Kabanata 003: The Eye Contact

1406 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Prosnut'sya!" ("Wake up!") Napabalikwas ng bangon si Aello nang maramdaman ang paglapat ng malamig na tubig sa katawan n'ya. Habol ang hininga na nagangat ng tingin s'ya sa taong gumawa 'non. Bahagya pang nakapikit ang mga mata n'ya dahil nasisilaw s'ya sa liwanag na nagmumula sa pinto ng silid na kinaroroonan n'ya. "Tsk! Eto bol'she pokhozhe na tebya, gryaznaya zhenshchina." ("Tsk! That's more like it, you filthy woman.") sambit ng lalaking may hawak na balde na kanina ay naglalaman ng tubig ba ibinuhos sa kan'ya. Tumayo si Aello atsaka tumingin sa lalaki. May inilibas ito na kadena. Lumapit ito sa kan'ya atsaka isinuot ang kadena sa leeg n'ya. Napaigik pa s'ya ng bigla nitong hilain ang dulo ng kadena na nakakabit sa leeg n'ya. May mga sinabi pa ito na hindi narinig ng maayos ni Aello dahil sa pagkahilo na nararamdaman. Kasalukuyang nakaposas ang dalawang kamay n'ya sa likod n'ya, ganoon rin ang dalawang paa n'ya ngunit may mahabang kadena na nakakabit sa posas na nasa paa n'ya kaya naman nakakalakad pa rin s'ya. Lumabas sila sa silid na pinaglagyan ni Aello habang hawak-hawak ng lalaki ang dulo ng kadena na nakakabit sa leeg n'ya. Nagmumukha s'yang isang aso na hila-hila ng amo. "Ahck!" igik ni Aello ng malakas na hilahin nito ang kadena, ramdam n'ya ang sakit sa leeg n'ya dahil sa ginawa nito. Masama ang tingin na ipinukol sa kan'ya ng lalaki. "Idi bystreye, suka! Pochemu ya dolzhen delat' eto kazhdyy den'?" (Walk faster, b***h! Why do I need to be the one to do this everyday?) Inis na sabi nito atsaka muling naglakad habang hila-hila ang kadena. Napahinga ng malalim na lamang si Aello atsaka ginawa ang sinabi nito. Muling sinalubong ng malalaking na mukhang abandonadong gusali ang mata n'ya. May iilan din na mga lalaki ang may kanya-kanyang buhat na bakal, at mayroon din naman na naka-purong itim ang suot habang nakatayo lang at tila ino-obserbahan ang lahat. Napa-igik si Aello ng makaramdam ng kirot sa mga paa n'ya kaya naman nagbaba s'ya ng tingin habang naglalakad. Kita n'ya ang pamamaga nito, nagiba na rin ang kulay at dahil ito sa posas na halos isang taon ng nakakabit sa mga paa n'ya. Isang taon na ang nakalilipas mula ng dalhin s'ya ng mga armadong lalaki sa lugar na ito, iyon ay ang sabi sa kan'ya ng lalaking may hila-hila sa kan'ya. Sa pagkaka-alala n'ya ay Olga ang pangalan nito. Ito ang nagiisang tao na umaasikaso sa kan'ya sa isang taon na narito s'ya. Ito ang palaging nagdadala ng pagkain n'ya sa silid na pinaglagyan sa kan'ya. At ito rin ang nagpapaligo sa kan'ya ng halos isang beses kada linggo. Mainitin ang ulo ng lalaki, pero kahit ganoon ay natutuwa pa rin si Aello. Dahil bukod sa matalas nitong bibig at mga salitang binibitawan kay Aello, ay wala na itong iba pang ginagawa sa kan'ya. Lalo na't nakikita n'ya rin sa mga mata nito na nakakaramdam ito ng awa para sa kan'ya. Pumasok sila sa isa mga mga bahay na madalas pinagdadalha nito kay Aello. Ang lugar saan nito pinapaliguan ang dalaga. Nakatayo lang si Aello habang pinapanuod si Olga na isa-isang tanggalin ang mga kadenang nakakabit sa katawan n'ya. "Eto tvoy neudachnyy den', zhenshchina. Segodnya vecherom proydot podzemnyy auktsion, pozzhe tebya obyazatel'no zaberut." ("This is your unlucky day, woman. The underground auction will be held tonight, they'll surely take you later.) Sambit ng lalaki atsaka tinulungan si Aello na isa-isang tanggalin ang saplot na suot. Napabuntong-hininga nalang si Olga ng makita ang sitwasyon ng kamay at paa ng dalaga. Magang-maha iyon dahil sa posas na isang taon ng nakakabit rito. Lumakad si Olga palapit sa gripo at switch ng shower na nasa loob ng silid. Naglabas iyon ng tubig. Napaangat naman ng tingin si Aello sa tubig na tuloy-tuloy na umaagos pababa sa katawan n'ya. Ipinikit n'ya ang mga mata n'ya habang nakatayo lang at hinayaan ang tubig na dumaloy mula sa ulo at pababa sa katawan n'ya. Nanatili lamang si Aello sa ganoong posisyon habang si Olga naman ay nakasandal lang ang likod sa nakasaradong pintuan ng silid. Ilang beses n'ya ng nakita ang hubad na katawan ng dalaga pero hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya makapaniwala sa kurba at makinis na kutis na taglay ng dalaga. Napabuntong hininga na naman si Olga bago magsalita. "Zakonchi eto bystreye, zhenshchina. Oni skoro pribudut — aaa! Kakogo cherta ya voobshche s toboy razgovarivayu? Ne pokhozhe, chto ty menya ponimayesh' ili chto—" ("Finish it quickly, woman. They'll arrive soon—ahh! Why the hell am I even talking to you? It's not like you can understand me or what—") Ngunit naputol ang sasabihin n'ya dahil sa biglaang pagsasalita ni Aello. "Thank you." rinig n'yang sambit ni Aello habang nakapikit parin ang mga mata. Bakas ang gulat sa mukha ni Olga lalo na't sa halos isang taon na pagaasikaso n'ya sa dalaga ay ngayon n'ya lang narinig na magsalita ito. Ito ang unang pagkakataon na narinig n'yang magsalita ito ng isang lengwahe bukod sa mga daing nito na palagi n'yang naririnig. Akmang magsasalita na ulit si Olga ng bigla nalang s'yang tumilapon dahil sa biglaan at malakas na pagbukas ng pinto ng silid. Agad na napamulat naman si Aello atsaka humarap sa pinto. Pumasok ang iilang kalalakihan na pamilyar sa kan'ya. Si Estes, na sumalakay sa tribe nila at nagdala sa kan'ya dito. At si Demian, na nakausap n'ya noong unang araw n'ya sa lugar na ito. "Long time no see, Amazona." sambit ni Estes habang may kakaibang ngiti na nakapaskil sa labi. "It's time to go now." sunod na sabi naman ni Demian. "W-woah! You lucky, Olga! You're able to see this beautiful body everyday?" nanlalaki ang mga matang sambit ni Estes habang nakatingin kay Olga na walang malay at nakasalampak sa sahig. Estes laughed. "This lucky bastard—what if he already pop this woman's cherry—" "Shut it, Estes." pagtigil ni Demian sa mga sinasabi ni Estes. Naglakad naman s'ya palapit kay Aello na kasalukuyang hubot'-buhad pa rin ang katawan. Mahinahon lang na pinagmamasdan ni Aello ang lalaki na palapit sa kan'ya. Akmang magsasalita na si Aello nang bigla nalang may itinarak na kung ano si Demian sa leeg n'ya na naging dahilan ng pagkatumba n'ya. Ramdam n'ya ang panghihina sa buong katawan n'ya habang nakahiga s'ya. Gusto n'yang bumangon pero tila hindi n'ya makontrol ang katawan n'ya, kaya ilang segundo pa—ay tuluyan ng nandilim ang buong paligid. — "This rare item were somewhat more valuable than any kinds of weapon—as it is a destructive weapon itself." Nagising si Aello dahil sa kakaibang ingay na naririnig n'ya. Agad s'yang napatayo at kinakabahan inilibot ang paningin. Walang salitang lumalabas sa bibig n'ya ng mapagtanto n'yang nasa loob s'ya ng isang malaking kulungan. May suot na rin s'yang kakaibang damit pero kasalukuyan pa ring nakakadena ang kamay at binto n'ya. Nabalik lang s'ya sa huwisyo ng muli n'yang marinig ang malalakas na sigawan at hiyawan. Kasabay niyon ay ang biglaang pagbukas ng bagay na nakarang sa harap n'ya. Nanlalaki ang mata ni Aello ng makita kung ano ang nasa harap n'ya. Napakaraming tao, at lahat sila ay sumisigaw at naghihiyawan habang nakatingin sa kan'ya. Mayroon pang may kung anong inihahagis sa kulungan n'ya na naging dahilan ng labis na pagkagulat n'ya. "THIRTY BILLION!" Naguguluhang napatingin si Aello sa taong pinagmumulan ng tinig. Matalas ang pandinig n'ya kaya naman agad n'yang nakita ang taong ito. May kakaibang ngisi ito sa labi habang nakatingin sa kan'ya. "One Hundred Billion." Tila napantig ang tainga ni Aello ng marinig ang isang tinig na naging dahilan ng paghinto ng mga ingay at sigawan. Nakita n'ya ang isang lalaki na nakasuot ng purong itim na kasuotan. "One Hundred Billion. That woman was destined to be my new toy. Those who thinks they're more deserving than me—come forth, I'll kill you with my bare hands." malamig ng tinig na sambit ng lalaki na mas lalong nagpatahimik sa paligid. Tila nahinto ang mundong ginagalawan ni Aello, lalo na ng magtama ang paningin nilang dalawa. Para s'yang nalunod sa ocean eyes na taglay ng lalaking umagaw ng atensyon n'ya. Napalunok s'ya ng biglang umakto ang natural instinct n'ya nang ngumiti ang binata. Because at that moment... Aello was certain, that she won't be able to run away from the man whom she belongs to now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD