Chapter 3

1356 Words
"This is my favorite toy. It's a gift from my Mom. It's so cool that I played with it everyday! Kasama ko pa nga tung matulog," inabot sa akin ni Stanford yung toy car niya na sobrang laki. Konti nalang at kakasya siya dito. Ibinahagi niya lang naman sa akin yung mga laruan niya habang hinihintay ko si Stanley na bumalik. "Hmm. Ang laki naman neto," komento ko. "That's why it's my favorite," sagot niya. "Dane!" Napalingon ako at nakita ko si Stanley na papalapit sa akin. "May ipapakilala ako sa'yo," sabi niya. Inabot niya yung kamay ko at akmang huhugutin nang hinawakan ni Stanford yung kamay niya. "Where are you taking my girlfriend?" kunot-noong tanong niya sa kuya niya. Pigil-tawa akong napatingin sa kanila. Ang cute lang! "Girlfriend?" naguguluhang tanong nung kuya sa kapatid. "Yeah. She's my girl so you better back off!" maangas na sabi ni Stanford. "Ang bata mo pa para magka-girlfriend Ford.” "Age doesn't matter," nilagay nya sa magakabilang hawak yung mga kamay niya. "Yaya?" Tawag ni Stanley at lumapit agad yung yaya nila. "Yes po?" "It's already late. Diba dapat natutulog na si Ford?" "Naku! Jusko kang bata ka! Akala ko ba nakatulog ka na?" Agad namang kinuha nung Yaya si Stanford. "Pasensya na sir. Akala ko po kasi nakatulog na ito. Hindi ko po alam na lumabas pala." "Okay lang." "Sige sir." Iniwan na kami nung Yaya, napanguso nalang si Stanford. He waved his hand at me and so I waved back. "Girlfriend?" kunot-noo akong sinalubong ni Stanley nung nilingon ko siya. "What?" tanong ko. "Nevermind," sabi niya pa at hinawakan yung kamay ko at iginiya palabas. Sinalubong agad ako ng malakas na musika. Masakit sa mata yung mga ilaw pero agad din akong nasanay. Ito pala yung normal na buhay? Wild? It is so out of my comfort zone. "Hey guys look! The birthday boy is here!" "Woahhhh!" "Sino yang kasama mo dude?" Sigaw agad ng mga barkada ni Stan ang narinig ko. Alam ko kasi madalas silang pumupunta dito sa bahay ni Stan. "Si Danielle pala, kapit-bahay namin. Dane, sila yung mga kaibigan ko," turo niya sa mga kaibigan niya. "Si Zeke, Troy at Billy, at yang mga babaeng kasama naman nila ay mga girlfriends nila." "Hi Dane" "'Sup?" "Hey" "Hello" Tumango lang ako sakanila bilang sagot. "And of course, you met Tristan," turo niya kay Tristan na may dalawang babaeng nakadikit. "Don't go anywhere near him. Nakita mo naman diba?" bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Huy! Anong ibinulong mo dyan? Sinisiraan mo ba ako?"tanong ni Tristan. "Hindi!" Stanley denied. "Psh! Siguraduhin mo lang Richards 'a!" malalagot ka talaga sa akin. Napailing nalang si Stan habang iginiya ako sa table ng mga kaibigan niya. "Guys! Come on! Let's do some body shots!" sigaw nung girlfriend ni Zeke. Body shots? Ano yun? Before I could ask, they already made a circle around a long table. May salt, lime, shot glass and a bottle of tequila sa gilid. "Sino ang mauna?" tanong nung isang babae. "Ako!" presenta ni Tristan. "Pipili nalang ako sakanila kung sino ang partner ko," turo niya sa mga babaeng nakadikit sakanya. "Hindi pwedeng si Tristan. Palagi nalang siya, nakakasawa na." "Nakakasawa? Psh," ani Tristan. "Oo bro. Nakakasawa ka na. Ikaw nalang lagi," sabi ni Zeke. "KJ naman nito," bulong nalang niya. "I know! How about the birthday boy?" "Oo nga!" "Stanley, ikaw nalang please." Stanley chuckled. "No. Kayo nalang." "Sige na please. Kahit ngayon lang," pagpupumilit ng barkada niya. "Wala naman akong partner. Kayo nalang. Tutal, dala niyo naman girlfriends niyo," he refused again. "Gusto naming ikaw 'e! Tsaka, sino namang nagsabi na wala kang partner?" sabay naman silang napatingin sa akin. "No," pag-aayaw Stanley. "Bakit?" halos magkasabay nilang tanong. "Basta ayoko,” matigas niyang sabi. Bakit? Ano bang meron sa body shot? Oo nung una kong napakinggan ito, ang laswa na. But I never knew what it is at kung ano yung gagawin? I must really say that I got really curious. "Okay lang naman ni Dane, diba Dane?" Tanong nung gf ni Troy. Napakurap ako nung lahat sila ay napatingin sa akin. "O-Okay lang," wala sa sarili kong sagot. "Yes!" "Yun oh!" "Pumayag ka na Stanley!" Nag-alalang napatingin si Stanley sa akin. "Okay lang sa'yo?" "O-Oo," sagot ko. Siguro dahil sa curiosity ko kaya ako pumayag. I mean, minsan lang akong makakalabas at dapat sulitin ko na. "Don't hate me after doing it, will you?" nag-aalala pa ring tanong niya. Kinabahan tuloy ako sa susunod na mangyari. Hindi ako nakasagot kasi hinila na ako nung mga girlfriend ng mga kaibigan niya. "Humiga ka," sabi nung isa. "H-Higa?" naguguluhan kong tanong. "Oo. Paano natin gagawin yun kung hindi ka hihiga? Unless-- huh!" napasinghap siya at nanlaki yung mga mata niya. "Hindi ka pa naka-try nito?" "H-Hindi pa," nauutal kong sagot. Ngumiti naman siya nang sobrang lawak sa akin at nilagay yung kamay niya sa balikat ko. "Don't worry. You're gonna love it!" "Humiga ka na," sabi naman nung girlfriend ni Billy kaya humiga na din ako. "Whoaaaa!" "Ito naaa!!!" "Ilagay mo 'to sa bibig mo Dane," abot nila sa lime. Kinabahan man ay inilagay ko pa rin sa bibig ko yung lime na inabot nila. Nagsalin din ng tequila si Zeke sa shot glass at ibinigay kay Stanley na nasa paanan ko. "Saan mo gusto dude?" Tanong ni Tristan na may dalang asin. A-Anong saan? Nakita ko yung pamumula ng pisngi ni Stanley na hindi naman makatingin sa akin. "H-Hindi ko alam," nauutal na sagot ni Stan. "Hindi mo alam? Ang weak mo naman dre!" pangungutya ni Tristan. "Sa tiyan na 'yan!" I was stunned when one of the girls lifted my shirt up to the lower of my breast revealing my tummy. Shit! What did I get myself into? I felt myself blushed. They just lifted my shirt! Tatayo na sana ako pero pinigilan ako sa mga jowa ng barakada ni Stanley. Nagsimula na akong kabahan ng todo. Inilagay naman ni Tristan yung asin sa tummy ko. "Kinakabahan ka ba dude?" "H-Hindi ah!" "Owss? Mukha mo! Parang hindi sanay ah!" "Oo nga! You did this before, diba? Hindi mo na ito first time." "Man up bro!" Pumikit muna si Stanley saglit. When he opened his eyes, biglang napalitan yung kinakabahan niyang expression. Naging seryoso siya bigla. "There you go!" "Yan ang kilala naming Stanley!" "Simulan mo na!" Our eyes met and we were staring at each other for a few seconds bago siya yumuko sa tiyan ko. I can feel my heart beating fast! Pababa nang pababa yung mukha niya sa tiyan ko. And before I knew it, his lips met my tummy. I felt his tongue going circles on my tummy while licking the salt. He's closing his eyes while licking my tummy. Pigil-hininga ko naman siyang tiningnan habang ene-enjoy yung ginagawa niya. "Yaaannn!!" "Woaahhhh!!" After licking my tummy, he lifted up and drank the tequila from the shot glass at nagtagpo na naman yung mga mata namin. Lumapit siya sa aking mukha. Habang papalapit siya, nagwawala yung puso ko na para bang gustong kumawala. Nahagip ko yung hininga ko nung sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Napapikit ako nung akma na niya akong halikan. I felt the lime moved from my mouth kaya binuksan ko yung mga mata ko. Kinuha niya pala yung lime mula sa bibig ko gamit yung bibig niya! "Yesss!!" "Good one bro!!" Nagsihiyawan yung mga kaibigan niya. Agad akong umupo mula sa pagkahiga at natulala. Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyari yun! "Dane?" nag-alalang tanong ni Stanley sa akin. "Okay ka lang?" Ngumiti ako nang pilit. Hindi 'to tama. Pakiramdam ko nabastos ako. Kailanman wala pang nakagawa sa akin nito. Naiiiyak na ako! "E-Excuse me,” I excused myself. Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at agad naglakad papalayo sa kanila. "Dane!" Narinig ko yung tawag ni Stanley sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Nahihiya ako. Natatakot ako. Ewan ko pero bago para sa akin ang pakiramdam na ito. Hindi malabong nabastos ako! Bakit pa ako pumunta? Tama nga si Daddy. Mas mabuti pang manatili ako sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD