Chapter 1: Ramona

1080 Words
"Kuya, kanina pa tayo rito, ah?! Hindi na ba talaga tayo makakagalaw sa traffice na 'to?!" reklamo ko sa jeepney driver. Wala na akong pakialam kung magmukha akong palengkera. Isinugod si Mama sa ospital at kailangan ko siyang puntahan ngayon din. "Mahaba ang trapiko at may nagbanggaang kotse do'n sa dulo, Miss. Anong gusto mo paliparin ko 'tong dyip?" "Narinig niyo naman na kasi kanina sa radyo na traffic sa gawing 'to pero hindi niyo pa rin iniwasan! Bababa na ho ako! Pakisuklian na lang 'yong one hundred ko kanina pa ho 'yon!" "Oh ayan, ayan. Aga-aga init ng ulo," kamot ulo niyang saad. Nagdadabog akong bumaba ng jeep nang makuha ang sukli ko. Nagsisunuran sa'kin 'yong mga college students na pinili na lang ding lakarin ang unibersidad nila na medyo may kalayuan pa. Papunta rin sana ako sa pupuntahan nila kung hindi lang biglang inatake si Mama sa puso. Mag-e-enroll rin sana ako at makakapag-aral na ulit. Trenta minutos kong tinakbo ang hospital kung saan sinugod ng kapitbahay namin si Mama. Pagdating ko ro'n ay nabungaran ko si Juday na naghihintay sa'kin sa labas ng Emergency Room. Tinanong ko agad sa kanya kung anong nangyari. "Jude! Si Mama na saan siya?! Ano ba kasing nangyari?!" "Maka-Jude naman 'to. Bakit mukha kang porcupine tayo-tayo 'yang buhok mo, dzai?" nandiri ako sa pagsinga ng baklang 'to; may lagkit at rinig talaga na may uhog, eh. "Wala na siya dito sa ER. Dito lang kita hinintay pero kinuha na siya ng mga nurse." "Okay? So, na saan nga siya?" "Doon sa... sa..." hindi niya matapos tapos ang sasabihin dahil naiiyak siya. "Parang tanga 'to bakit ka ba umiiyak? Tumahan ka na gusto mo bang pumangit lalo?" "Sinasabi mo bang pangit ako?" "I'm sorry hindi mo ba alam?" Natuluyan na siya sa paghagulgol. Hindi ko na alam kung anong iisipin, kung kakabahan na ba ako o ano. "Jude, umayos ka nga. Na saan na ba kasi si Mama?" malumanay ko nang tanong. Hindi siya sumagot pero iginiya niya ako sa malayong hallway sa ER. "Anong ginagawa natin dito? Na saan nga siya?" tumuro siya sa nag-iisang silid dito sa dead end— ang morgue. "Nagtitinda siya ng mga gulay sa palengke nang atakihin sa puso," kwento ni Juday. "Alam mo naman ang parlor ko may kalayuan kaya medyo natagalan ako sa pagpunta sa kanya. Nadatnan ko na lang siyang pinagkakaguluhan at pinapaypayan ng mga tao, dzai." Parang may nakabarang malaking buto sa lalamunan ko na hindi ko malunok. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko kahit gusto kong abutin ang seradura ng morgue. "Nataon pang may aksidente on the way rito kaya ang traffic hindi nakadaan agad ang tricycle na sinasakyan namin," dagdag pa niya na namamaga na ang mga mata sa pagluha. "Nand'yan siya sa loob?" tanging nasabi ko. "Ay, hindi, dzai. Dinala lang kita rito para ipakita na sabi ng doktor kapag inatake pa raw uli siya sa puso dito na ang tuloy niya." "Juday, sira ulo kaaaa talagaaaa!" Nanggigigil ko siyang kinurot sa tagiliran. "Ang lakas ng amats mo tinatakot mo ako wala naman pala d'yan si Mama! Gusto mo bang ikaw na ang ilagay ko sa isa sa mga freezer d'yan, haaa!" "Aray! Aray! Aray!" namilipit siya sa sakit ng kurot ko. "May paiyak-iyak ka pa d'yan bakla ka! Dalhin mo ako kay Mama ngayon din!" Mistulang umuusok ang ilong ko sa galit habang hinahatid niya ako sa ward kung na saan si Mama. Wala kaming tigil sa pagbabangayan hanggang makarating doon. Pagpasok ay nakita naming pito ang patients na kasama ni Mama sa ward kaya minabuti na naming manahimik para hindi kami makaistorbo. "Pangalawang atake niyo na sa puso ito, Misis." bago pa namin mabuksan ni Juday ang hospital curtain sa kama ni Mama ay narinig na namin ang doktor niyang nagsalita. "Malaki ang tiyansa na ma-stroke ka na talaga kung masusundan pa ito. Wala ka bang anak na pwedeng magtrabaho na lang para sa'yo?" "Nag-iisang anak ko lang si Ramona, Doc.," sagot ni Mama. "Ipinagbubuntis ko pa lang siya nang iwan kami ng ama niya. Bilang magulang gusto ko siyang makatapos man lang ng pag-aaral kahit pa wala naman akong nagawa dahil trinabaho niya rin ang pang tuition niya. Ayokong alalahanin niya pa ako." "Misis, makapaghihintay ang pangarap ng anak niyo pero ang kondisyon niyo hindi." Hindi ko na pinatapos pa ang usapan nila dahil nagpasya na akong lumabas ng ward. Sinundan ako ni Juday na agad akong kinamusta. "Okay ka lang, dzai?" "Dapat talaga hindi ko na pinipilit pang bumalik sa kolehiyo, Jude. Ang selfish selfish ko." "Hoy? Nag-se-self-pity ka ba? 'Wag kang ganyan. Hindi makakatulong ang pag-iisip ng ganyan." Malalim akong napabuntong hininga. "Iwan mo muna ako, Jude. Mauna ka na pumasok samahan mo muna si Mama. Okay lang ba o babalik ka na sa parlor?" "Tatakbo naman ang negosyo kahit wala ang may-ari basta't nando'n ang mga accla. Sige na, lumanghap ka na muna ng hangin doon para mahimasmasan ka. Ako nang bahala rito." "Salamat, Jude. Ikaw lang ang tinuring kaming tao. Alam mo naman ang tingin nila kay Mama sa lugar namin." "Ano? Pokpok?" I gritted my teeth. "Oo. Pokpok na nagpabuntis sa foreigner sa pag-aakalang makakaahon siya sa kahirapan kaya lang iniwan siya. 'Yon ang usap usapan, 'di ba?" "At hindi naman 'yon totoo kaya 'wag mo na silang pansinin. Kung sa gano'ng paraan ka binuhay ng Mama mo eh ano naman?" "Hindi ko naman din 'yon ikinakahiya." "Aba dapat lang. Kahit ako kung gano'n ako kaganda sa Mama mo no'ng 80s lalambitin na lang din ako sa flagpole— instant money libreng kant*t pa!" "Ew, ano ka ba? Tumigil ka nga." "Malalaman mo rin kapag naranasan mo nang araruhin sa kama, dzai. Nako, sinasabi ko sa'yo hahanap-hanapin mo 'yon. Talap-talap." "Pssh." Ako? Hahanap-hanapin ang s*x? No way. Kahit gano'n ang trabaho ni Mama noon ay hindi niya ako hinayaang ma-expose sa gano'ng mundo. Pinalaki niya akong kabaliktaran niya— konserbatibo. Kahit kailan ay hindi ako magpapasakop sa isang lalaki kahit alukin pa ako nito ng malaking halaga. Iniwan ko na si Juday kay Mama matapos ng pag-uusap na 'yon. Pupunta sana ako sa Billing pero napadaan uli ako sa Emergency Room. Natigilan ako ro'n nang makita ko ang isang duguang lalaki sa stretcher. Nakuryoso ako sa sinapit ng binata kaya halos magkandahaba ang leeg ko para lang masilip siya maigi. Sa gano'ng posisyon ay nagulat ako nang biglang tumulak pabukas ang double door ng Emergency Room. "Excuse me! Padaan! Padaanin ang pasyente!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD