Habang tinititigan ko si Alex ay hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari sa birthday party ni Bela kanina. Ipinamukha nya lang naman sa lahat ng tao especially kay Bela na magaling sya sa pagtugtug ng piano. The truth is, nagulat talaga ako. Hindi ko naeexpect na marunong sya ng kahit anong musical instruments, at hindi lang basta marunong kundi napakagaling nya. May mga kilalang tao na lumapit at kinausap sya para magshowbiz pero hindi nya tinanggap. Kung ibang tao siguro ang nasa posisyon ni Alex ay agad agad nitong susunggaban ang oportunidad na maging artista. Pero gaya nga sinabi ko dati pa, iba si Alex. Hindi ko nga alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip nya, sobrang hirap nyang basahin. Gayunpaman, masaya ako na hindi sya mag-aartista for so many reasons at ayaw ko lang rin na