Pagbaba namin ng van ay namangha agad ako sa laki ng mansyon. May kalumaan 'yung arkitektura pero maganda 'yon, puting-puti at malinis, mahahalata na alagang-alaga at wala ni isang bahaging napabayaan. Mukhang magaling din sa paghahardin si Josefina dahil luntian ang yarda at sagana sa Morning Glories. Pati 'yung fountain ay malinaw ang tubig.
Pagpasok namin sa loob ay masarap sa mata ang kulay kremang carpet at muwebles sa buong kabahayan. Maaliwalas ang mansyon at hindi talaga ako mag-iisip na may kababalaghang nangyayari rito kung hindi lang ako unang nasabihan. Nag-expect ako ng haunted house o ng bahay na luma, sira-sira, at madilim pero sa halip ay karangyaan ang sumalubong sa'kin.
Para sa mansyon na hindi tinutulugan ni Josefina dahil sa katatakutang nangyayari rito, hindi ganito ang inaasahan kong dadatnan ko.
"Para itong bahay ng Presidente. Sigurado kayong hindi niyo lang guniguni 'yung tungkol sa senyorito?" tanong ko kay Josefina, nag-iingat na hindi maging partikular dahil nandito ang driver at nakikinig.
"'Wag kang mag-alala. Alam ko ang tungkol sa pagmumulto ni Senyorito Giovanni," saad ng driver na si Edgar.
Giovanni pala ang pangalan ng senyorito. Yamanin pakinggan infairness.
"Minsan nang nawala sa loob ng mansyon na ito ang labing walong taong gulang kong anak na babae." pagpapatuloy ng driver. "Kung saan-saan na namin siya hinanap dito pero makalipas ang tatlong araw, kusa na lang siyang lumabas ng mansyon nang hindi alam kung anong nangyari sa kanya. Ang unang mga salita niya paglabas ay 'nauuhaw ako, papa'."
"Ligtas siyang nakalabas, 'yon ang mahalaga." pagdidismisa ng striktang si Josefina. "Sumunod ka sa'kin, Ramona. Ipakikita ko sa'yo ang magiging silid mo para mailapag mo na 'yang mga bagahe mo."
"Sige po."
"Edgar, iwan mo na lang sa kusina ang mga ipinamalengke natin. Pagkatapos no'n ay makakaalis ka na." bilin niya sa driver. Lumakad na siya sa kabilang direksyon kaya sumunod na rin ako.
"May alam ba kayo tungkol sa pagkawala ng anak na dalaga ni Edgar na hindi niyo sinasabi?" tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghila ni Chim-chim sa laylayan ng damit ko pero hindi ko siya pinansin. "Kailangan kong malaman, maiiwan ako rito gabi-gabi kasama ang senyorito o kung ang ano pa mang nilalang kaya dapat handa ako."
Hindi siya umimik. Maldita talaga.
"Siguro nangangain ang senyorito at ako ang sunod na alay, 'no?" nasubsob ako sa likod niya nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. "Aray! Ay! Masakit 'yun, ah."
"Ramona." kinabahan ako dahil baka nagalit siya sa biro ko.
"Y-Yes po?"
"Birhen ka pa ba?" napatanga ako sa tanong niya.
"H-Ha? A-Ano po?"
"Tinatanong ko kung may nakagalaw na ba sa'yo?" seryoso talaga siya. Ayokong mapalonda pwet jaya nagpakatino na ko.
"A-As in na-penetrate po ba? K-Kasi kung nag-Happy New Year sa insert-the-coin ko hindi po wala pa. A-Ano lang nagmomol kami tapos sinakal niya ko sabi ko pa nga 'choke me dadd—'"
"Dios Mio, tama na! Kulubot na ako at matanda hindi ko na kailangang malaman ang mga detalye!" pinamulahan siya ng tainga.
"S-Sinagot ko lang naman ang tanong niyo with explanation, eh."
Napahilot siya sa sentido. "Kung totoong birhen ka pa, mag-ingat ka. Noong nabubuhay pa ang senyorito ay wala siyang awat sa pambababae at paborito niya ang mga dalisay pa. 'Yon lang ang kailangan mong malaman."
Nagkatinginan kami ni Chim-chim na nasa tabi ko lang at nakakapit pa rin sa laylayan ng damit ko. Pagdating namin sa silid ay binilinan lang ako ni Josefina na tapusin agad ang pagliligpit ng mga gamit tapos iniwan niya na rin ako. Pag-alis niya ay masinsinan kong kinausap si Chim-chim.
"Pwede mo ba 'tong imbestigahan para sa'kin?" malambing kong paghingi ng pabor sa bata. Yumakap siya sa kandungan ko tanda ng pagtanggi.
Pa'no ko ba siya kukumbinsihin?
"Sige na, Chim? Please?" nagpa-cute na ako. "Kailangan ko ng tulong mo. Masyadong magaan sa pakiramdam ang mansyon na 'to para sa mga kinukuwento nilang kababalaghan. Gusto kong tingnan mo kung may iba pa bang multo o maligo rito maliban sa senyorito."
Mabait siyang tumango. Sa huli ay wala rin siyang nagawa kundi pumayag sa pakiusap ko.
SA TATLONG ARAW na pananatili ko sa mansyon ay nakabisa ko na ang mga pasikot-sikot dito. Nag-umpisa ako sa mga silid, pasilyo, at balkonahe hanggang sa hindi na ako naliligaw. Pinrioritize ko talagang alamin 'tong buong lugar para sa kaligtasan ko lalo pa't nararamdaman kong may tinatago si Josefina mula sa'min ni Edgar. Sigurista yata ako.
Isa pa sa mga inaalala ko ay si Chim-chim na pagkabalik sa'kin mula sa pag-iimbestiga ay hindi na natigil sa pag-iyak. Tinuturo niya 'yung nakakandadong kuwarto sa dulo ng second floor— silid na kabilin-bilinan ni Josefina na bawal ko puntahan.
Tuwing dadaan tuloy ako ro'n ay napapaisip ako. Anong nakita ni Chim-chim at gano'n na lang siya kung matakot?
"'Yong kuwarto sa second floor, 'yung nasa dulo, hindi po ba natin lilinisin?" pasimple kong tanong kay Josefina isang araw habang pinupunasan ko ang mga platong hinugasan niya.
"Linisin mo na ang lahat maliban do'n," aniya.
"Bakit?"
"Dahil 'yon ang sabi ng amo natin. Kuwarto 'yon ng senyorito at hindi natin puwedeng galawin."
"Kung bawal tayo ro'n baka sobrang tagal na no'ng hindi nalilinisan. Hindi ba magagalit lalo ang amo?"
Strikta siyang ngumuso sa liquid soap sa tabi ko dahil naubusan na siya. Binigay ko 'yon sa kanya.
"Mas magagalit siya kung manghihimasok tayo at susuwayin siya, Ramona."
"Pero may susi ka no'ng kuwarto?"
"Mayroon pero hindi tayo papasok do'n."
"Ayaw niya magpapasok pero binigay niya 'yong susi sa'yo?"
Nagulat ako nang padabog niyang nilapag sa dish rack ang hinugasang baso.
"Hindi ba't sinabihan na kitang hindi ka puwede mag-usisa? Ang mansyong ito ay hindi nangangailangan ng pakikialam mo, Ramona. Binabayaran ka para magbantay kaya 'yon lang ang gagawin mo. May susi o wala hindi ka pupunta sa silid na 'yon, entiendes?" iritable siyang nagpunas ng kamay sa apron at saka nag-walkout.
Hindi ako nagpadala sa pagiging moody niya kaya no'ng hapon ding 'yon habang nagsisiyesta siya ay maingat akong pumasok sa kuwarto niya para hanapin ang koleksyon ng mga susi sa mansyon na siya lang ang may hawak. Nahirapan akong kunin 'yon sa kabinet dahil marami at maingay, kumakalansing kapag nagtatama.
Naalimpungatan pa nga siya at bumangon kaya dali-dali akong nagtago sa ilalim ng kama. Ang tagal bago siya makabalik sa pagtulog, akala ko nga aabutan na ko ng gabi sa ilalim ng amoy Katipunero niyang kama.
Matapos ang makapigil hininga kong pagtakas sa silid niya ay tumungo na agad ako sa kuwarto ko para do'n itago ang mga ninakaw kong susi. Aalis naman siya mamayang gabi kaya bukas na bukas din bago pa siya makabalik dito ay maipapa-duplicate ko na ang mga 'to.
Hindi magtatagal ay makakapasok na rin ako sa silid ng senyorito. Malalaman ko na kung anong natatagong lihim do'n.
Proud kong in-examine sa ilalim ng ilaw ang mga susi. "Good job, Ramona. Pwede ka na sa salisi gang pagkatapos nito."
"Anong salisi gang?" biglang pagpasok ni Josefina.