Madalas natin naririnig ang mga katagang. Mahal ko o ahal ako. Pero kung ikaw ba ang tatanungin sino ang pipiliin mo? Iyong mahal mo pero ngunit parang may kulang o mahal ka at lahat gagawin para mahalin mo rin sya? Mahirap timbangin di ba? Pero isa lang ang sigurado, masasaktan ka at masasaktan mo ang isa sa kanila. Sa totoo lang naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman. Mali ba na mas pahalagahan mo ang mga bagay na pinaghirapan mo? Mali ba talikuran ang damdamin na bago lang sakin? Mali ba na piliin yong bagay na sa tingin mo ay tama? Mali ba na itama ang mali? Mag-alas tres na nang madaling araw pero hanggang ngayon naghahanap parin ako kay Alex. Nalibot ko na ata ang buong Maynila pero kahit ni anino nya ay hindi ko mahagilap. Naglaho nalang sya