WARNING: This chapter contains physical abuse that might be triggering for some readers.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"Ahh!"
Ang malakas na sigaw ni Aello ang bumalot sa loob ng isang silid na walang halos ni-isang bintana, maliban sa nagiisang bakal na pintuan kung saan inihagis si Aello.
Nahihirapan s'yang bumangon dahil sa mga posas na naka-kabit sa mga kamay at paa n'ya. Masakit din ang katawan n'ya dahil sa malakas na pagbasak ng katawan n'ya sa matigas na semento.
Pumasok ang leader ng mga lalaki sa loob ng silid na pinaglagyan sa kan'ya. Nagbaba ito ng tingin sa kan'ya habang humihithit sa mamahalimg tobacco na hawak nito.
"You will stay here, until the day that we will finally make use of you." sabi ng lalaki habang mayroong ngisi na nakapaskil sa mga labi nito.
"T-the deal... you won't hurt my people—" mahinang sabi ni Aello na hindi n'ya rin naituloy dahil sa malakas na tumawa ang lalaki.
Lumapit ito sa kan'ya atsaka pinantayan s'ya bago hinawakan ang mukha n'yang nagsimula nang magkapasa dahil sa malakas na pagsampal nito sa kan'ya kanina.
"Are you telling me that I am not a man of my own words?!" singhal nito sa mismong mukha n'ya.
Tumalsik pa ang iilan sa mga laway nito dahil sa lakas ng pagsigaw na ginawa nito kahit na hindi naman s'ya bingi.
"N-no." sagot ni Aello sa mahinang boses.
Alam niyang wala s'yang ibang magagawa sa ngayon, kundi ang magingat sa mga bagay na gagawin at sasabihin n'ya.
Nagaalala s'ya na baka kapag nagkamali s'ya ay idamay nito ang buong tribo—iyon ang pinaka-kinakatakutan at pinaka-ayaw n'yang mangyari. Kaya kahit ano pa man ang gawin ng mga ito sa kan'ya, ay hindi s'ya gagawa ng kahit anong ikagagalit ng mga ito.
Mas inilapit pa ng lalaki ang mukha nito kay Aello, tila inuusisa nito ang buong mukha ni Aello dahil sa paraan ng pagtitig nito sa kan'ya.
The man tsked. Malakas at pahagis na binitawan nito ang mukha ni Aello na naging dahilan ng muling pagbagsak ng katawan n'ya sa lupa.
Hindi na bumangon pa si Aello dahil sa pagod na nararamdaman n'ya, ngunit nakatingin pa rin sa lalaki ang mga mata n'ya.
Umiiling-iling ang lalaki bago ito lumapit sa kan'ya atsaka hinala ang buhok n'ya para iaangat muli ang katawan n'ya.
Napadaing s'ya dahil sa sakit na naramdaman pero nanatili ang tingin n'ya sa lalaki.
"You poor little thing... you seems to have a pretty face." sambit nito atsaka binugahan ng usok ang mukha n'ya.
"They'll surely buy you. They'll going to dominate this body of yours, hmm... how do they call it these day?" umakto itong nagiisip.
"Aha!" mas hinila pa nito ang buhok ni Aello atsaka inilapit ang mukha. Halos dalawang inch nalang ang layo ng mukha nila sa isa't-isa.
"s*x slave. They're going to make you their own and exclusive s*x slave." nakangising sambit nito atsaka ibinaon ang nagbabagang tobacco sa binti ni Aello.
"Och! ponáei!"
("Ouch! It hurts!") malakas na sigaw ni Aello atsaka sinubukang kumawala sa lalaki.
Ngunit tumawa lang ang lalaki at mas ibinaon pa ang nagbabagang tobacco sa balat n'ya.
Ramdam na ramdam ni Aello ang init at sakit na dulot nito, alam n'yang mahihirapan s'yang maglakad dahil sa ginawa nito.
Ngunit pinigilan n'yang umiyak. Malakas na kinagat n'ya ang ibabang labi n'ya para pigilan ang mga salitang lalabas sa bibig n'ya.
She need to get to their good side. Walang magandang idudulot sa kan'ya at sa Amazonians kung manlalaban s'ya't magpapakita ng aksyon na hindi magugustuhan ng taong may hawak sa kan'ya.
Mala-demonyong tumawa ang lalaki. Inuulit-ulit pa nito ang ginagawa sa balat ni Aello sa iba't-ibang parte ng katawan ng dalaga. At sa bawat paglapat ng mainit na baga nito ay s'yang pag-igik naman ni Aello.
Halos magdugo na ang labi n'ya dahil sa mariing pagbaon ng ngipin ni Aello. Dahil ito sa kagustuhan n'yang hindi galitin ang lalaki, at dahil na rin sa takot na baka saktan nito ang buong tribo.
Akmang papasuin ulit ng lalaki ang kabilang binti ni Aello nang malakas na tumilapon ito sa pader ng silid dahil sa kung sinong sumipa sa katawn nito.
Bakas ang gulat sa nanghihinang mukha ni Aello habang tinitignan ang duguang lalaki dahil sa lakas ng impact ng pagtama ng katawan nito sa matigas na pader.
"Kakogo cherta ty dumayesh', chto delayesh', Estes?"
(What the f**k do you think you're doing, Estes?")
Tila nanindig ang balahibo ni Aello dahil sa lalim at dilim ng boses na taglay ng lalaking sumipa sa lalaki.
Nagangat ng tingin si Aello sa lalaki. Nakapamulsa itong nakatayo sa harap n'ya habang nakatingin din sa kan'ya.
Walang emosyon ang kulay bughaw nitong mga mata, pati na rin ang mukha nito. At ito ang unang beses na nakasalamuha si Aello ng gan'tong klaseng tao.
Isang Russian na hango sa kwento ng taong nagbigay sa kanila ng kaalaman tungkol sa uri ng mundo na nasa labas ng kagubatan.
"Mne ochen' zhal', Demian. No eta skromnaya zhenshchina prodolzhayet deystvovat' mne na nervy—"
(I'm sorry, Demian. But this lowly woman kept getting on my nerves—")
"Ublyudok, on yavno ne eto nam prikazyval. Khochesh' snova ponesti nakazaniye?"
(Bastard, this is clearly not wht he ordered us to do. Do you want to be punish again?)
Sunod-sunod na umiiling ang lalaki atsaka mabilis na tumayo. Tila takot na takot ito sa narinig at mabilis na lumabas ng silid.
Naiwan si Aello at ang lalaki na nagngangalang Demian. Kasalukuyan silang nakikipagtitigan sa isa't-isa.
The man tsked. "I heard that you're able to understand this foreign language?" tanong nito habang nakatingin pa rin kay Aello.
Lumunok si Aello atsaka marahang tumango bilang sagot sa lalaki.
Kinakabahan si Aello para sa sarili n'ya. Dahil hindi n'ya alam kung bakit tila mas nalagay s'ya sa panganib nang malaman ng mga ito na kaya n'yang intindihin ang mga sinasabi nito.
Paano nalang kung malaman ng mga ito na hindi lang ang lengwaheng ingles ang naiintindihan n'ya? That certain man taught her a few more languages! Including the language that the two man were using just a while ago, which is Russian language.
"Huh... you're quiet bright for a woman from a lowly and endangered tribe." sambit ng lalaki. Bakas ang pagkamaha sa boses nito habang nakatingin sa kan'ya.
"Y-you people... won't hurt my people–right?" tanong ni Aello.
Bahagyang lumaki ang mata ng lalaki dahil sa narinig, lumitaw din ang ngiti sa labi nito habang nakatingin pa rin kay Aello.
"Damn, you even know ho to communicate with it?" hindi makapaniwala sabi nito atsaka pinantayan ang nakaupong katawan ni Aello.
"Tell me... how are you able to learned this language?" tanong ni Demian habang may kakaibang ngiti sa mga labi.
Ramdam ni Aello ang panganib na dala ng lalaki, pero nanatili s'yang kalmado at sinasalubong ang tingin ng lalaking ito.
"I... do not know." sagot n'ya.
"Eh?" bakas ang pagka-dismaya sa mukha ni Demian dahil sa sagot ni Aello.
"It's no good then, I know you won't cooperate that much to us." sambit nito atsaka tumayo at namulsa ulit.
Nagsimula itong maglakad, pero nang isang hakbang nalang ang layo nito mula sa pinto ay muli itong humarap sa dereksyon ni Aello.
"You better behave yourself woman, you'll be living here for quite a long time before the auction. I hope you're still alive by that time." saad nito bago lumabas at sinarado ang bakal na pinto.
Gumawa pa iyon ng malakas na ingay dahil sa bigat ng pinto. Nabalot din ng kadiliman ang silid, tanging ang liwanag lang na nagmumula sa maliit na butas sa bakal na pinto ang nagsisilbing ilaw para sa silid.
Puno ng kaba at takot ang dibdib ni Aello, ngunit hindi para sa sarili n'ya–kundi para sa buong tribo. Lalo na't alam n'ya na hindi mapapagkatiwalaan ang mga taong ito.
Auction...
Mukhang tama ang hinala n'ya. Plano s'yang ibenta ng mga tao kumuha sa kan'ya.