Chapter 5

1805 Words
Gusto niya ako?! Sheeeeet! Ano ba ang pinagsasabi niya? Masyado namang direct at HINDI AKO PREPARED!! "G-Gusto mo ako?" nauutal kong tanong. Ayokong mag-assume pero parang may bumubulong sa akin na isa itong confession. If this is really a confession then it is my first time! "Oo naman," ngiti niya. "Gusto kita bilang kaibigan." Agad bumaba yung magkabilang kong balikat matapos niyang sabihin yun. Oo nga Dane, bilang kaibigan. Huwag kang masyadong assuming masasaktan ka lang. Gusto kong batukan yung sarili ko kung wala lang talaga sa harap ko si Stanley. Get it together Dane! Don't look too humiliated! "Mmm. Gusto din kita bilang kaibigan," ngiti ko. Nakakasira ng araw! Kakakilala lang natin sa kanya Dane! Why would you think that he would like you that fast? As if love at first sight exist. According to some books they don't exist! Pathetic! Ironically, I considered the first day I laid my eyes on Stanley as love at first sight. "Nga pala, late ka na. Diba dapat nasa school ka na?" dagdag ko. "Ah. Opening ng intramurals namin ngayon laban ang kabilang school," sagot niya na ikinatango ko naman. "Sister school." "Yun naman pala 'e. Diba dapat nandun ka?" Feel ko basketball player si Stanley sa school nila. Minsan ko na kasing makita siyang nakasuot ng jersey. Isa pa, palagi silang naglalaro ng basketball kasama yung mga barkada niya. I just wonder if he's really good. Well, kahit hindi naman siya ganun kagaling, it wouldn't change how I feel towards him. "Hindi naman ako nakikinig sa program. Mababagot lang ako dun at paniguradong mapapanis yung laway ko," ngiti niya sabay kamot sa batok. "May sinalihan ka bang laro?" Bopols! Kasasabi mo lang naman diba na basketball?! "Mmm. Basketball." See? Kinalma ko nalang muna yung sarili ko bago magsalita. Baka anong katangahan na naman yung lalabas sa bibig ko. Ayokong mapahiya! Buti nalang talaga mabait si Stanley. "'E bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong ko. "Trip ko lang," tumawa naman siya ng mahina kaya napakunot yung noo ko. "Bakit andami mong tanong? Interesado ka ba sakin?" Agad nanlaki yung mga mata ko. Pusit! Nahulaan niya ba? Hala! Naging obvious siguro ako? Bakit naman kasi ang dami kong tanong? E kasi naman kailangan kong tabunan yung nakakahiya kong tanong gamit yung isang tanong. Hindi ko naman inaasahan na itatanong niya ito. Ano bang alam ko? "H-Hinda 'a! Bawal na bang magtanong ngayon?" nauutal kong tanong. "Hindi naman," natatawa niyang sagot. "'Wag kang assuming boi," I crossed my arms. Shit! Anong boi? Bakit ko sinabi yun? Ang korni ko! Boi? Eww Dane! Saan mo na naman napulot ang salitang 'yan? "Ang sungit mo naman. Napaghalataan ka tuloy," he teased. Nagsitaasan yung magkabila kong kilay. "Anong napaghalataan?" "Wala," iling niya. "Ano nga?" pangungulit ko. "Na gusto mo din ako." Bumilog ulit yung mga mata ko. Paksit! Sabi niya 'din'. Ibig bang sabihin gusto niya din ako? Alam niya ba talaga na gusto ko siya? Omayghad! Nakuha niya kaya yung idea na 'yan dun sa tula kong ginawa para sa kanya? Pusit! Sabi ko na nga ba sana hindi ko nalang yung ibinigay sa kanya! Nakakahiya! Pero yung totoo? Gusto din niya ako? "A-Ano--" "Bilang kaibigan," dugtong niya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Ayan ka na naman kasi Danielle. Kasasabi lang na hindi muna mag-a-assume 'e ito ka na naman. Umayos ka na nga! "O-Ofcourse. Bakit naman hindi?" Napailing nalang siya habang nakangisi. "Hindi ka pa ba nag-breakfast?" "Hindi pa. Kakagising ko lang," sagot ko. Speaking of breakfast, hindi pa pala ako nakakain. Usually kasi kasama ko si Daddy palagi. Kailangan ko ding tingnan yung mga kinakain ko kasi hindi ko malalaman na sumasakit na pala yung tiyan ko. Better safe than never, diba? "Breakfast tayo?" Napahinto ako at napatingin sa kanya. Inaanyayahan niya akong magbreakfast kasama siya?? "A-Ahh--" "Danielle?" rinig kong tawag ni Daddy kaya lumingon ako sa pinto. "Sinong kausap mo?" lumapit siya sa akin saka tumayo sa aking tabi. Nilingon niya naman si Stanley na nasa veranda niya. "Ah Dad, si Stanley nga pala. Stan, Daddy ko," pakilala ko sa dalawa. It's the first time that I'm introducing someone to my Dad. Wala akong kaibigan. Iilan-ilan lang ang may alam sa existence ko. Si Daddy at yung doktor. My relatives know that I exist but they only saw me through pictures. Sobrang overprotective kasi ni Daddy sa akin to the point na hindi niya pinapadalaw yung mga pinsan ko. They all think that I am weird that prevents them from contacting me. I'm okay with it though. Ayoko naman kasi sa mga tao. Introverted, ganun. Sa ngayon kontento na ako na si Stanley pa lang yung kaibigan ko. I have Daddy naman. Daddy is my everything. Without Daddy, matagal na akong kinuha ni Lord. "Magandang umaga po Sir," bati ni Stanley sabay yuko. "Magandang umaga din hijo," bati ni Daddy pabalik. "Hihingi sana po alo ng pahintulot na--" "Manligaw sa anak ko?" Pusit! Daddy! Bakit ba ganyan ka mag-isip?! "Naku! Hindi po! Magkaibigan lang po kami," iling ni Stanley na para bang kinakabahan. Ako yung nahiya para kay Daddy. Sabi ko naman kasi 'e. Overprotective si Daddy. Hindi nga makakalapit yung mga pinsan ko, ibang tao pa kaya? Nilingon naman ako ni Daddy tsaka tinaasan ng kilay. "Magkaibigan lang po talaga kami," pangungumbinsi ko sa kanya. Tumango naman siya saka nilingon ulit si Stanley. "Continue hijo." "Yun nga po," kinakabahang pagpatuloy ni Stan. "Kung pwede po bang mag-breakfast kami ni Dane." Tumaas naman ang kilay ni Daddy na para bang hindi niya inaasahan ang lumalabas sa bibig ni Stanley. Ngunit agad niya naman itong binawi at ngumiti. "Pwedeng-pwede hijo." Napakurap ako sa sagot ni Daddy. Seryoso? Pumayag siyang magbreakfast kami ni Stan? "Talaga po?" sabik na sabi ni Stanley. "Bakit naman hindi? Hindi ka naman makakaabala sa amin kung sasabay ka sa aming mag-agahan." Napabuntong-hininga nalang ako. Sinasabi ko na nga ba. Hindi basta-bastang papayag si Daddy na lumabas ako ng bahay. Kahit na may kasama pa ako. Bakit pa ako nagulat? Tsk. "Halika na hijo," sabi ni Daddy at iniwan kami. "Ilang taon ka na hijo?" pang-iinterogate ni Daddy kay Stanley sa hapag. "18 na po." "Actually Dad, siya po yung nag-birthday kahapon. Yung pinuntahan ko," sabat ko. "Ahh. Talaga?" "Opo Mr. Tizon" "Well, belated happy birthday." "Thank you po." "What do you do for fun?" "I play basketball. Actually dalawang magkakasunod-sunod na taon na po akong MVP." "That's good to hear. How about your academics?" "Okay lang po. Hindi po ako yung pinakamatalino pero nakakakuha po ako ng malalaking marka." "Mmm. Magaling. How about your parents, can you tell us about them?" "My mother is Charlotte Richards and she's a doctor. My father is Albert Richards, he's an engineer. I also have a little brother, he's Stanford Richards." "How old is he?" "5 years old" "Dad?" Sabat ko. "Masyado naman atang marami yung tanong niyo. Halos hindi pa nga nakakain si Stanley kakasagot sa mga tanong niyo. Let him eat." Katabi ko si Daddy at nasa harapan naman namin si Stanley na daig pa ang isang kriminal na ini-interrogate. "I'm sorry hijo. Please help yourself," turo ni Daddy sa pagkain ma nasa hapag. "Maraming salamat po," yuko niya saka nagsimula na ring sumandok ng pagkain. Nagpatuloy lang kami sa pagkain at ramdam ko ang awkwardness ng atmosphere. Parang naging istrikto si Daddy ngayon. Alam kong protective siya pagdating sa akin pero hindi ko akalaing ganito siya ka-protective para kilatisin si Stanley ng ganito. Makatanong parang gustong malaman yung buong pagkatao nung tao. It took us a few minutes bago namin natapos yung pagkain. Nagpaalam na din si Stanley saka ko siya hinatid palabas. "Salamat nga pala " sabi niya. I was silent for a while. I don't know what to say. Medyo nailang pa din ako dahil sa mga naitanong ni Daddy sakanya. "Pasensya na," panimula ko. Talagang ako yung nahihiya para kay Daddy. Hindi ko naman siya masisisi. Only daughter lang kasi ako. Pero unang bisita ko yun 'e. Sana pinapakain nalang muna niya bago tinanong ng napakarami. "For what?" he chuckled. "Kay Daddy," I sighed. "He's really not like that. Sa tingin ko mukhang nagulat lang siya, or more like naninibago lang." "Naninibago? Bakit naman siya maninibago?" kunot-noo niyang tanong. "'E kasi ikaw palang yung una kong naging kaibigan," nahihiya kong sagot. Nanlaki naman yung mga mata niya na para bang hindi niya inaasahan yung sinabi ko. "Seryoso? Wala kang naging kaibigan? Maliban sa akin?" turo niya sa sarili. "Wala nga. Nasa bahay lang kasi ako. Plus, homeschooled pa." "I can't believe it!" nakangiti niyang saad. "I actually feel so honored to be your first friend" Gulat ko siyang tiningnan. "T-Talaga?" "Oo naman!" "Kung ganun, hindi ka nawiwirdohan sa akin?" "Hindi naman. Actually you are very comfortable to be with." Hindi ko mapigilan ang pagngiti. Comfortable? He's comfortable when he's with me? "Sige na. Magpapaalam na ako. Baka hinahanap na ako nung mga kasama ko. Bye Dane!" kaway niya sa akin kaya napakaway nalang din ako sakanya. "Bye" At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Hindi pa rin maialis yung ngiti ko sa aking mga labi. Ang sarap sa feeling. Nung mukhang nahimasmasan na ako sa kilig na akong naramdaman ay agad akong bumalik sa loob ng bahay. Nadatnan ko si Daddy na nakaupo sa sofa sa harap ng TV. Naka-on naman yung TV pero hindi siya nakatingin dito kundi sa akin. "Dad? Bakit po?" "Halika dito," tapik niya sa sofa kaya tumabi ako sakanya. "Danielle, alam kong nasasakal ka na dito sa bahay--" "Dad, okay lang po. Tsaka alam ko naman po na dito lang ako ligtas," pigil ko sa kanya. "But it's depriving you your happiness," malungkot niyang sabi. I sighed but with a smile. "Alam ko po yun Dad. At gusto ko din pong malaman niyo na okay na ako dun. Besides, CIP is a condition that takes away the fun off me. At matagal ko na pong tanggap yun." "Halika nga dito," Dad took my hand and pulled me into a hug. "What did I do to have you?" Niyakap ko lang siya pabalik. Nagbabadya yung mga luha ko pero pilit ko silang pinipigilan. Alam ko naman na hindi ako maging isang normal na teenager gaya nang mga nakikita ko sa palabas. Gustuhin ko mang maging masaya ay hindi ko magawa. Kasi alam ko na may hahadlang sa aking kaligayahan, at yun ay ang kalagayan ko ngayon. I accepted it already. I can't be happy. "That's why I decided..." pinutol ni Daddy yung sasabihin niya sana at kumalas sa yakap. "You decided what Dad?" "I decided to enroll you in a University." Pusit! Totoo?! "T-Talaga Dad? For real?!" "Yes. I want you to be happy and---" "Thank you Dad! Thank you~" Niyakap ko si Daddy ng sobrang higpit. Hindi ko akalain na dadating ang araw na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD