Chapter 2

1158 Words
"Sige na Dad. Pleaseee~" "Danielle, 'wag matigas ang ulo. Sinabing hindi pwede diba? Paano kung may mangyaring masama sa'yo?" "Aalagaan ko naman po yung sarili ko. At mag-iingat po ako. Pramis!" "No!" "Dad naman." "Hindi ko kakayanin kung may masamang mangyari sa'yo." "Wala po ba kayong tiwala sa akin?" nakanguso kong saad. "Minsan na nga lang tayong i-invite, ayaw niyo pa. Gusto ko pong maramdaman maging isang ordinaryong teenager." "Pero hindi ka ordinaryo Danielle. Alam mo yun," he paused. "Hindi mo pa naranasang makisalamuha sa mga kabataan ngayon. Narinig mo naman sa news diba? Kaya na ng mga minor de edad ang gumawa ng krimen." "Uuwi naman po ako kapag hindi ko nagustuhan yung party 'e. Sa kabilang bahay lang naman Dad. Kung may mangyari man sa akin, tatawagan kita agad. Sige na Dad," pagpupumilit ko. Bumuntong-hininga si Dad at tumingin sa akin. Sana lang madala siya sa tingin ko. Gusto ko talagang pumunta dun. "Gusto ko lang maging masaya, kahit saglit lang," dagdag ko. Napayuko ako. "I can finally feel what it's like to be out there." Inangat ko yung ulo ko saka ko nakita ang paglambot ng mukha. He sighed. "You know that I won't deprive you of your hapiness, right?" Dahan-dahan akong tumango. I know that my dad would only want what's good for me, pero alam ko ding gusto niya din akong maging masaya. But still, meron pa ring mga limitations. "You promise you're going to take care of yourself?" tanong niya. Lumiwanag yung mukha ko saka masayang tumango. "Opo! Pramis po!" sabay taas ng kamay. "Okay," he smiled. Dinig ko mula sa bahay yung malakas na musika sa kabilang bahay. Nakita ko din kung gaano karami yung taong pumasok sa gate nila. Kinabahan tuloy ako. Anong ibibigay ko sakanya. 11th hour na kung mag-online shopping pa ako. Wala akong ibang naisip na ibigay kundi yung poem na ginawa ko para sakanya dun sa mga nagdaang-araw. Nakahiligan ko din ang magsulat. Wala akong ibang magawa 'e. Nagpaalam na ako kay Dad at lalabas na sana ng bahay. This is it. Ito ang unang pagkakataon na makakalabas ako ng bahay na ako lang mag-isa. Nakakalabas naman ako pero kasama si Dad patungong hospital. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at lumabas ng bahay. Sinalubong agad ako ng hangin. Lumabas ako ng bahay at dahan-dahang naglakad papunta sa kabilang bahay. Mahirap na, baka madapa ako at masugatan nang hindi namamalayan. Pinilit ako ni Daddy na mag-wheelchair daw ako. Sino naman ang tutulak ng wheelchair? Tsaka ayokong magmukhang lampa bilang first impression. Kaya maglalakad ako. Derecho lang akong pumasok sa loob ng bahay nila. Sinundan ko yung pinaggalingan ng ingay at idinala ako sa pool area nila. Eh? Pool? Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sobrang wild nung party. Girls were wearing their two-piece bikinis and boys were on their swimming trunks. May mga alak din and some were making out. May DJ din na nagpapatugtog ng music at may mga disco lights din. Hindi ko alam pero parang hindi ko masabayan yung trip ng mga tao dito. Tumalikod ako para umuwi na sana pero napahinto ako so I looked back. Hawak-hawak ni Stanley yung braso ko kaya pala ako napahinto. "You made it," he looks so happy seeing me. "I did," I smiled. "Saan ka pupunta?" kunot-noo niyang tanong. "Uuwi na sana ako--" "But you just got here," he frowned. Bigla kong naalala yung regalo ko para sakanya kaya dali-dali ko itong kinuha sa bag ko. "May ibibigay sana ako sa'yo," sabi ko pero natabunan lang dahil sa ingay. "LET'S MAKE SOME NOIIISEEEE" "WOOOAHHHHH!!" Nabalot ng ingay at hiyawan yung lugar kaya hindi kami nagka-unawaan ni Stanley. It was too loud that we can't even hear ourselves. "I got something for you!" "What?! I can't hear you!" "May ibibigay ako sa'yo!" "Too loud! Let's get inside!" "Ha?!" Bigla nalang niya akong kinaldkad papasok ng bahay. Hawak-hawak niya yung kamay ko. I can feel my heart beating fast. Nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak. Is this euphoria? Huminto kami sa kitchen ng bahay nila. Ngumiti siyang napatingin sa akin. "Happy Birthday!" tanging sabi ko. "Thanks. I'm happy that you're here," ngiti niya pabalik "I'm happy to be here too." nahihiya kong inabot yung poem na gawa ko sakanya. It was written in a stationary. "For you." Nanlaki yung nga mata niyang inabot yung poem ko. "A-Ano 'to?" Akma niya sanang basahin yung poem ko ngunit pinigilan ko siya. "Teka lang!" "Bakit?" naguguluhan niyang tanong. "Mamaya mo na basahin 'yan pagkatapos ng party," sabi ko. Nahihiya ako. Ayokong basahin niya sa harapan ko. Paano kung hindi niya magustuhan? Ayokong makita yung reaksyon niya! "If you say so," sagot niya saka ibinulsa yung tula ko. "Hey bro! Happy birthday!" May bigla nalang lalaking sumulpot. Namukhaan ko siya. Isa siya sa mga kaibigan ni Stanley na minsan na niyang dinala dito sa bahay nila. "Tristan!" Nag-apir naman sila tsaka naman napatingin sa akin yung Tristan. "Well, well, well. Who's this chick over here?" He checked me out from head to toe that gives me the shivers. "Meet Danielle, Dane for short. Dane, this is--" "Tristan, Tristan Martinez, sweetheart." inabot niya yung kamay ko at hinalikan. "Hi," tanging sagot ko. Agad namang pumagitna si Stanley at inilayo si Tristan sa akin kaya napunta ako sa likuran niya. Hindi ko tuloy makita si Tristan kasi matangkad din si Stanley. "Dude, not her," he said. Siguro I was being assuming we I thought that I heard possessiveness on his voice. Napahinto si Tristan pero ngumisi naman siya kalaunan. "Yaaaaan! Girlfriend mo?" tanong ni Tristan. "Hindi," diretsong sagot ni Stanley. "E bakit binabakuran mo na?" "Kasi alam ko ang mga uri mo." "Ouch !” napahawak naman si Tristan sa dibdib niya na para bang nasaktan sa sinabi ni Stanley. "Ang harsh mo naman bro" "Ewan ko sa'yo dude. Maraming chics dyan sa labas. Pumili ka dun, 'wag lang 'to," sabi ni Stanley "Naks! Mukhang may tinamaan 'a!" "Ulul!" sabay batok kay Tristan. "H-Hindi 'a! 'Wag kang maniwala sa gagong 'to!" Nilingon niya ako kaya lihim akong napangiti. Ang cute nyaaa!! "Talaga lang 'a!" "Oo nga! Lika na! Sasamahan kita maghanap!" nakangusong saad ni Stanley tsaka humarap sa akin. "Babalik agad ako Dane." Tinalikuran nila ako at lumabas na ng bahay. Uupo na sana ako kaso may nakita akong bata na pilit inaabot yung cookie jar na nakalagay sa mesa kaya lumapit ako dito at ibinaba ang cookie jar. "Hi," bati ko dito. Napatulala na napatingin sa akin yung bata. Tsaka ko siya nakilala. Siya yung kapatid ni Stanley! "I'm Ate Dane. You are?" "S-Stanford," sagot niya. "Hi Stanford," nakangiti kong sabi. "Ate Dane you're pretty," pagkatapos niyang sabi yun ay humalik siya sa pisngi ko. Ang cute nyaaa!! "You're cute too" sabi ko at kinurot yung malalaki niyang pisngi. Siopao!! "Ate Dane, can you be my girlfriend?" Nanlaki yung mga mata ko matapos marinig yun mula sa kanya. Ano daw? Girlfriend?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD