Gamit ang flashlight ng cellphone ko ay isa-isa kong sinubukan kung alin sa mga susi ang magkakasya sa butas ng kandado. Maingat kong minarkahan ang nga susing tapos na, nag-iingat na hundi kumalansing ang mga 'yon dahil baka marinig ni Josefina. Malamig ang hangin na nanggagaling mula sa balkonahe pero pinagpapawisan ako ng malapot dahil sa kaba. Mula nang makarating ako sa mansyon na 'to ay napansing kong malamig at amoy lupa ang kuwartong ito. Siguradong pinamamahayan 'to ng senyorito. Pagkarinig ko ng 'clack' sa natunggab na susian ay napalunok ako; bukas na ang pinto. Makikita ko na rin sa wakas ang lihim ng kuwartong 'to. "Tabi-tabi po," usal ko pagtapak sa entrada. Hindi naman siya nuno o duwende pero ewan ko, nasabi ko na lang 'yun bigla. "Nuno ka talaga 'no, aminin mo?" biro k