MOTIBO 1 " SECRET ADMIRER " Chapter 1 " The Red Rose "

2233 Words
February 14, araw ng mga puso,isang natatanging araw para sa mga pusong nagmamahalan.Mapupuno na naman ng mga magsing-irog ang mga motels,malls at maging sa mga parks.Subalit kung may mga masaya sa araw na iyon ay mayroon din namang malungkot at ang iba ay ordinaryo lang naman sa kanila ang araw na iyon. Ang mag best friend na sina Angelica at Monica ay parehong Naka focus lamang sa trabaho at sa edad na 23 years old ay pareho pa silang hindi nakaranas na magkaroon ng kasintahan hindi dahil sa silay mga pinagkaitan ng magandang katangian manapa ay maituturing pa nga silang beauty with brain.Kapwa rin sila ligawin ngunit magkapareho ring hindi pa handang magmahal sa magkaibang kadahilanan. Very workaholic ang magkaibigan kung kayat hindi maiiwasang dito sila masyadong naging close sa isa't isa.Nagta trabaho silang pareho bilang supervisor at interviewer din sa isang kilalang Job Placement Agency. Dahil sa araw ng mga puso ay pumayag ang ahensiya na i allow nila ang sinumang empleyado at empleyada na gustong mag half day o mag under time sa trabaho.Nagpalakpakan pa ang maraming staff dahil sa katuwaan maliban sa magkaibigan.Napagkasunduan nalang nila na gugulin ang kanilang maghapon sa pag tatrabaho.Hinarap ng bawat isa ang kani kaniyang computer upang iayos at i update ang kanilang mga files para sa mga susunod na araw,ibig kasi ng bawat isa sa kanila na mas organized at in advance ang kanilang personal works keysa sa matambakan ng husto sa trabaho,ayaw nilang matulad sila sa mga ka officemates nila na parating napa pagalitan ng kanilang head dahil sa mga lapses at discrepancies ng mga isina submit na documents. May sariling opisina at bawat isa sa kanila at madalas ay sabay silang kumakain ng lunch at snacks sa canteen na nasa loob mismo ng gusali na kanilang pinapasukan. " oh kayong dalawa wala ba kayong plano na mag half day man lamang ? " kasalukuyan silang nagla lunch ng mga oras na iyon ng mapadaan ang medyo chubby at madaldal na si Mr.Darwin Mercado na kaswal na nagtatanong sa dalawang magandang babae.Ngiti lang ang naging tugon ni Angelica at Monica.Nagparinig pa ang girlfriend nitong nakabuntot sa kanyang likuran at nakasimangot na sinasabing " baka walang mga date dahil galit sa pera!" na irita si Monica pero binalewala lang iyon ni Angelica. " Akala mo naman kung sinong maganda if i know inakit lang naman niya si sir para mas mapabilis ang promotion niya" pabulong na singhal ni monica sa nakatalikod na sekretarya ni Mr. Mercado.Napapangiti naman si angelica habang tinitingnan ang reaksiyon ng kaibigan. " Hello girls can i join you? " si Michael,financial analyst ng ahensiya " ano pa nga ba? makaka tanggi pa ba kami eh nakaupo kana diyan, hmpt excuse me i have to go in a comfort room" sabay tayo ni monica naiwan ang dalawa sa table sa may corner ng canteen na siyang paboritong spot ng magkaibigan sa tuwing sila ay pupunta roon para mag lunch.Nagsimulang magsalita si michael in the same manner katulad ng laging eksena tuwing darating siya sa canteen. " Bat kaya ganun yun parang ang sungit sungit niya saken,feb.14 pa naman ngayon and still parang sinisilihan ang puwet pag nakikita ako,parang gusto ko tuloy isipin na may lihim siyang gusto saken pero alam niyang..." naudlot ang sasabihin ni michael ng pinanlakihan siya ng mata ni angelica. " stop talking nonsense michael,huwag mo nalang siyang pansinin at hindi iyon galit sayo,medyo mainit lang ang ulo nun pero wala kang kinalaman don" paliwanag ni angelica. Nag iba naman ng topic ang binata at inungkat ang matagal ng inaalok niya sa dalaga. " well, how is it angel pumapayag kana ba sa ipinapakiusap ko sayo " malambing na saad ng binata na ang tinutukoy niya ay ang valentines date na noon pa niya ipinahayag.Matagal tagal naring nanliligaw si michael sa dalaga at walang araw na nagpapahayag ito ng damdamin niya in person or even thru text or call na madalas ding idelete ni angelica upang walang makabasa nito. " pumapayag ka ba?" usal ng binata na animoy maamong tupa na handang magpa-alipin makuha lang tugon ng dalaga. "Ano ba yun?" tila pagtitiyak naman ni angelica,napabuntong hininga naman ang binata at pabulong na ni-remind sa dalaga ang alok nitong date sa kanya. " ah yun ba? the date after office hour?" tumango si michael at hinintay ang tugon ng sinisinta nitong dalaga,nagtagal iyon ng ilang saglit,tinitigan siya ni angelica at pilit na inaarok ang level ng sincerity ng kaharap niyang binata.Almost 3 months na siyang nililigawan ng binata at hindi ito tumitigil sa paggawa ng paraan upang mapalapit siya sa kanya.Kung tutuusin ay wala na siyang maipipintas dito,guwapo,matangkad,may matatag na trabaho walang masyadong bisyo at hindi rin ito nasasangkot sa anumang basag ulo,bukod pa sa may sarili na itong bahay at kotse at marami pang ibat ibang assets na taglay nito na tiyak na pinapangarap din ng kapwa niya babae. Saka pa lamang nangusap ang dalaga ng tumikhim si michael. " about the valentines date...hmn puwede,but...in one important condition " " what condition angelica?" excited na tanong ng binata nabuhayan ito ng loob sa kanyang narinig nandun yung pag asam nito na matatanggap narin niya ang matamis na "oo" ng kanyang minamahal na dalaga. "sounds scary pero strict ang stepmother ko.Kailangan pang ipag paalam mo muna ako sa kanila.Kung pumayag sila saka pa lamang ako puwedeng lumabas at sumama sayo but if not wala akong magagawa i hope you understand " mahabang paliwanag ni angelica.Hindi naman kinakitaan ng anumang pagka bagabag ang binata manapay nagbigay pa ito ng assurance sa dalaga. " well, thats exactly what i thought is right and proper to do, so it's no problem for me angel.Susunduin kita mamayang gabi sa inyo at around 7 o'clock para ipag paalam ka sa parents mo and dont you worry pag hindi sila pumayag ayos lang sa akin" buong kumpiyansang pahayag ng binata na hindi mawala wala ang ngiti sa kanyang mga mata. Saglit na naputol ang paguusap ng dalawa ng biglang umeksena ang isa pang potential admirer ni Angelica. " Hi there! " masiglang bati sa kanila ni Dexter kasamahan ding supervisor nina angelica at monica at noon lamang nakaraang linggo ay kapansin pansin ang pagpapalipad hangin nito kay angelica although wala pa itong formal courtship ay kapansin pansin ang tila paki kipagclose nito sa dalaga bagay na hindi nagugustuhan ni michael.Hindi rin basta ang looks ng binata na medyo nahahawig pa siya sa isang aktor na anak ng mag asawang Annabele Rama at Eddie Gutierrez. " Hi " maikling tugon ni angelica,bahagya namang nagkaroon ng insecurities si michael habang palihim na minamatyagan ang itinuturing niya ngayon na competitor sa puso ni angelica. Dumiretso sa counter si Dexter upang mag order ng pagkain at pagkatapos ay pumuwesto ito sa corner at tila sinadya pang humarap sa kinauupuang table ng dalawa at pa sulyap sulyap sa direksiyon ni angelica.Batid ni Michael na may pagtingin din si Dexter sa dalaga at lalaki siya ramdam niya ang mga ikinikilos nito at hindi malayong sooner or later ay magiging karibal niya ito sa puso ni angelica kayat ganun na lamang ang pagpupursige nito na makuha ang buong atensiyon ni angelica. " hello there mga friendship " malakas namang bati ng apat na sabay sabay n pumasok sa canteen na sina Elvis, ang magkasintahang Eathan at Migs at ang baklitang si Brando( na mas prefer na patawag na Barbie ). Masayang tanawin ang makikita sa pinaka looban ng canteen hindi maiwasan ang tawanan at batian,dinig na dinig din ang kalansing ng kutsara at tinidor habang masayang kumakain ang bawat isang naroon.Lahat ay naka ngiti marahil dahil sa ito ay isang espesyal na araw ng mga puso. Muling bumalik si monica buhat sa comfort room nakangiti na ito at mukhang nanumbalik na ang kanyang mood.Muli siyang umupo sa tabi ni angelica at nakangiting ipinagpatuloy ang kanyang pagkain sa inorder nilang lasagna with toasted bread at pineapple juice na siyang paborito niyang kainin.Makalipas pa ang ilang sandaling kuwentuhan ay isa isa ng nagsilabasan ang mga naroon sa canteen at nagtungo sa kani kanilang station. Bagamat magkakahiwalay ang kanilang opisina ay magka kaugnay lamang ang mga ito.Pag upong pag upo ni monica sa harap ng kanyang computer ay bahagya pa siyang napatawa ng makatawag sa kanya ng pansin ang isang tangkay ng pulang rosas na may nag iisa ring dahon.Nakadikit sa tangkay ng red rose ang isang maliit na tila handmade na card na maayos na nakasilid sa isa ring maliit na sobre na bahagyang nakabukas.Dagli itong kinuha ni monica at tiningnan ang laman ng maliit na sobre,na curious siya kung kanino galing ang rose na nakapatong sa ibabaw ng cpu ng kanyang computer at ang laman at mensahe ng card ay tumambad sa kanyang paningin. "HAPPY VALENTINES ANGELICA" FROM UR SECRET ADMIRER " " Ngee! wow mali " natatawang nasabi ni monica.Agad siyang nagtungo sa opisina ni angelica upang ibigay sa kanya ang bagay na iyon. " hala akalain mo anggie nagkamali pa ang secret admirer mo ng pinaglagyan nito.Sorry nabasa ko tuloy hindi ko yan sinasadya ha." Nakakaloko na tawa ni monica bahagya ring na confused si angelica at sinuri ang laman ng card " SECRET ADMIRER? saan mo ito nakita monik ?" nagtatakang tanong ni angelica " sa ibabaw yan ng cpu ko nakapatong anggie " sagot naman ni monica,napangiwi si angelica parang ayaw niyang makumbinsi sa pahayag ng kaibigan. " hoy monik ha kilala kita anong drama na naman ito,prank ba to? " si angelica habang nagsasalita. " hoy anong palagay mo sa akin tomboy! hindi sa akin galing yan no swear to die bakit ko naman gagawin yan " medyo seryosong sabi ni monica.Nakatawag ng pansin sa mga naroon ang medyo may kalakasang palitan ng magkaibigan ng mga komento ukol sa pulang rosas.Unang nagka interes si brando na maki marites sa usapan ng dalawang magkaibigan. " aber aber mga bruhilda any special occasion here?" Napatingin ang dalawa kay brando at halos sabay pang sinabi na... " baka ikaw!?" " ang alin? " naguguluhan namang tanong ni brando "ang naglagay nito sa ibabaw ng cpu ko" napatingin si brando sa itinuturong pulang rosas na ipinatong sa ibabaw ng table ni angelica. " aber aber patingin nga, pabasa ha ... happy valentines angelica from ur secret admirer! well whats the big deal here" usisa ni brando. "well ganito kc yun brando,nakita ko yan sa office ko at ipinatong sa ibabaw ng aking cpu kaya akala ko ay sa akin siyempre binuksan ko kaso may mali kc para kay angelica pala yan" mahabang paliwanag ni monica at na gets na ni brando. " well kung sino man siya,nasisiguro kong hindi ako yun noh" malakas na pahayag ni brando habang nakataas ang kilay at pinaninindigan nito ang kanyang pagiging bakla. " yun nga eh at ngayon ay iniisip ni angelica na ako ang may kagagawan nito but i swear to God never in my sane mind na gagawin ko yan kaya kako baka ikaw brandon " nakatawang sabi ni monica " ako? as in me? " animoy kini kilabutan pang pahayag ni brando na tila gusto nitong sabihin na hindi siya kailanman mag kakagusto sa kapwa niya babae. " kung meron mang dapat bigyan ng red roses ako yun!!!" dugtong pa ni brando.Na curious na rin ang iba pang naroon at nagsipuntahan sa kanilang kinaroroonan at nakiusyoso. Na pagalaman ng mga ito ang sanhi ng pagkakagulo ng dalawa at ni brando.Halos gusot gusot na ang short note na nakalagay sa maliit na sobre dahil sa pinagpasa pasahan na ito ng kanilang ka officemates para basahin.Bawat isa ay may sari saring opinyon pero iisa lang ang katanungan ng bawat isang naroon,sino ang secret admirer na ito ni angelica at bakit ito inilagay sa opisina ni monica kung ito naman pala ay para kay angelica. Napagtuunan naman ng mga naroon ang isang tangkay ng pulang rosas na may nagiisa ring dahon,hindi napigilan ni Bernadette na kunin ang rosas at kanya itong marahan na inamoy sabay sabing " angel kung ayaw mo dito ay akin nalang ha" nadako ang paningin ng mga naroon kay Bernadette. " sige Berna sayo nalang yan" saad naman ni Angelica,napangiti ng maluwang si Bernadette sa pagpayag ni Angelica sabay tingin nito kay Migs. " hala ka bakit mo ipamimigay Angelica baka magtampo ang secret admirer mo " tila pangungunsensya namang pahayag ni Eathan. "oo nga naman baka magalit pa yun at patayin ka o si Bernadette sige ka" susog naman ng kasintahan niyang si Migs. " over ka naman Migs ,oa naman neto" sabi naman ni Elvis,natakot naman bigla si Bernadette sa narinig mula kay Migs kaya agad agad nitong ibinalik kay Angelica ang bulaklak sabay talikod papunta sa kanyang opisina. " sige kung ayaw ni Berna akin nalang ito puwede ba Angelica? " si Migs " kita mo itong bruhang to nananakot kunwari yun pala gusto lang angkinin ang bulaklak " talak naman ni Brando. Natigil ang kanilang paguusap ng May narinig silang malakas na palakpak na nagmumula sa kung saan paglingon nila ay nakita nila si Mr.William Zamora kanang kamay ng May ari ng kumpanya. " okay guys back to your work ,pero meron ba sa inyo dito ang gustong maghalf day? " halos lahat ng mga naroon ay nagtaas ng kamay maliban sa iilang empleyado na gustong tapusin muna ang trabaho bago maglamyerda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD