Chapter 7

1931 Words
Nagkatinginan lang kami ni Stanley. His eyes went wide. I don't even know what my reaction is right now. What I know is that he's not expecting me here. Well, sa akin naman ay iniisip ko lang na baka dito nha siya nag-aaral. Kumbaga wala akong kasiguraduhan. Nagbabakasakali lang naman ako. Andun nga yung baka ko pero hindi pa rin ako makapaniwala na dito talaga siya nag-aaral. "Dane?" tanong niya habang nakangiti. Nagdadalawang-isip ako kung ano yung igaganti ko. Napilitan akong ngumiti ng matipid bago ibinalik sa sahig yung mga mata ko. Wala naman akong kasalanan pero bakit hindi ako makatingin sa mga mata niya? "Magkakakilala kayo?" Bee interrupted my train of thoughts. "We're neighbors," sagot niya sa tanong ni Bee. Napatingala ako sa kanya saka nagtama yung mga mata. Ngumiti at napatulala ako. "I can't believe that you're here!" "She's new Babe. Ngayon lang siya pumasok," dugtong ni Bee. "Talaga? Dito ka na mag-aaral?" I only nod as a response. I can't seem to find the words to speak. Hindi ko inaasahan na makita ko talaga siya dito. Hindi ko din naihanda yung sarili kung ano yung gagawin kung nagkataon na magkita kami. Especially now that I know that he already got a girlfriend. That what's bother me. "Nga pala babe. Saan kayo ngayon?" pag-iiba ni Bee sa usapan. "Tapos na yung laro," lingon ni Stanley kay Bee. "I guess we should eat, my treat!" "Really?! Yey!" agad namang yumakap si Bee kay Stanley kaya napaiwas nalang ako ng tingin. Public display of affection makes me uncomfortable. Ano pa kaya kapag si Stanley na na kasama si Bee. It will not only put me in an uncomfortable feeling, but it could give me the pressure in my chest area. "Kakatapos ko lang kumain," sabat ko kaya napatingin sila sa akin. "Busog pa ako." "Ayy, oo nga babe. Sinamahan ko pala siya kanina sa canteen," Bee said as she clings to Stanley's arm. I can't eat too much. I can't tell if my tummy had enough. Hindi ako nakakaramdam ng sakit kung mangyari yun. Baka hindi ko nalang malalaman na call of nature na at hindi ko yun alam. Ayoko namang mangyari yun sa akin. "Kahit hindi marami Dane, please," kumalas si Stanley sa hawak nila ni Bee saka humarap sa akin. "Gusto lang kitang makasama." Ito na naman tayo Stanley eee. Masyado kang pa-fall! Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi ito sa harap ng girlfriend niya. Hello? Kahit sinong girlfriend ay magagalit kapag ganyan umasta yung boyfriend nila sa ibang babae. Pinasadahan ko ng tingin si Bee. Mas lalong kumunot yung noo ko nung nakita ko na parang hinihikayat niya din akong sumama sa kanila. What's wrong with these people? Then I thought Bee would be furious. Iba kasi yung nagiging reaksyon dun sa mga binabasa kong nobela. Iba na ba sa panahon ngayon? Nag-iiba na nga ba? Ngayon lang din kasi ako nakakilala ng magjowa. Maybe Stanley is just friendly kaya nasabi niya yun sa akin and Bee already know na ganito si Stan ka-friendly at hindi na bago sa kanya ito. Tama. It could be! So I shouldn't give meaning to everything he does or say. Baka wala lang ito sa kanya at pinapaasa ko lang yung sarili ko. Tama. "Ano? Sasama ka na?" binalik ko yung tingin ko kay Stanley na nasa akin pa rin yung tingin. "Kung okay lang kay Bee," I drifted my eyes to Bee on his side. "Naks!" sabat ni Bee. "Okay na okay lang sa akin Danielle!" "Talaga?" hindi maka-paniwalang tanong ko. Well, that was fast. "Oo naman! Bakit naman hindi? That is why we should go now before we ran out of seats. Let's go babe," kumapit ulit si Bee sa braso ni Stanley habang ako naman ay nakasunod lang sa kanila. Anong drama ko ngayon? Third wheel? Tsk. Hindi ko nalang pinansin yung nararamdaman ko ngayon at sumunod nalang sa kanila. Marami-rami na din yung mga tao sa paligid kaya medyo kinabahan na ako. Paano kung madulas ako at madapa? Baka masugatan ako na hindi ko namamalayan? Talagang paranoid ako kasi unang pagkakataon ko pang lumabas ng bahay na walang kasama— na wala si Daddy. Dapat ko nang sanayin sarili para hindi ako palaging umaasa kay Dad. Gaya ng sabi ko, malaki na ako at kayang-kaya ko na yung sarili ko. Naging maingat ako sa dinadaanan ko at may mga nakakabangga din ako pero sinisigurado ko na hindi masyadong malakas. Baka mapano ako. Ayoko din magpahalatang paranoid ako. Baka tawagin nila akong baliw. "Hey dude! Dito!" napalingon ako sa may dulo nang may kumaway. Si Tristan pala, kasama din pala niya yung iba pang kaibigan nila na sina Zeke, Troy at Billy. Kasama din nila yung mga girlfriends nila, maliban kay Tristan. If I'm not mistaken, isang babaero si Tristan. Wala siyang dalang mga babae siguro dahil yung mga babaeng dala niya nung nakaraan ay hindi nag-aaral dito. Kaya solo flight siya ngayon. "Dun tayo," turo ni Stanley kaya sumunod kami sakanya. "Dane?" gulat na tanong ni Tristan na agad din namang lumapit sa akin. "You're here!" Ngumiti lang ako sakanya saka niya ako giniya sa upuan. Sampo kami lahat sa upuan ar medyo naiilang na ako. Pilit kong binura sa isip ko yung nangyari nung isang gabi pero parang malabo. "Can someone explain why my sweetheart is here?" taas-baba ang kilay na tanong ni Tristan. "She studies here now,"sagot ni si Bee. "Talaga?!" Tristan exclaimed, looking surprised. "Yup. And don't call her that. Nakakadiri ka dude!" suway ni Stanley na nasa tabi ko lang. Isang maling galaw at maglalapat na yung braso namin. Ganun kami kalapit at ganun ka-big deal para sa akin kapag maglalapat man yung mga braso namin. Sorry na pero ganun ko kagusto yung tao. Yung maliliit na bagay sa kanya ay sobrang-sobra na sa akin. "Chill dude. Ayan ka na naman. Binabakuran mo na naman si Dane," natatawang iling ni Tristan. "Kagabi ka pa 'a!" "Tsk." "Teka nga," sabat ni Bee. "Magkakakilala ba kayo?" napahinto si Bee saka tumirik yung mga mata niya. "Well, obviously, Bee." "Oo Bee. Nandun siya sa birthday ni Stan. Wala ka kasi nun kaya hindi mo siya nakilala," sagot ni Tristan saka siya lumingon sa akin. "Dib, Dane?" tanong niya sa akin na ikinatango ko naman. Naguluhan ako nang biglang natahimik yung mesa. Nagkatinginan yung mga barkada ni Stanley. O Parang isa lang yung iniisip nila, maliban kay Bee na nakakunot yung noo. "Why are you suddenly so quiet?" tanong niya. "May dumaan bang anghel?" "Dane," imbes na sagutin si Bee ay tinawag ako dun sa girlfriend ni Zeke— na hindi ko alam yung pangalan. "Sorry nga pala" "F-For what?" naguguluhan kong tanong. Isa lang naman yung dapat nilang hingin ng tawad pero gusto ko ng kompirmasyon. Well, it wasn't entirely my fault. Kasalanan ko din yun kasi pumayag ako nang hindi alam kung ano yung pinayagan ko. "Kasi hindi namin naisip na baka hindi mo yun magugustuhan," nakayuko niyang patuloy. "We were insensitive. Sorry talaga." All eyes were on me at hinihintay nila ang sagot ko. Para silang mga bata na humihingi ng sorry sa magulang nila. Lahat sila nakayuko maliban kay Bee na wala pa ring alam sa mga sinasabi nila. "Ano bang ginawa niyo?" hindi napigilan ni Bee yung magtanong. "Sshh. Tumahimik ka nga!" saway ni Tristan. "'Eh bakit ba?!" pabulong na sigaw niya. "Sssshhhhhhh!" She then just rolled her eyes heavenwards saka tumingin ulit sa akin. Mukhang hinihintay niya dun yung magiging sagot ko. Napakurap muna ako bago ko sila sinagot. "Okay lang yun. Kalimutan na natin 'yun," ngiti ko sa kanila. Para naman silang nabunutan ng tinik. Napahinga sila ng makuwag at ngumiti sa akin. Napangiti ako sa kanila pabalik saka yumuko ulit. Nasa akin na kasi yung mga mata nila at hindi ako komportable dun. "Ang bait talaga ni Danielle! Hindi ko man alam kung ano yung ginawa niyo sakanya pero kita niyo? She's so kind!" sabi ni Bee. "Thank you Dane. Di mo alam kung ilang gabi akong hindi nakatulog dahil dyan." "Ako din!" "Me too!" "Masyadong mabigat sa puso." "At masakit sa ulo." "Hahaha oo nga!" Sari-sari yung mga reaksyon nila. Masaya naman ako na nag-reflect sila sa nagawa nila. Saka I always forgive naman. "Kalimutan na natin," matipid kong ngiti. "Yes naman!" sabay nilang sabi at sabay ding nagtatawanan. "Order na tayo! Anong gusto mo babe?" malambing na tanong ni Bee kay Stan. Hindi ko man lang magawang magalit kay Bee kasi hindi ko naman boyfriend si Stan. Inaamin kong nagseselos ako but I know my limitations. "Kahit ano," sagot ni Stanley sa kanya. "Alam mo naman gusto ko." "Of course naman! Ako pa ba!" pagmamalaki ni Bee sa sarili. "Ikaw Dane?" baling niya sa akin. "Water nalang," sagot ko. "Water lang?" tanong ni Bee. "Mmm," tango ko. "Ah tama! Kumain ka na pala. Nakalimutan ko. Sorry," paumanhin niya. "Okay lang." She smiled then diverted her eyes to the rest of their friends. "Kayo? Anong gusto niyo?" "Wow! Libre mo Bee?" ngiting tagumpay ni Tristan sakanya. "Libre ni Stanny kaya pili na kayo!!" "Woahhh" "Tara na sa counter!" Nagsialisan na sila sa kanya-kanyang upuan. My eyes followed them until they reached the counter. Pinagtitinginan pa nga sila kasi andami nilang tumatakbo ng parang bata. "Kailan lang?" nagulat ako nang inilapit ni Stanley yung mukha niya sa tenga ko kaya inilayo ko yung sarili ko. "Kailan?" tanong ko. Akala ko sumama siya sa mga barkada niyang mamili ng kakainin. Nakaligtaan kong si Bee na pala yung bahala. "Kailan ka lang nakapag-enroll? Diba homeschooled ka?" tanong niya habang nakakunot yung noo niya. "Bakit?" I paused ang looked down. "Ayaw mo ba?" "No, it's not like that," dali-dali niyang tanggi. "Nagtatanong kang naman ako. Bawal na bang magtanong?" Napangisi ako sinabi niya. He's copying my line. Tumingala ako oara harapin siya. "Si Daddy yung nagpa-enroll sa akin. Nagulat nga din ako nung nalaman ko na mag-aaral ako sa isang university," sagot ko. "I can't believe it! Ngayon makikita na kita araw-araw!" "Nagkikita naman tayo araw-araw 'a." "Pero iba kasi yung malapitan yung mahahawakan kita," sabi niya habang nakatingin sa mga kamay ko sa hita. "Ang layo kaya ng agwat ng veranda natin," nguso niya kaya nagsalubong yung mga kilay ko. I cleared my throat. "Bakit mo sinasabi sa akin ito?" Why is he acting like he wants me? I don't want to put my hopes up. Kakasabi ko lang na hindi ko bibigyan ng ibang meaning yung mga sasabihin niya but I found myself crumbling. "Ang ano?" kunot-noo niyang tanong. "Ito," turo ko kung nasaan kami ngayon. "Yunh sinabi mo ngayon lang. Baka magalit girlfriend mo. Ayokong makasira ng relasyon." Naguguluhan siyang tumingin sa akin kaya nahawa ako sa ekspresyon niya. Tumingin siya kawalan pilit iniisip kung ano yung ibig kong sabihin. "Sinong girlfriend?" tanong niya. Mas lalo akong naguluhan sa tanong niya. Huh? Kakaiwan lang ni Bee sa kanya nagka-amnesia na? Wait teka! Wala na akong maintindihan! "Si Bee," sagot ko. "Ahh si Bianca?" recognition hits him. "Hindi ko girlfriend yun?" Nanlaki yung mga mata ko. "H-Hindi mo siya girlfriend?" He chuckled. "Hindi," iling niya. "Babe yung tawag niya sa'yo." "And does that tell that I'm in a relationship with her?" he slowly leans closer to me. "H-Hindi ba?" kinakabahan kong tanong. Bakit bigla-bigla nalang siyang lalapit? Bakit hindi ko siya matulak papalayo? Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Napakapit nalang ako sa upuan ko to support my weight. Anong ginagawa niya? "Nagseselos ka ba?" tanong niya na ikinagulat ko. Ano daw? Dammit Stanley! Saan mo nakuha 'yan?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD