Umiling ako bago pa man mabuo sa isip ko ang hinalang totoo ang namagitan sa'min ng senyorito at hindi lang isang panaginip. Hindi ko dapat iniisip 'yon dahil imposible 'yon. Mas imposible pa sa imposible.
Baliw na ko 'pag naniwala akong nagalaw ako ng isang multo. Kahit ang mga kaibigan kong psychic pagtatawanan ako kapag sinabi kong nakipag-s*x sa'kin ang amo kong multo. Baka sabihin pa nila pinagpapantasyahan ko 'yung tao. Ew, ano ako may kink sa patay? Sa patay na patay sa'kin pwede pa.
Napukaw ako sa ingay ng mga kubyertos ni Josefina nang tumigil siya sa pagkain. Hindi ko napansin na kanina niya pa pala ako kinakausap habang nanananghalian kami.
"B-Bakit po? Pasensya na hindi ko kayo narinig kanina." paumanhin ko.
"Anong hindi narinig, magkaharap lang tayo. Wala ka yatang gana hindi mo pa nagagalaw ang pagkain sa plato mo," aniya na mahihimigan ng pagtatampo. "Hindi mo ba nagustuhan ang luto ko?"
"A-Ah, hindi. Masarap po ang pagkain walang problema rito."
"Kung gano'n lantakan mo na 'yan bago pa lumamig at magtampo ang grasya." Gumiya siya na kumain na ko kaya sumunod na lang ako at tumikim ng luto niyang Humba. Ang sarap nga no'n.
Habang ngumunguya ay 'di ko pa rin maiwasang mabahala. Naalala ko na may isang uri ng diyablo na nakikipagtalik sa tulog na mga babae sa gabi— incubus ba ang tawag do'n?
Napayakap ako sa sarili. 'Wag naman sana.
"May gusto sana akong itanong kung okay lang," paalam ko kay Josefina.
"Ano 'yon?" abala siya sa paghihimay ng baboy sa plato niya.
"Talaga po bang babaero ang senyorito?"
Napaangat siya ng tingin sa'kin, nabigla sa tanong ko. "Babaero nga siya, Ramona. 'Yon ang sabi ko no'ng unang araw mo, hindi ba."
"Nagdadala ba siya ng babae rito lagi, tipong iba-iba kada linggo?"
"Sa pagkakatanda ko isa pa lang ang babaeng dinala niya rito. Pero maraming kuwento na kumakalat, kahit ang mga taga rito alam ang balita."
"Balita? Anong balita?" pagtataka ko.
"May mga usapan na marami nang panganay ang senyorito sa iba't-ibang bayan dito."
Naibuga ko ang kinakain ko sa gulat. "T-Totoo po?!"
Aba matindi nga!
"Yon ay usap-usapan lang naman. Ano bang malay natin kung 'yung mga babaeng nagsasabi na naanakan sila ng senyorito ay baka naghahabol lang ng pera, manggagantso kumbaga kahit wala namang dugong Conte ang batang dinadala nila." paliwanag niya.
"Kung gano'n tinatakbuhan lang sila ng senyorito? Pa'no kung may nabuntis talaga siya?"
"Humaharap sila kay Doña Josephine— ang abuela ng senyorito. Tinatampal sila no'n ng pera pang DNA test, pinagbabantaan na kapag bumalik sila ritong hindi napatunayan na si senyorito ang ama ng dinadala nila ay ipahuhuli sila. "
"Nakakatakot. Like lola like apo.."
Naningkit ang mga mata niya. "Teka, bakit nga ba interesado ka ngayon sa senyorito? Ano na namang kabulastugan ang iniisip mo, Ramona?"
"W-Wala po ah. Curious lang bawal ba? Siya nga pala, mayroon ba kayong litrato niya? Gusto ko sana siyang makita."
"Ramona, tapatin mo nga ako." seryoso niyang binaba ang mga kubyertos na hawak para magpokus sa'kin. "May kinalaman ba 'to sa panaginip mo? Ang senyorito ba ang dahilan ng bangungot mo? Siya, ano?"
"P-Po?" p-pa'no niya nalaman? Mind reader ba siya?! Sabi ko na nga ba may lahing mangkukulam ang matandang 'to, eh!
Binuking ako ng reaksyon ko. Na-realize ko lang na hindi na pala maipinta ang mukha ko nang nababahalang nahulog ni Josefina ang baso niya at mabasag 'yon.
"Di*s ko, Ramona, nagkita nga kayo ng senyorito," aniya na biglang namutla.
"N-Nagkataon lang na napanaginipan ko siya. Hindi ko maalala ang mukha ng lalaki sa panaginip ko kaya gusto ko sana siyang makita... kung mayroon kang litrato niya, Josefina."
"Hindi, hindi, mas maiging 'wag mo na alamin ang kahit na ano tungkol sa senyorito." Bigla siyang tumayo at atubiling nagligpit ng pinagkainang hindi niya pa tapos ubusin.
"Anong 'wag alamin? Bakit?" natataranta na rin akong napatayo.
"Kapag inalam mo ang sagot sa mga tanong na 'yan ay para mo na rin siyang inimbitahang pumasok sa buhay mo. Isipin mo na ang panaginip na 'yon ay pinto, kailangan mo 'yong isara para hindi ka na niya gambalain pa!"
"P-Pero pa'no kung nanghihingi siya ng hustisya kaya hindi siya matahimik? P-Pa'no kung may gusto siyang sabihin at kailangan niya lang ng espiritistang makikinig? Kailangan natin siyang tulungan, Josefina."
"Kahangalan 'yan, Ramona. Hindi mo alam ang sinasabi mo!" nababalisa siyang naglakad-takbo papunta sa may altar at doon nanalangin.
"Kung ayaw mo ako ang tutulong sa kanya." pagmamatigas ko.
"Binalaan na kita. Sinabihan na kitang 'wag mag-usisa dahil para sa'yo rin 'yon pero hindi ka nakinig bata ka!"
"Huli na para magsisihan, Josefina. Pa'no ko siya hindi iisipin kung dito ako sa pamamahay niya nakatira? Pa'no ko kakalimutan 'yung nangyari sa'min kung sinabi niyang namarkahan niya na ko?"
"M-Marka?" para siyang nakakita ng multo nang lingunin ako.
"Sabi niya namarkahan niya na ko. Hindi ko na maalala 'yung iba pa naming napag-usapan."
"Di*s ko, hindi, hindi." nanlulumo siyang bumagsak sa mga tuhod niya. Nanindig ang balahibo ko sa sunod niya pang sinabi, "Ramona, mag-iingat ka. Ikaw ang napili niyang paglaruan."
ILANG GABI AKONG hindi pinatulog ng sinabing 'yon ni Josefina. Gusto ko naman talagang tulungan ang senyorito kung may hindi nagpapatahimik sa kanya pero dahil sa 'mag-iingat' ka ng mayordoma ay nanaig na sa'kin ang takot at hindi na ko nakakilos...
...hanggang sa dumating ang araw na may narinig akong batang lalaki na tumatakbo sa hagdan ng mansyon. Masayahin siyang nakikipaglaro, pilyo dahil nagpapahabol tapos tataguan ka naman niya, at kapag alam niyang pasuko ka na ay saka ka niya tatapikin sa likod at tatakbuhan uli.
Hindi ko alam kung na saan si Chim-chim pero kung ligtas kasama ang batang 'to ay paniguradong nakipaglaro na siya rito.
"Okay, taym pers, taym pers!" saad ko na hinihingal na sa pagod.
Pagtigil namin sa habulan ay saka ko lang namalayan na nakarating na pala ko sa second floor ng bahay. Nang marinig kong umiiyak 'yung batang lalaki ay alam ko na kung na saan siya— sa nakakandadong silid ng senyorito.
Sinasabi ko na nga ba. Pakawala niya ang batang 'yon para dalhin ako rito.
Naalala ko 'yung mga susi na napa-duplicate ko na. Baka ito na ang tamang oras para harapin ko ang takot ko at alamin kung anong lihim nitong silid. Natatakot ako pero ayokong mabuhay na lang sa takot. If fear is what helps me survive well I don't want it. Haharapin ko na 'to once and for all.
Desidido kong kinuha sa kuwarto ko 'yung mga susi at pumanhik uli agad pagkatapos. Marami-raming susi 'tong hawak ko at isa lang dito ang makapagbubukas sa silid ng senyorito.
"Giovanni, kung laro ang gusto mo, laro ang ibibigay ko sa'yo." Matapang kong pinasok ang unang susi sa seradura ng pinto.