naisipan ni Michael na magtungo muna sa isang lugar na kung saan niya unang nakilala si Angelica at tulad niya ay paborito din niya itong puntahan sa tuwing siya ay May nararamdamang kapighatian.Napagpasyahan niyang magliwaliw muna bago umuwi ng bahay. Samantala ay nasa harapan ng komedor sina Angelica ,ang kanyang stepmother na si Samantha ang kanyang papa at ang dalawang kambal na lalaki na kanyang step brother. " oh Angelica bakit hindi ka kumakain diyan lalamig na ang soup" si Mr Pangilinan,banayad siyang mangusap ngunit nasa timbre ng kanyang tinig ay ang hindi maikakailang kapangyarihan at awtoridad sa pamamahay na iyon. " Busog pa ako papa" akmang tatayo na sana si Angelica pero pinigilan siya ng kanyang papa. " Angelica please sit down ,please honey kumain ka naman kahit konti ayaw kong magkasakit ka" pag-aalala ni Mr Pangilinan. " i said I'm full dad please stop treating me like a child " padabog na pahayag ni Angelica sabay tumayo at nagtungo sa loob ng kanyang kuwarto.Susundan pa sana siya ng kanyang papa pero pinigilan siya ni Samantha,parang wala namang pakialam ang dalawang twins na patuloy parin sa pagkain habang pasulyap sulyap sila sa kanilang cellphone.Kung titignan ang kambal ay larawan sila ng kabataan na walang paki kung ano ang nangyayari sa kanilang kapaligiran as long as hindi sila pinakikialaman ay okay lang.Sa unang tingin ay mga spoiled brat ang mga ito epekto narin ito marahil sa kinalakhan nilang marangyang pamumuhay. Sina Jack at Max ay halos ilang taon lamang ang agwat ng edad ni Angelica dahil wala pang isang taon mula ng mamatay ang kanyang mama noong two years old pa lamang siya ay nag asawang muli ang kanyang papa kay Samantha. Pagkatapos ng ilang sandali ay minabuti ni Mr. Pangilinan na puntahan sa kanyang silid si Angelica upang kanyang kausapin,marahan itong kumatok sa May pintuan pero hindi siya pinagbuksan at ng sinubukan niyang pihitin ang lockset ay nakabukas ito at hindi pala ini-lock ni angelica.nakaupo si Angelica sa gilid ng kanyang malambot na kama pero hindi siya nag angat ng kanyang mukha upang tignan ang kanyang papa batid ni Mr Pangilinan na malalim ang iniisip ng anak kaya't minabuti na lamang niyang hayaan muna itong kumalma.Tatalikod na sana ang kanyang papa ng biglang magsalita si Angelica. " papa bakit ganun? kapag ang mga kambal na yan ang May pupuntahan kahit hindi na sila magpaalam sa inyo ni Samantha ay okey lang sa inyo,pero bakit pag ako masyado kayong mahigpit sa akin, i felt soffucated " madamdaming pahayag ni Angelica. Lumapit si Mr Pangilinan sa tabi ng anak upang kausapin. " Iba ka, babae ka and besides you're my one and only nais ko lang na protektahan ka sa abot ng aking makakaya " masuyong hinagod ng kanyang papa ang likuran ng anak. "pa I'm old enough , alam ko na ang ginagawa ko,so please stop treating me like a baby and I need some space " malungkot na pakiusap ni Angelica. " look honey diba ibinigay ko naman yung space na gusto mo,maski labag sa kalooban ko na mag trabaho ka at dahil hiniling mo pumayag ako,in the first place hindi mo naman kailangang magtrabaho pa i can give everything you wish without working or doing a job pero dahil hiniling mo na mag work ka pumayag ako, so what kind of space ang hinihingi mo just tell me" mahabang pahayag ng kanyang papa. " full space pa, i want my freedom...freedom to choose and freedom to refuse I'm not a child anymore i can now handle and manage myself " mangiyak ngiyak na sabi ni Angelica.Saglit na katahimikan hanggang sa May sumungaw sa pinto at nakangiting pumasok doon si Jack kasunod si Max. " Dad may dadaluhan kaming party ni Max siyempre alam mo na it's Valentine's day would you mind if we use your car just this time KC medyo May kaunting palya yung kotse ko bka bukas ko pa yan maipapaayos" walang kagatol gatol na sabi ni Jack.Dinukot ni Mr Pangilinan ang susi ng kanyang kotse at inihagis iyon kay Jack. " thanks Dad " nakangiting sabi ng kambal ni hindi man lang sila tumingin kay Angelica na bahagyang nakayuko.Muli pa sanang magsasalita si Mr Pangilinan para ipagpatuloy ang paguusap nila ni Angelica pero tumayo na ang dalaga at nagtungo sa banyo na nasa loob mismo ng kanyang kuwarto at nagsabing kailangan na niyang magpahinga.Walang nagawa ang kanyang papa kundi lumabas na lamang sa kanyang kuwarto at nagtungo sa May veranda kung saan naroroon si Samantha. Tuluyang ipininid ni Angelica ang pintuan ng banyo at binuksan ang faucet sa May bathtub,rumagasa ang masaganang tubig, magkakaibang emosyon ang nararamdaman ni Angelica habang nakatitig sa walang humpay na pagbuhos ng tubig sa May bathtub at ng malapit na itong mapuno ay saka pa lamang siya lumusong at dahan dahan umupo at inilubog ang hubo't hubad niyang katawan.Nagkukutkot ang kanyang damdamin at hindi niya napigilang suntukin ang tubig sa May bathtub at tumilamsik ang tubig sa paligid ng banyo hinayaan din niyang nakabukas ang gripo at wala siyang pakialam kung umapaw man ito. " it's unfair it's unfair it's unfair " may katigasang sambit ni Angelica.Maya mayay rumihistro sa kanyang isipan ang mukha ng kanyang mama na sa picture na lang niya nakikita at nakakausap.May tumulong butil ng luha sa kanyang mga mata at humalo iyon sa tubig na nasa bathtub.Isang luha ay nasundan pa ng ilan patak ng luha hanggang sa tuluyan na siyang napahagulgol.Minabuti ng dalaga na i off ang faucet sa May bathtub ng mapansin niyang umaabot na sa pintuan ang excess water pero nanatili paring nakalubog ang kanyang katawan.Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ilang sandaling naglakbay ang kanyang diwa pilit na inaalala ang mga nakaraan noong nabubuhay pa ang kanyang mama ngunit dahil sa musmos nitong edad ng mga panahong iyon ay wala talaga siyang matandaan at sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay minabuti niyang tumayo buhat sa bathtub at humarap sa May human sized mirror na mainam na nakalapat sa May wall ng banyo,pinagmasdan niya ang kanyang hubo't hubad na katawan at nasabi niya sa kanyang sarili na kasing ganda rin niya ang kanyang ina na nasa larawan.Makalipas pa ang ilang sandali ay minabuti ni Angelica na lumabas ng banyo at napansin pansin ang pagbabago ng kanyang moods,napapangiti pa ito habang nagbibihis na animoy May naisip na nakakatuwang bagay,ngunit ng sumagi sa kanyang gunita ang tungkol sa pulang rosas ay muling nag iba ang timpla ng kanyang mood malaking palaisipan sa kanya kung sino ang kanyang SECRET ADMIRER?.Pilit na iwinawaksi ni Angelica ang isiping iyon naisaloob niya na marahil ay isa lamang ito sa mga tagahanga niya na gustong magpahayag ng kanyang saloobin sa gayong kaparaanan. Sa Manila De Bay nagtungo si Michael, nagi isa niyang ninanamnam ang katahimikan ng gabi at ibayong kapanatagan para sa kanya ang marahang paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Naka tatlong beer in can na siya ng magpasya ang binata na lisanin na ang lugar,napatingin siya sa kanyang pambisig na relo at nakarehistro doon ang oras pasado alas onse na pala ng gabi naisaloob niya,halos hindi siya makapaniwala na ganun kabilis na lumipas ang oras.Naglakad na ito sa kinaroroonan ng kanyang kotse medyo nakaramdam siya ng kaunting pagkahilo palibhasa ay hindi naman siya sanay na uminom ng alak.Mga ilang hakbang na lamang ang layo ng kanyang sasakyan ng May mamataan siyang isang nilalang na naglalakad patungo sa kanyang kinaroroonan at dahil medyo dim light ang bahaging iyon ng Manila De Bay ay hindi niya maaninaw kung sino ang taong iyon na unti unting papalapit sa kanya.Pilit niyang itinuon ang kanyang buong atensyon upang sinuhin ang medyo pamilyar din sa kanya ngunit bunga ng kanyang pagkahilo ay hindi niya ito matukoy kung sino. Sinubukan ni Michael na kawayan ang taong iyon at saglit din siyang natuwa ng gumanti rin ng kaway ang papalapit na nilalang na iyon.Nasa tapat na si Michael ng kanyang kotse ng biglang huminto ang taong iyon at nagsalita. " hi Michael !" di gasinong malakas na bati ng nilalang na iyon. " hi do we know each other ?" ganting bati at tanong ni Michael at sa maikling pagsusuri ng binata sa estranghero ay napansin niyang hindi ito katangkaran nakasuot ito ng blazer na itim at itim din na pantalon,nakasumbrero ito ng cow boy cap na itim din ang kulay.Hindi tiyak ni Michael kung lalaki ba o babae ang kanyang kausap mga ilang dipa lang ang layo nila sa isa't isa. " do we know each other...sir ? " ulit na tanong ni Michael na nag-aalangan dahil sa hindi pag imik ng black stranger.Dahan dahan muling lumapit sa kanyang kinaroroonan ang black stranger medyo nahintakutan pa si Michael ng medyo maaninaw niya ang hitsura nito ng tumapat ang mukha niya sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng poste na naga activate sa tuwing May tatapat na tao,bahagyang ibinaba ng black stranger ang kanyang suot na sumbrero para hindi siya lubusang makilala ng binata. " sino ka! " haninintakutang tanong muli ni Michael pero nakakailang hakbang na siya pero hindi parin siya sinasagot ng black stranger.Wala sa loob ni Michael na pilit na hinahapuhap nito sa bulsa ng kanyang pantalon ang susi ng kanyang kotse at nasa aktong binubuksan na niya ang kotse ng walang ano Anoy sumalakay ng bigla ang black stranger na animoy mabangis na hayop,mula sa kaliwang kamay ng black stranger ay lumabas ang kanyang sandata.Isa itong uri ng patalim na May push button,naitatago ang talim sa isang pindot lang at mapapalabas ang talim nito sa pamamagitan ng pagpindot ng tatlong beses ng mabilis at sunod sunod. Kumislap sa paningin ni Michael ang patalim at bago pa siya nakahuma ay inudayan na siya ng isang malakas na kadyot sa tiyan. " tsuwaak...aargh" umaringking sa sakit si Michael,pinanatili pa ng black stranger na siya ring secret admirer ang patalim sa loob ng tiyan ng binata at ng hugutin niya ito ng pawasiwas ay halos mawakwak na ng lubusan ang tiyan ng kaawa awang si Michael.Buhay parin ang binata at nagpupumilit na makatakas nabitawan narin niya ang susi ng kanyang kotse at minabuti nalang niya na tumakas palayo sa black stranger Paika ika itong pilit na lumalayo sa kinaroroonan ng black stranger.Hinayaan naman siya ng salarin na makalayo at nagtungo sa madilim at kubling dako kung saan nakikita parin niya si Michael na pasuray suray at hawak ang sarili niyang tiyan upang hindi tuluyang lumabas ang kanyang mga laman loob. "saklolo...saklolo...tulong..." mahinang palahaw ni Michael subalit dahil sa alanganin narin ang mga oras ay walang nakakita sa kanya para siya'y saklolohan.Narating pa ni Michael ang medyo mailaw na parte ng Manila de bay bago ito tuluyang nahandusay sa isang corner ng isang mini park doon kung saan May nakakita na magkasintahan at siya'y dinaluhan. Nágmagandang loob naman ang magkasintahan na dalhin ang binata sa pinaka malapit na ospital,isinakay nila siya sa taxi pero sa daan pa lamang ay tuluyan ng binawian ng buhay si Michael. Kinabukasan sa opisinang pinagtatrabahuhan ni Mr. Michael Olivarez ay umugong ang balita tungkol sa sinapit ng binata. " tsk tsk ,kawawa naman si Mr. Olivarez ,lubhang napakabata pa niya para sapitin niya yung ganun " mahinang saad ng isang empleyado na nakakakilala kay Michael. " ano ba ang nangyari daw sa kanya? " usisa naman ng isa pang gustong malaman ang bagong balita. " ayon sa mga bali balita ay napag tripan daw yta ng mga adik sa Manila de bay ,kawawa naman siya" sagot naman ng isa pa. " ganun ba hay grabe naman nataon pa ang insidente sa mismong araw ng mga puso." malungkot namang pahayag ng isang nakarinig sa sinapit ng binata. " sa Manila de bay daw siya nakita at doon din nakita ang kotse niya sa di kalayuan kung saan siya nakitang nakahandusay pero hindi na yta umabot pa ng buhay sa ospital " mahabang paliwanag naman ng isa pang naroon. Buong maghapon na naging laman ng usapan ang tungkol sa sinapit ni Michael ngunit ang labis na naapektuhan ng araw na iyon ay si Angelica na madalas mabanggit ang kanyang pangalan sa issue na kesyo binasted daw niya ang binata at kung ano ano pang maling impormasyon na ikinakalat ng mga Marites na walang magawa sa buhay kundi ang magkalat ng mg tsismis. " huwag mo nalang silang pansinin Angelica wala lang magawang matino ang mga iyan." sabi naman ni monica na nakaalalay sa kaibigan.Magkasama silang nagtungo sa canteen para makapag kape at habang sila'y naroon ay naalala niya si Michael na kahapon lang ay kasama nila sa lugar na iyon at buhay na buhay at kausap pa nila ngunit ngayon ay isa ng malamig na bangkay. " hey Angelica cheer up talagang ganyan ang buhay una unahan lang yan " madamdaming pahayag ni monica sa natutulalang kaibigan at saka palang ito umimik ng tapikin siya sa balikat ni monica. " are you okay angel? " Tango lang ang itinugon ni Angelica kapansin pansin ang kanyang pananamlay bunga narin ng pagkabigla sa sinapit ng kanyang masugid na manliligaw. Matuling lumipas ang oras ni hindi na namalayan ni Monica at Angelica na natapos na naman ang buong maghapon.Isinisilid na ni monica ang mga documents at ipa pang gamit sa kanyang drawer ng bigla siyang matigilan.Sa pangalawang silid ng kanyang drawer table ay mayroon na namang doon isang bulaklak na May kasamang maliit na sobre.Nagdadalawang isip siya ngayon kung bubuksan na niya iyon o hindi.Hanggang sa naipasya niya na tawagin na lamang si Angelica upang ipaalam sa kanya ang bagay na kanyang nadiskubre. Agad namang tumalima si Angelica at sumunod sa nag-aakalang si monica.Nagkatinginan muna ang dalawang magkaibigan bago tuluyang kinuha iyon ni Angelica at binasa ang paghatid na mensahe. R. I. P. Name: Michael Olivarez Birth : October 16, 2000 Died : February 14, 2023 Sa unang tingin palang ni Angelica sa short note ay bakas na s kanyang mukha ang takot.Halos hindi na siya makapagsalita ng kunin ni Monica ang card na iyon sa kanyang kamay at matapos na masuri din iyon ng dalaga ay gayun na lamang ang kanyang pagkagulat.Kaagad kinuha ni Monica ang bulaklak at itinapon niya ito sa waste basket kasama ng short card at niyaya si Angelica na lumabas ng opisina. " tara na Angelica umuwi na tayo ,magsasarado naman na ang opisina at kung sino man ang May kagagawan nito ay tiyak na mananagot siya sa kanyang ginagawa " ng hilahin ni Monica ang kamay ng natutulala paring si Angelica palabas ng kanilang opisina ay siya namang pagpasok doon ni Dexter.Napansin ng binata ang facial expression ng dalawang magkaibigan. " what's happening here? " si Dexter " ah wala naman dex, uuwi na kami ni Angelica how about you hindi ka pa ba uuwi ? " si Monica na hawak hawak parin ang tila wala sa sariling si Angelica. " mago overtime ako,May ipinapa rush sa akin si sir William, ingat nalang kayo sa paguwi " normal na sagot ni Dexter habang nakatingin sa natutula paring si Angelica.maguusisa pa sana ang binata tungkol sa kung napano si Angelica pero kaagad siyang hinila ni monica at tuluyan na silang umalis sa opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD