Nakaupo ako sa harap ng Dean's table habang nakayuko. Nilalaro ko din yung mga daliri ko habang naghihintay sa Dean. Kinakabahan ako at yun ang totoo. It's not everyday that I meet a lot of people. Sa ngayon, naghahalo yung nararamdaman ko. I feel happy, nervous and anxious.
"Ah, Miss Tizon," agad akong napatayo at ngumiti sa Dean.
Kulot yung maikling buhok ng Dean. May suot siyang salamin at nakangiti siya ng napakaganda. She looks friendly and I'm having a good feeling about this. It's a good sign that I'll be fine, right? It's a good start.
"Good morning po," bati ko pabalik.
"Good morning. You take a seat," ngiti niya pabalik saka umupo sa upuan niya. "I'm sorry I'm late, medyo busy lang. Alam mo na, intramurals. Takbo dito, takbo doon yung peg ko ngayon," tawa niya. "Peg? Uso pa ba 'yan ngayon?"
I only shrugged at her and smiled unsurely. Hindi ko nga alam kung ano yun 'e. I'm outcasted from the world and I don't know how slang words works.
Intramurals? Kung ganun, malaki ang posibilidad na nandito si Stanley?
My heart skipped a beat. Posible kayang nandito siya o isang coincidence lang? Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. I am excited for the fact that we could be sharing the same school. Kinakabahan din ako because I don't know how I would act if we cross paths. Paniguradong mag-malfunction yung utak ko kapag nagkataon.
"Okay lang po. I don't mind," sagot ko.
Inabot niya yung brown envelope na nasa mesa niya saka kinuha mula dito yung mga papeles. Kung hindi ako nagkakamali ito yung mga credentials ko mula sa pagiging home-schooled. Obviously kailangan nilang makita kung ano yung mga natutunan ko and of course yung grades ko.
"Mukhang hindi naman tayo magkakaproblema sa academics mo since home-schooled ka naman. Kung tutuusin mukhang advance pa nga yung natutunan mo. For sure hindi ka mahihirapan."
Napangiti nalang ako sa narinig ko. Mabuti naman kung ganun. Kinakabahan pa ako kanina kasi baka hindi papasa grades ko sa school na ito.
"For now Miss Tizon, we don't have class since may intramural. Pwede ka namang pumasok at manood ng laro. It's really up to you," baling niya sa akin.
"Thank you Dean," magalang kong sabi.
"Ito nga pala yung class schedule mo," inabot niya naman sa akin yung schedule ko. "Medyo mahihirapan kang hanapin yung mga classrooms but no need to worry. Pwede ka namang magtanong sa mga estudyante. Pwede ka ring maglibot-libot ngayon since wala pa namang regular class."
Inabot ko iyong papel mula aa kanya ay nagpasalamat. Binasa ko naman yung schedule ko at halos lumuwa yung mata ko. Ang dami ko palang subjects! Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita kong may 1 hour break ako. Mabuti naman. Akala ko buong araw yung klase. Made-drain yung utak ko kapag nagkataon.
"And about your condition Ms. Tizon" nawala yung ngiti sa mukha ko. Alam niya? "Sinabi sa akin ng Daddy mo ang tungkol dito. Hindi ka ba mahihirapan?"
Saglit muna akong napatitig sa kanya bago ko siya sinagot.
"Okay lang po. Kaya ko po naman yung sarili ko."
Ngayong may freedom na ako, I want to be independent. Gagawin ko ang lahat ng bagay na wala si Daddy. Malaki na ako. Syempre hinding-hindi ko pa rin kakalimutan yung mga bawal sa akin. Kailangan ko pa ring mag-ingat. I will be responsible.
"Well, if that's the case, don't hesitate to approach me kung may masamang mangyari sa'yo, okay?" tumango lang ako bilang sagot. "Sa loob ng campus na ito, ako lang ang nakakaalam nito, maliban sa'yo."
"Yes Dean. Thank you," tango ko.
Tumayo na ako, nagpaalam sa Dean saka lumabas ng Dean's office. I look around the hallways and found out that no one is actually around, except for myself. Baka nanonood ng laro ang lahat ng estudyante. Hindi malabo yun.
May nakita akong matanda na may hawak na mop. Sa suot niya matutukoy mo na na isa siyang maintenance man.
"Excuse me po," tawag-pansin ko sa kanya.
"Ano yun?" lingon niya sa akin.
"Maari niyo po bang ituro sa akin yung cafeteria?"
Sisimulan ko nalang siguro yung cafeteria. Para naman alam ko na yung daan papatungo dun kung sakaling oras na para kumain. Hindi ako nakakaramdam ng gutom kaya umaasa lang talaga ako sa oras kung kailan ako kakain.
"Straight ka lang dito hija, tapos lumiko ka pakanan," sagot ni manong.
"Maraming salamat po," pasalamat ko.
"Walang anuman," ngiti niya.
Tinungo ko yung cafeteria gaya ng turo ni manong. Tiningnan ko yung oras at napagtantong oras na pala para sa snack ko. Gaya ng sabi ko hindi ako nakakaramdam ng pagkalam ng sikmura kaya hindi ko masasabi kung nagugutom na ba ako. That's why my watch is very important because it tells me when to eat and of course when to go to the bathroom.
Nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko kaya kinuha ko to at binasa yung text. Isa lang naman ang may numero sa akin. Isa lanh din yung inaasahan kong mag-te-text o tatawag sa akin.
From: Daddy
How's school?
Napangiti naman ako. Dad checks me up every now and then, now that I'm going to school. Nag-aalala lang siya sa akin kaya naintindihan ko naman kung bakit text siya nang text sa akin.
To: Daddy
T'was great Dad. This school is huge!
Sent!
Ibababa ko na sana yung phone ko nang may nakabangga ko kaya natapon lahat nang dala nung nakabangga ko. Nagulat ako. First day na first day pa ñang tatanga-tanga na ako. Paano na laya kung magtagal ako dito? I'm a disaster waiting to happen.
"I-I'm so sorry," tanging naisambit ko at pinulot yung mga gamit niya. Kasalanan ko naman kasi kung bakit tatanga-tanga ako.
Nung napulot ko na yun lahat ay tumayo ako at ibinigay sa may ari na hindi man lang umimik.
"I'm sorry ulit," yuko ko.
Nahihiya ako at yun ang totoo. Paano ko ma haharañin yung babae sa harap ko ma hindi ko man lang matingnan sa mata?
"Bakit mo pinulot?" tanong niya.
Tumingala ako nung tanungin niya yun. Tila nawala yung hiya kong nararamdaman at napalitan ng pagkalito. Nakakunot yung noo niya habang tiningnan ako. Medyo mataas kasi siya kay tumingala ako. Nagmukhang tuloy akong maliit.
"Kasi kasalanan ko naman," pagdadahilan ko.
Ngumiti siya sa sagot ko na ikinagulat ko naman. Doon ko napagtanto na maganda pala siya. Doon ko rin nakita yung suot niya. Isa siya sa mga estudyante dito.
"You're too kind. Kaya kayo inaabuso, sobrang bait niyo," inilahad niya yung kamay niya. "Bianca Gonzalo, you can call me Bee," pakilala niya sa sarili.
Inabot ko naman yung kamay niya at nakipagkamayan. "Danielle Tizon."
"So Danielle, ngayon kang kita nakita. Bago ka ba?"
"Oo."
"Binabalaan kita Danielle, maraming bully dito kaya 'wag kang lalampa-lampa. Yung kanina, it was partially my fault. Hindi kasi ako tumingin sa dinadaanan ko kaya nabangga kita. Sorry."
"Okay lang yun. Wala namang nasaktan," pag-ngiti ko.
"Bakit ba ang sobrang bait mo? Anyway, saan ba ang punta mo?"
"Sa cafeteria sana."
"Samahan kita sa cafeteria!"
"Talaga? Gagawin mo yun?"
"Oo naman. At sasamahan mo ako sa court. Naglalaro kasi boyfriend ko doon."
Lumiwanag yung mukha ko matapos marinig yung alok niya. "Sige ba."
Nagku-kwentuhan kami habang tinahak namin yung cafeteria. May mga estudyante din namang bumibili sa cafeteria pero hindi masyadong marami.
I ordered my food and after paying for it, I ate it all and finished it. Hindi naman marami yung binili ko. Yung sakto lang para sa akin.
"One bottled water po," napalingon ako Bee nang um-order siya. "Thank you."
Nakatingin ako sa bottled water na dala niya. Flavored? Grapes?
"Para sa boyfriend ko 'to," nabaling naman yung atensyon ko sakanya. Napansin niya siguro na nakatingin ako dito. "Baka pagdating natin dun, tapos na yung laro nila."
Tumango nalang ako at nagpatuloy sa paglakad. Sa di kalayuan ay rinig na rinig ko ang hiyawan ng karamihan. Posibleng doon kami pupunta. Nakikita ko din sa TV na marami talagang nagtitilian kapag may naglalaro ng sports. Especially kapag mga lalaki yung naglalaro. Kesyo maraming magagandang lalaking naglalaro. Yun din yung kina-tilian ng mga kababaihan.
"Nga pala Bee, ano nga pala yung laro ng boyfriend mo?" tanong ko. Kanina pa niya kasi sinasabi na may laro boyfriend niya pero hindi niya naman sinabi kung ano yun.
"Basketball," nakangiti niyang sagot.
Basketball? Tsk. Naaalala ko na naman si Stanley. Nandun kaya siya? Pwede at pwede ring wala. Hindi pa ako sigurado na dito siya nag-aaral pero deep inside, I'm hoping na dito siya nag-aaral. Ang creepy ko ba?
"Kaya naman pala ang lakas ng hiyawan dun," turo ko sa court.
"Oo naman. Magaling kaya yung team natin. Esecially my boyfriend. Do you know that he had been the MVP for two consecutive years?"
'two consecutive years'
'two consecutive years'
'two consecutive years'
'two consecutive years'
'two consecutive years'
Natigilan ako pagkatapos niyang sabihin yun. Diba sabi ni Stanley na dalawang magkakasunod-sunod na taon na siyang MVP? Hindi kaya ang boyfriend ni Bee at si Stan ay iisa?
Hindi maari!
'Wag munang mag-conclude, Dane! Baka nagkataon lang talaga. Hindi ka pa naman sigurado na dito talaga siya nag-aaral. Kalma muna.
"Hey Danielle, are you okay?"
"Huh?"
"Napahinto ka kasi. Nahihilo ka ba?"
"A-Ah hindi. Okay lang ako."
"Sure?"
"Mmm" tango ko at nagsimula agad kaming maglakad papunta nung court.
Gusto kong tumalikod at tumakbo papalayo, pero ayokong maging bastos kay Bee. Naging mabait siya sa akin at hindi ko kayang gawin yun dahil lang sa kutob ko 'e hindi naman alo sigurado kung tama ba.
Wala namang sabi si Bee na si Stanley yung boyfriend niya. Baka nagkataon nga lang yun at baka matagal na yung naging MVP siya.
"Ahhh. Tama nga ako! Tapos na yung laro nila! Sayang at hindi tayo nakaabot," nguso ni Bee pero sinundan ko pa rin siya hanggang huminto kami sa nagkukumpulang basketball players. "Babe?" tawag ni Bee.
Nasa likuran lang ako ni Bee na tahimik na nakatayo. Ayokong makisali sa kumpulan nila, baka kasi masaktan ako dun.
"Bee!"
Napahinto ako nang marinig ko yun. No. It can't be. Alam na alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon!
"Babe? How was the game? Did you win?"
"Yup! Bakit ngayon ka lang?"
"Binilhan pa kasi kita ng tubig. Ito 'o."
Hindi ko sila nilingon. Alam kong masasaktan lang ako kapag ginawa ko yun.
"Thanks!"
"Oo nga pala Babe. I met someone and she's new here!"
"Talaga? Sino naman?"
Naramdaman ko nalang ang kamay ni Bee sa braso ko at marahang hinarap kay Stanley. Nanlaki agad yung mga mata niya. Muntikan na din siyang masamid sa tubig na inom niya.
"Babe, meet Danielle. Danielle, Stanley," pakilala ni Bee sa amin sa isa't-isa.
Gulat pa rin siyang nakatingin sa akin. Napayuko nalang ako dahil sa nararamdaman ko. Yung puso ko, may pressure na hindi ko alam kung ano yung tawag. Is this pain already? Is this how pain really feels like?
Is it jealousy?
Is it disappointment?