Upo, tayo balik sa kama at paikot ikot. Ganito ang nangyayari sa akin sa mahigit dalawang oras sa loob ng aking kwarto. Hindi ako mapakali, hindi ko maipikit ang mga mata ko dahil ang maganda at maamo na mukha ni Alex ang nakikita ko. Sinubukan ko narin manuod ng movie, makinig sa mga kanta at magbasa ng libro pero hindi parin mawaglit sa isipan ko ang kanyang matatamis na labi. Pakiramdam ko tuloy ay tinayardor ako ng sarili ko dahil ako pa mismo ang unang humalik kay Alex. Alam ko na nagulat si Alex pero dapat pinigilan nya ako para hindi na sana nangyari ang mga bagay na hindi dapat mangyari. Tumayo ako at lumabas ng kwarto.. Madilim na ang buong kabahayan, wala ka narin maririnig na kahit anong tunog. Napatingin ako sa gawing direksyon kung nasaan ang kwarto ni Alex. Siguro tulog