Naging abala ako sa paghahanda para sa grand opening ng isang sikat na five star hotel na pagmamay-ari ng Moteralba mamayang gabi. At kinakailangan ko pumunta para makakuha ng investment gaya nga ng sabi ng Manager ko, malaking tulong ito sa lalong pagunlad ng aking career. Hindi porket isa ako sa pinakasikat na artista sa henerasyon ngayon ay dapat magpakakampante na ako, kailangan ko rin maghabol sa mga endorsement. Pinakatitigan ko ang sarili ko sa harap ng full size mirror. Sinimplehan ko lang dahil ayaw ko naman maging overdressed, the simple the better as long as kaya ako nitong dalhin. Thanks to my manager dahil pinapunta nya ang makeup artist at style ko dito sa bahay kaya hindi na ako masyadong nahirapan mag-ayos sa sarili ko. Napangiti ako ng makita ko si Caicai na hinahabol