THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Ang walong bilyong tao na sinasabing naninirahan sa mundo ay napakalaking bilang na. Kung tutuusin ay nararapat na 'tama' na ito. Sapat na para masira ang kagandahang taglay ng mundo dahil sa mga establisyementong itinatayo at sumisira sa kalikasan.
At iyon ang isa sa dahilan kung bakit nananatili sa loob ng sss Forest ang isang tribo na kilalang-kilala ng mga tao dahil sa sinasabing 'Greek Mythology'. Mga mitolohiya na sinasabi ng mga tao na kathang-isip lamang, gawa-gawa lang at walang katotohanan.
Ang tribo o grupong ito ay nabanggit sa libro at alamat na pinamagatang 'Labours of Heracules, the Arganautica and Iliad'.
Sinasabi rito na sila ay isang grupo ng mga babaeng mandirigma na mas mabangis pa sa liyon dahil sa kakaibang pisikal na lakas na taglay, kakayahan sa archery, at iba pang uri ng sining ng pakikipaglaban.
Tanging mga babae lang ang miyembro ng grupong ito, dahil nakahiwalay sa kanila ang kanilang mga asawa at mga anak na lalaki. It is a group of female warriors, indeed.
At ito ang tribong kinabibilangan ni Aello, ang Amazona Tribe o mas kilala bilang Amazona Warriors
—
"Ti kánete san esás edó?! Aftó eínai éna ieró dásos!" "(What are the likes of you doing here?! This is a sacred forest!)"
Ang malakas na sigaw ni Aello ang bumulabog sa buong gubat. S'ya ay isa sa miyembro ng Amazona Warriors na kasalukuyang naninirahan sa loob ng bago nilang tirahan, ang sss Forest.
Napaatras ang mga armadong lalaki nang makita nila si Aello na may hawak na pinaka-matalim na uri ng espada—the pride of the Amazonians. Nakapuwesto s'ya sa mismong bukana o entrance ng tribo nila na matatagpuan sa pinaka-gitna ng gubat.
Lahat ng mga armadong lalaki ay tila hindi makapaniwala na totoo nga ang impormasyon na nakalap nila, ang impormasyon na totoong nag-eexist pa ang legendary warrior tribe na 'to.
Nabighani rin sila sa magkaibang kulay na pares ng mga mata ng dalagang nanlilisik na nakatingin sa kanila. Maamo at kalmado ang mukha nito maliban sa mga mata nito.
Tila isang lobo na nagtatago sa balat ng tupa!
A man in a black coat who's holding a tobacco emerged from the back of the men. Naging mas alerto si Aello dahil sa tensyon na nararamdaman n'ya.
Alam n'yang darating ang araw na ito, pero hindi n'ya inaasahan na mangyayari ito ngayon! Mas maaga sa inaasahan n'ya.
"Ahh... what a majestic sight! A rare species indeed." sambit ng lalaki bago hinithit ang tobacco na hawak nito.
Aello's eyes widened when she heard the language that the man uses to speak. Tila nanuyot ang lalamunan n'ya dahil kahit hindi n'ya gusto ay naiintindihan n'ya ang sinasabi nito. Ang lengwaheng itinuro ng isang taong malaki ang kasalanan sa kan'ya at sa buong tribo ng Amazona.
"Should I just blow up the whole place? I think it's better to kill the others and atleast take this one. Hmm? What should I do?" sambit ng lalaki bago itapon ang tobacco at hinawakan ang sariling panga bago umakto na nagiisip.
Aello gulped because of what she heard.
Alam n'ya sa sarili n'ya na wala s'yang laban sa mga armas at canyon na dala ng mga ito. Isang putok lang ng canyon ay siguradong marami na ang mamamatay. Naiintindihan n'ya iyon kahit pa sa gubat s'ya lumaki, at dahil iyon sa taong kinasusuklaman n'ya.
The man who gave her and the others knowledge about how dangerous the outside world is. The man that she oaths to kill someday.
Tumawa ng malakas ang lalaki atsaka tinakpan pa ang mukha gamit ang isang palad nito, pero bahagyang nakaparte ang ilang daliri nito kung saan nakasilip ang mga mata nito't derektang nakatingin sa kan'ya.
"Prepare the canyons, we're going to blow them up." utos ng lalaki na s'yang ikinalaki ng mata ni Aello.
Rinig ni Aello ang takot na sigaw ng ibang Amazona na nasa likod n'ya't nasa loob ng gate—mga batang Amazona na hindi pa ganoon kaalam sa pakikipaglaban.
This was the worst timing. Lalo na't si Aello lang ang nagbabantay sa tribo, kasalukuyang umalis ang iba dahil ngayon ay hunting season. So only Aello can fix this matter.
Tila lumilindol o yumayanig ang lupa dahil sa malalaking canyon na kasalukuyang hinihila ng ibang mga armadong lalaki. Habang si Aello naman ay kasalukuyan pa rin na nakikipagtitigan sa leader ng mga lalaki na mayroong malaking ngisi sa labi.
Humigpit ang hawak ni Aello sa handle ng espada n'ya nang itinaas ng lalaki ang kamay nito, at nang akmang ibaba na nito ang kamay ay biglang binitawan ni Aello ang dalawang patalim na hawak n'ya.
Rinig n'ya ang malakas na pagtawa ng lalaki, indikasyon na naiintindihan nito ang aksyom na ginawa ni Aello.
"My, my, my! This is unexpected—you're knowledgeable after all! Perfecto!" tumatawang sambit ng lalaki.
"Come here, cute little kitty of mine." sambit nito, tinatawag si Aello at minumuwestra pa ang kamay dahil akala nito'y hindi s'ya naiintindihan ng dalaga.
Aello bit her lower lips bago tumingin sa mga batang Amazona sa likod n'ya. Sunod-sunod na umiiling ang mga ito habang umiiyak at tinatawag ang pangalan n'ya.
"Me... will go with you people—in one condition." sambit ni Aello atsaka matapang na sinalubong ang mata ng lalaki.
"Ahh! Ahh! Ahhhhh!" the man shouted at tila baliw na kinakamot ang sariling mukha habang tumatawa't nakatingin kay Aello.
"You... you really are a marvelous creature! You even know this foreign language!" manghang sambit nito habang pinagpapatuloy ang ginagawa, halos masugat na rin ang mukha nito dahil hindi pa rin ito tumitigil.
Hindi nagsalita si Aello, hinintay n'ya lang na kumalma ang lalaki at halos ilang minuto pa bago iyon natapos.
Tumatawa pa rin ang lalaki ng muli itong magsalita. "What it is that you want, little kitty of mine?"
Maayos na tumayo si Aello, ikinuyom n'ya ang kamao n'ya habang sinasalubong ang tingin ng estrangherong lalaki na nasa harap n'ya't nilalabanan ang takot na nararamdaman.
"You will not harm my people. Me-" itinuro n'ya ang sarili. "Will go with you." bago itinuro ang mga lalaki.
Napakagat ang lalaki sa ibabang lagi atsaka tila baliw na humahagikhik. "I see, I see. You're negotiating with me. Nice! Nice!"
The man stood up properly and tilted it's head a bit on the side. "Sure, this will save us a lot of trouble. You have my word, my brilliant Amazona. Now... come here."
Muling bumaling si Aello sa mga batang Amazona, binigyan n'ya ito ng isang makahulugang ngiti sa huling pagkakataon bago s'ya nagsimulang maglakad palapit sa mga armadong lalaki.
Marahil nakakulong sila sa loob ng gubat na ito, at inosente sila sa ibang mga makamundong bagay, pero hindi ignorante si Aello. Alam n'ya ang kahahantungan n'ya sa kamay ng mga lalaking ito.
It's either they will sell her or make her their own slave. Since that's what happened to her parents who tried to seek knowledge about the outside world. That's how cruel the people and the world is.
"Ahh! Ahh! Ahh!" sigaw ng lalaki nang makalapit sa harap nito si Aello.
Mabilis na lumapit kay Aello ang ibang lalaki atsaka kinabitan s'ya ng posas sa mga kamay at paa—uri ng posas na hindi basta-bastang nasisira.
Humahagikhik ang leader ng mga lalaki atsaka mabilis na hinaplos ang braso at mukha ni Aello.
"So smooth! Magestic! Perfect!" sigaw nito habang patuloy sa paghaplos kay Aello.
Habang si Aello naman ay hindi maintindihan ang ginagawa ng lalaki. Wala s'yang ibang maramdaman kundi ang galit para sa mga lalaking ito.
"We all... need to go now, t-they're coming back... soon." sambit ni Aello na naging dahilan ng pagtigil ng lalaki sa ginagawa.
Umayos ito ng tayo atsaka malakas na sinampal s'ya sa pisngi. Ramdam ni Aello ang malakas na impact n'on pero hindi n'ya hinayaang matumba s'ya. Sa halip ay muli s'yang tumingin sa lalaki at kalmado ang mukha.
Mahigpit na hinawakan ng lalaki ang pisngi ni Aello. "You have no place to tell me what to do, you lowly creature, but you're right." binitawan nito ang mukha n'ya't ngumiti bago nagsalita sa lengwaheng Russian na pamilyar din kay Aello.
"Poyekhali. Aaa, den'gi! YA uzhe chuvstvoval zapakh deneg!"
(Let's go. Ahh, money! I could smell the money now!)
Malawak ang ngiti na nakabalatay sa mukha ng lalaki habang pinapanuod ang naglalakad na dalaga sa harap n'ya. He was so proud of this excellent find, specially that he know for sure-that the Bognadov will surely market the woman for a great price.
Dahil unang tingin palang sa mukha ng babae, kahit sino ay mapapasabi—
That this woman was a wolf in a sheep's clothing.